Chapter 28

178 22 0
                                    

GENERAL POV 

"Lara!" nakangiting bati ni Ella sa katrabaho pagkatuntong palang sa pinto ng coffee shop, "Oh- anong nangyare?" bungad na tanong ni Lara sa kaibigan na hindi naman agad naintindihan ni Ella

"Anong ibig mong sabihin? Andyan na ba si Ms. Mia?" agad itong tumakbo papuntang employee's room at hindi na inintay ang tugon ng kaibigan dahil sa pangambang baka sya pagalitan "5 minutes late, Ella" napapikit sa gulat si Ella ng makapasok siya sa employee's room dahil hindi niya inaasahan na naghihintay na pala sa loob ang kanilang manager 

"T-traffic po kasi" pangangatwiran nito at agad na nagbihis, "Goodmorning Maa- Gabrielle?!" nagulat si Lara ng isang kaibigan nya pala ang pumasok sa coffee shop, hindi nito lubos na mapagtanto dahil nakakapag taka na ganun kaaga ito bumisita sa kanilang coffee shop

"Can i get a breakfast bread with cappuccino" ngumiti ito sakanya at inabot ang card upang magbayad, Weird?  saad ni Lara sa sarili dahil bihira nya itong makita na nakangiti sa umaga, "Goodmorning po~ oh- G-gabb" gulat na saad ni Ella ng makalabas sa employee's room 

"Hi" Nakangiting tugon ni Gabb sakanya na ikinalaki ng mga mata ni Lara

LARA POV 

Something's off, i really can smell it! 

"Ah- iprepare ko lang" they're smilling at each other, kaya palipat lipat ang tingin ko sakanilang dalawa. Napansin ko namang medyo naiilang si Ella, siguro may nangyari nung nag province silang dalawa? 

Hay nako! Maistress lang ako kakaisip dito, nagfocus nalang ako sa trabaho kesa sa isipin ko pa silang dalawa pero kung may something talaga, babalaan ko si Ella for sure! 

GIA POV 

"They look good together" biglang saad ni Kyla habang tinitignan ang mga pictures na sinend sakin ni Coleen, "Patingin!" pag agaw naman ni Lei sa cellphone at tinignan din ang picture 

"Obvious nga na may something oh! Yung tingin nila sa isa't isa" siguro eto yung labis na ikinakakaba bago ako umalis ng pinas. Hindi ko alam kung bakit akong sobrang kinakabahan non bago umalis, siguro dahil dito. Dahil makukuha ni Gabb si Ella

"Tigilan nyo na nga yan!" hinablot ko ang cellphone ko sakanila at pinatay ito, "Yan na nga sinasabi ko eh, mag focus ka nalang sa studies girl!" saad ni Tin tsaka umakbay sakin pero inalis ko ito at walang ganang sumandal sa upuan ko 

"Ako nalang kasi, para di ka mabroken dyan!" bigkas ni Lei tsaka tumawa kasama si Kyla kaya inirapan ko lang sila, "Big help talaga kayo" asik ko sakanila, saglit silang natahimik at nagkatinginan sabay tawa ulit na parang mga baliw 

Right, i should focus on myself na muna. Hindi ako makakapag focus sa pag aaral kung parati kong itinutuon ang sarili ko sa pilipinas. Nagpunta ako dito para sa studies ko. 

Heads up Gia! Kaya mo yan!

GENERAL POV 

"Ilang weeks na hindi nagpaparamdam si Ba sakin" pagsusumbong ni Ella sa kapatid na si Gelay habang nakatuon ang atensyon sa niluluto habang si Gelay ay nag aayos ng hapagkainan, "Baka busy lang sa pag aaral ate. May sariling buhay din yun noh" 

"Eh bakit before, kahit may ginagawa sya nag u-update sya pero ngayon wala na. Hindi nga nya binabasa mga chats ko" parang batang nagsusumbong na saad ni Ella, "Asus~ miss mo na?" pangangasar sakanya ng kapatid dahil nakanguso na ito habang nagluluto 

"Sobra" tugon ni Ella habang hinahalo ang ulam na niluluto niya, "Sya ill contact her, para kang ewan ate" 

"Si Gia na nga lang napagsusumbungan ko eh, tapos bigla akong di papansinin. Masakit kaya" hindi na tumugon si Gelay sa pagmamaktol ng kapatid nya, sahalip ay ngumiti nalang ito ng palihim at agad na tinapos ang gawain 

ABBY POV 

"Hay! finally semestrial break!" walang ganang isinandal ni Ecka ang sarili nya sa sofa na akala mo naman talaga pagod na pagod, "Two weeks nga lang eh, for sure isang pikit nanaman yan" reklamo ni Dana habang busy sa paglalaro sa xbox ko

"Ikaw abby anong plano mo?" napalingon ako kay Ecka ng tanungin nya ko, "Nothing" maikling tugon ko tsaka itinuon ulit ang atensyon ko sa laptop ko 

"Do you want to go to the beach?" agad na napakunot ang noo ko sa pag aya ni Ecka, "Daming budget ah?" pangangasar naman ni Dana sakanya. 

"Alam nyo ba guys, kailangan din naman natin mag unwind noh" dagdag pa nya na parang kinukumbinsi talaga kami sumama sa plano nya, "Dali na! Kahit three days and two nights lang" lumapit sakin si Ecka at sinandal ang ulo sa balikat ko na agad ko din namang iniwas 

"May trabaho si Lara tapos si Gabb busy sa MGA FRIENDS kuno" asik ko kay Ecka, for sure naman kasi kung mangyayari yang inaasam na beach ni Ecka. Baka kami lang apat kasi syempre kasama na agad si Sela pero kasi Lara is a busy person. Lalo na si Gabb busy sa mga babae nya 

"Speaking of friends, Eh si Ella at Gabb friends lang ba?" pag iibang topic ni Dana kaya napatingin ako sakanya, "They both say na friends lang e. So probably friends lang sila" bigkas naman ni Ecka 

"I mean the last time na naginom kasi tayo ng sama sama bigla silang nawala" napaisip ako bigla sa sinabi ni Dana, yan din yung sinasabi ni Sela sakin ng makauwi kami, she keeps saying na nakita nya si Gabb at Ella na magkasama, although naunang umalis si Ella dahil daw nagtext yung mom nya, "Try to think critically guys, may kutob talaga ako sa dalawa" dagdag pa ni Dana 

"Imposible kasi Gabb is not into relationship after Coleen cheated. She never takes serious relationship na. All of the girls na kinikita nya, puro fling or you know motmot" nagkatinginan naman kami ni Ecka dahil may sense ang mga sinasabi ni Dana samin 

"So what are you pertaining for?" tanong ko kay Dana kaya pinause nya ang nilalaro nya at tumingin samin ni Ecka, "They're friends with benefits. For sure si Ella ang target ni Gabb ngayon aside from the other girls na lagi nyang kachat, kase guys sino ba namang hindi magagandahan kay Ella diba? Tsaka kung they're inrelationship talaga, Gabb will automatically tell us about it"

LARA POV 

"You have your own dorm na pala, gano na katagal toh?" bungad kong tanong kay Ella ng makapasok ako sa dorm nya, She invited me kasi end of the first semester daw. She wanted to celebrate it, "Almost 2weeks narin, diba natanggap ako sa scholarship? Yung natanggap ko dito ko ininvest para di ako nahihirapan mag byahe papuntang school at work" pagpapaliwanag nya tsaka inilapag ang mga gamit nya. 

Agad naman akong naupo sa higaan nya at binuksan ang tv  samantalang sya ay dumiretso sa kusina para magluto, bago kasi kami pumunta dito sa dorm nya dumaan muna kami sa palengke, "Lara" tawag nya sakin kaya napatingin ako sakanya 

"May balita kaba kay Gia?" nagtama ang mga kilay ko sa bigla nyang tanong, akala ko ba lagi silang magkausap? "Hmm ang balita ko lang is katatapos lang din daw ng semester nila" nakita ko naman ang pagtango, kahit na may pagtataka ako ay binalewala ko nalang ito

I guess Gia knows what's happening here 

Ibinaling ko nalang ako atensyon ko sa palabas sa tv hanggang sa tinawag na ko ni Ella para kumain kaya tumayo ako at tinulungan sya sa hapagkainan, "Sarap ng luto!" saad ko habang ineenjoy ang niluto nyang spaghetti, "Jupagetti by Ella may Amats" pagloloko ko sakanya na agad din naman syang natawa 

Tinitigan ko sya at di maiwasang mapaisip ang nangyayari sakanilang dalawa ni Gabb, im really worried about Ella sa totoo lang. She's to genuine to be with Gabb, "Ella" tawag ko sakanya kaya't napatingin narin sya sakin habang nakangiti 

"Mag tapat ka nga sakin, anong status nyo ni Gabb?"

--

Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Where stories live. Discover now