Chapter 40

100 10 0
                                    

GENERAL POV

Kasalukuyan

"Hindi kana dapat nag abala pa" bigkas ni Ella habang nakangiting kumakain ng mga dala ni Gia, "No its okay, its my free time naman" nakangiting tugon naman ni Gia sa kaibigan

"Luto mo ba toh? Ang sarap ah" mas lalong umaliwalas ang mukha ni Gia ng marinig ang pag puri ni Ella sa kanyang luto, "You should eat too! Ayaw mo ba tikman yung luto mo?" Pag aya sakanya ni Ella at inabot ang tinidor

"Uuuy! Gia, di mo manlang sinabi na dadalaw ka pala dito sa university" biglang sulpot ni Ecka kasama si Gabb, Dana, Abby at Lara

"Girls! Pasensya na, di ako nakapag sabi" bati ni Gia sa mga kaibigan. Hindi naman sinasadyang magkatinginan si Ella at Gabb

Muling nanumbalik sa utak ni Ella ang sagutan nilang dalawa kayat agad agaran niyang ibinaling ang tingin sa kinakain, "Mukhang masarap ang kinakain ni Ella ah" pangangasar ni Lara tsaka naupo sa tabi ng kaibigan

"Tikman mo, Lang. Ang sarap ng luto ni Gia" nakangiting saad ni Ella na ikinapula ng mga pisngi ni Gia. "Kinikilig luh" pangangasar naman ni Dana kay Gia

"Hoy! Di kaya! Pero kumain na ba kayo? Sabay na kayo samin" pag aya ni Gia sa mga kaibigan, "Im full. Mauna na ko" malamig na bigkas ni Gabb na nakakuha ng atensyon ni Ella

Saglit silang nagkatitigan hanggang sa putulin ulit ni Ella ang titig, walang nagawa si Gabb kundi ang humingang malalim bago lisanin ang mga kaibigan

"Why does i miss her so bad!" Iritadong bigkas ni Gabb habang patuloy na naglalakad palayo sa mga kaibigan

ELLA POV

Mag isa akong nakaupo ngayon sa library. Tutal madami pa namang oras for lunch break. We dont have any quizzes or activities to do later, kaya napag isipan ko nalang magpahinga dito sa library.

Ini-ub-ob ko nalang ang ulo ko para makaidlip saglit ng biglang may narinig akong nagbaba ng mga gamit sa table kaya't napaangat ang ulo ko, "Hi Ate!" napaface palm nalang ako ng makita ko ang pagmumukha ni Frances

"Nakita ko kayo ni Ate Gia kanina ah- tsaka yung titigan nyo ni Gabb" hindi ko alam kung inaasar nya ba ko o ano kasi grabe yung ngiti nya talaga namang nakakaloko

"Bat di kayo magkasama ni Jaydee?" pag iiba ko ng topic tsaka tumingin sakanya, unti-unting nawala ang mga ngiti nya at agad na napatingin sa baba, "Huli ka! Anong balita sainyo?" Pangangasar ko sakanya

"She keeps talking to me, pero umiiwas ako. Ayokong lumala yung nararamdaman nya" bigkas nya, "Bakit naman? Diba mutual naman kayo sabi mo sakin last time?"

"Yun na nga, pero baka mag break din kami sa huli, i dont wanna lose jaydee" nakapout nyang bigkas

Sana ganun din sya sakin.

Teka bakit ko nga ba sinasali pa si Gabb hays!

"Try to talk to her Queen, wag mo pangunahan agad. Malay mo ibang outcome pala ang mangyari sainyo" pagpapayo ko sakanya tsaka hinawakan ang kamay nya,i sunod ko pa sakanya

"Ang cheesy mo Ate! IWWWWW!" natawa nalang ako sa naging reaction nya, i know she really hates being sweet pero sa totoo lang napaka sweet nyang tao. Yung tipong ako narin minsan ang nacringe sa mga ginagawa nya.

GENERAL POV

4pm

"Diba sabi mo mag uusap kayo ni Jaydee sa field?" tanong ni Ella kay Frances habang naglalakad palabas ng university, "I dont know kung tutuloy pa ba ko? Natatakot ako, Ate" agad na napatigil sa paglalakad si Ella at humarap sa kaibigan

"Be true to your feelings Queen, for sure nag iintay si Jaydee dun kanina pa" hindi nakapag salita si Frances at napatulala na parang nag isip

"If she will fight for us, i will too" sambit ni Frances mula sa isip tsaka tumingin kay Ella habang nangingilid ang mga mata, "Go ahead Queen, catch her"

Walang alinlangang tumakbo si Frances sa harapan ni Ella at agad na nagtungo sa field ng kanilang university.

Doon, nakita niya si Jaydee na nakayuko habang nakaupo. Napatitig saglit si Frances sa kababata hanggang sa napag pasyahan nitong lumapit, "Queen" agarang banggit ni Jaydee at napatayo ng mapansin si Frances

"Queen, Im sorry" bigkas pa ni Jaydee tsaka hinawakan ang kamay ni Frances, "H-hindi ako nag isip ng maayos that time. Please dont be mad at me, n-nabigla lang ako"

Binawi ni Frances ang kamay niya at naupo, "Paano kung gusto mo nga ko p-pero hindi kita gusto?" nagulat si Jaydee sa biglang bigkas ni Frances.

Huminga ito ng malalim at pilit na ngumiti, lumuhod siya sa harapan ni Frances ngunit hindi magawang tumingin ni Frances sakanya, "Gusto pa rin kita. Kahit anong mangyari" nakangiting saad ni Jaydee sa kaibigan, nasasaktan man ang kalooban dahil sa narinig ay mas pinili nalang niyang itago

"P-pero pano kapag gusto din kita?" unti unting nawala ang mga ngiti sa labi ni Jaydee at napatitig sa mga mata ni Frances, "H-huh?" kabadong tugon ni Jaydee

"P-pag naging tayo baka in the end magbreak lang tayo gaya ng mga naging ex ko. Ayaw kitang mawala sakin Jaydee"nangingilid ang mga luha na bigkas ni Frances. Agad namang umiwas ng tingin si Frances at pilit na pinipigilan ang mga luha.

Unti unting nagkorte sa isang ngiti ang mga labi ni Jaydee at hinawakan ang kamay ni Frances, "Hinding hindi ako magbabago sayo Queen, lalong lalo na yung nararamdaman ko" sincere na bigkas ni Jaydee

"I promise, ikaw... at ako, hindi tayo gagaya sa mga naging past relationships mo. Panghahawakan kita" sunod pa nito. Hindi na napigilan ni Frances ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan

"Jaydee" umiiyak nitong bigkas habang nakatingin kay Jaydee na agad namang ngumiti at pinunasan ang luha niya sa pisngi, "Mahal kita Frances" bigkas nito tsaka yumakap ng mahigpit

GIA POV

"Ba asan ka?" text ko kay Ella, almost an hour ago pero hindi sya nagrereply. I bought some foods pa naman para sana sabay kaming kumain ng dinner sa dorm nya.

"Hays, baka nakatulog na sa pagod yon" dali dali akong sumakay sa sasakyan ko at nagtungo sa lugar na pinag stay-an nya.

Nakangiti akong bumaba ng sasakyan ko bitbit ang mga dala kong pagkain ng bigla ko silang makitang dalawa.

Magkasunod silang naglalakad papasok ng building kung nasaan ang dorm ni Ella, Unti unting nawala ang mga ngiti ko sa labi at agad kong naramdaman ang kirot sa aking dibdib.

"Talo na ba ako agad?"

----

A/N: Kamusta MnLoves?

Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Where stories live. Discover now