Chapter 1

489 23 0
                                    

GABB POV

"Congratulations bunso!" bati ko sa bunso kong kapatid na katatapos lang sa elementarya.

"Napakagaling naman! Manang mana sa Ate!" Masigla kong sambit sakanya at ginulo ang buhok nya agad naman syang sumimangot na para bang nagtatampo

"Ate ka dyan! Baka ate kuya"  natawa ako sa sinabi nya, ever since na sinabi ko sakanya na i both like girls and boys ganyan na ang tawag nya sakin

"Ikaw talaga! Sya! I have a gift! Dahil with high honors ang aking prinsesa! Here!!" inilahad ko ang isang regalong nakabalot sa isang manila paper, kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata nya. Para syang disappointed na nashock?

"Tag hirap kana ba ate? Wala manlang kakulay kulay! Ang plain oh! Pano ko ito pipicturan!" Pagmamaktol nya kaya natawa ako

"Go ahead buksan mo muna" nakangiti kong sambit sakanya at agad naman nya itong binuksan

"Ano ba naman toh ate, trippings ka noh? Pangatlong balot na toh, kaya pala anlaki!" Eto ako tumatawa lang habang binivideohan sya, i wrapped my gift ng paulit ulit wala lang para pag tripan sya

"Hala! I-iphone! Matagal ko na itong wish! Maraming salamat Ate Kuya Gabb! Mahal po kita!" Saad nya ng makita ang regalo ko sakanya, ngiting ngiti pa aba!

Agad naman syang yumakap sakin dahilan para gumaan lalo ang pakiramdam ko

"Lagi mo pag bubutihan ang pag aaral ha? Pag nakagraduate ka ng High School may gift ulit ako! Mas bongga pa!" Saad ko at ngumiti sakanya

"Salamat Ate ko!"

"Gusto mo ba lumabas? Treat kita habang wala pa sina Mom!" Agad naman syang sumang ayon kaya naghanda na ako sa pag alis namin

ELLA POV

"Isang iced coffee with two bagel with cheese"

"Any order po Maam?" tanong ko

"No, that will be all" ngiti naman ng isang babae sakin kaya nginitian ko din sya, ganda ng beauty nya ah

Agad ko namang inasikaso ang order nya at binigay ito, tsaka dali daling bumalik sa pwesto ko

"Ella, over time kana. Ako na dito" saad ng kawork mate ko, si Lara

"Okay lang ba?" Tanong ko, baguhan lang kasi sya at tinetrain pa sa mga gawain dito sa resto

"Keri ko na toh, sige na magout kana dun" saad nya at binaling na ang atensyon sa customer na bagong dating

Agad akong pumasok sa loob at naupo. Grabeng pagod ko, pero okay lang. Para makapag enroll ako ngayong kolehiyo. Sapat na siguro ang naipon ko para makapag simula na ulit sa pag aaral

"Ella, may sweldo na nga pala, check mo nalang mamaya" saad ng manager namin

"Salamat po Ms. Mae" sambit ko tsaka tumayo na at pumunta sa locker kunsaan nandun ang mga gamit ko.

Dali dali akong nagpalit dahil mag 3pm na. Mahiral bumyahe ng rush hour.

GIA POV

"Tagal mo naman itlog!" Asik ko sa bestfriend ko na ubod ng pagod sa pag kilos.

Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Onde histórias criam vida. Descubra agora