Chapter 24 (The ball xx)

831 25 1
                                    

The answer xx

-

Monica's POV

Bakit kaya nagmamadali kahapon si Monik na pumasok ng school. Haays! Nakakaduda naman kasi. February na rin pala, pero sawi pa rin ako sa pag-ibig.

"Hoy Nica! Makinig ka nga sa'kin." sabi ni Tristan, yung bestfriend namin ni Monik na nakakainis. Nagkukwento kasi siya sa'kin tungkol doon sa babaeng gusto niyang kasama o kadate sa February 14, nagtatanong na rin siya kung ano bang mga gusto ng mga babae kapag nagdate sila. Malay ko ba kung ano diba? Malay mo magkaiba kami ng trip o nagugustuhan ng babaeng kadate niya.

"Nakikinig ako! tsaka huwag mo akong tanungin sa mga ganyang bagay kasi hindi ko alam. Si Monik na lang tanungin mo kasi mas madami siyang alam sa mga ganyan." sabi ko tsaka uminom ng frappucino. Nandito kasi kami ngayon sa starbucks, pamparelax ko na rin kasi itong frappucino sa tuwing nai-stress ako o madaming iniisip.

"Ikaw na yung nandito kaya ikaw na lang ang magsuggest, sige naman na Nica." pagpupumilit niya pero hindi pa rin ako nagsuggest. Ang kulit kulit niya kasi, sabi ko na kasing wala akong alam.

"WALA AKONG ALAM SA MGA GANYANG BAGAY" medyo malakas at nanggagalaiti kong sabi.

"Wala raw alam sa mga ganitong bagay pero iniisip naman niya yung taong mahal niya ngayon." nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya. May sinabi kaya si Monik sa kanya? Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya yung tungkol kay Naomi, na mahal ko na si Naomi.

"Oh? Gulat na gulat ka ata? Nagbibiro lang naman ako." sabi niya tsaka natawa.

"Hindi magandang biro yun, Tan!" sabi ko tsaka inubos na yung frappucino ko na tumayo na at nauna ng maglakad.


"Uy! Pasensya na! nagbibiro lang yung tao e. Teka lang naman, hintayin mo naman ako Nica!" sabi ni Tristan pero hindi ko siya pinansin. Naiinis ako sa kanya.

"Hey! Sorry na Nica." nang makahabol siya ay kinalabit niya ang braso ko tsaka siya humingi ng pasensya pero hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang sa makatawid kami papuntang school.

"Sino ka ba? Kilala ba kita? Umalis ka na nga sa harapan ko, diba may klase ka pa? umalis ka na, baka malate ka pa." pagtataray ko tapos tumakbo na papuntang school, paglingon ko sa kanya ay nagkamot pa siya ng batok niya tsaka umalis na. Mabuti na lang nakatakas ako sa kanya.

'Pasensya na talaga' nagtext siya pero hindi ko nireply'an.

Tristan is calling...

Reject

Tristan is calling...

Ang kulit naman! Reject pa rin.

Tristan is calling...

Papatayin ko na sana ang cellphone ko pero naawa ako sa kanya kaya naman sinagot ko na yung tawag.

"Ano?" pagsagot ko palang sa tawag niya ay yan na sinabi ko.

"Sorry na kasi." hay nako! Kahit kailan talaga si Tristan, makulit.

"Okay." sabi ko pero narinig kong huminga siya ng malalim at nagsalita ulit sa kabilang linya.

"Alam kong naiinis ka pa rin sa'kin kaya sorry na." sabi niya, kilalang-kilala niya talaga ako. Kumanan na ako para magpunta sana sa room pero may nakita ako sa may bandang gilid. Sila Naomi at Monik yun ah? hindi ko na narinig yung mga sinasabi ni Tristan dahil sinusundan ko lang sila Naomi at Monik kung saan sila pupunta.

The Girls (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon