"Paki mo ba kung lalaki ang kikitain ko, wala naman tayong pake sa isat-isa diba?" Sabi ko, "basta aalis ako mamaya."

"Fine! Do whatever you want, I don't mind your businesses anyway." Aniya sa matigas na ingles.

"I don't mind your chuchu," I mimicked.

"May sinasabi kaba?" Pukaw niya.

"Wala sabi ko wala 'din akong pake sa mga gagawin mo che! Bahala ka na nga diyan! Iiglip muna ako, ang hirap makipag plastikan sa iyo!" Umirap nalang ako bago umalis sa harapan niya.

~*~

Gamit ang sasakyan ko na pinadala ko dito kila Mommy dahil naiwan ko sa bahay namin. Ay nag punta ako sa coffee shop ng isang kaibigan ko.

Long time no see na 'din kasi lalo na at busy ako sa hospital, katulad nalang ng mga nakaraang araw. Sunod-sunod ang dumating na manganganak. Hindi kinaya ng mga OB! Susme!

Ayaw pa kasing mag family planning! Pati kami stress! Chos!

"Ora!"

Napitlag si Ora— my gay best friend— ng walang pasabi ko siyang kinalabit at tinawag. He's busy doing some orders, muntik pa nga niyang mabitawan ang isang tasa ng kape dahil sa gulat.

Natawa nalang ako sa reaksiyon niya.

"Ano kaba Ariela! Aatakihin ata ako sa suso niyan!" Reklamo niya.

"May suso ka girl?" Pang-aasar ko dito.

"Panira ka ng moment! Sarap mo kutusan!" He said.

Inirapan lang niya ako bago siya tumawag ng isang empleyado. Inutusan lang niya iyon na dalhin yung hawak niyang order para dalhin sa customer.

"Hello Dra. Lerona," bati sa akin ng empleyado na tinawag niya.

"Hello Misis," Bati ko 'din sa kanya, "kamusta na si baby?" 

"Ay naku po ang lusog po ng anak ko doc!" Masiglang sabi niya.

She's one of my patients. As I remember her name, it's Joanna. Siya yung pasyente ko na inabot na sa loob ng sasakyan ng panganganak. Mabuti nalang at papasok pa lang ako sa loob ng hospital ng maabutan ko sila kaya ako na ang nag handle.

Thankfully, naideliver ang bata ng maayos at malusog.

Hindi 'din nag tagal ang lil chitchat namin ng yayain na ako ni Ora sa isang table. Katabi Ito ng glass wall at kitang-kita ang mga nag dadaang sasakyan at mga papasok na customer.

Bumaling ako sa harapan ng mag lapag si Ora ng tasa ng black coffee sa harapan ko at ganoon din sa kanya.

I just smiled at him before I sip on the cup of my coffee.

"So girlalu! Ano na ba ang ganap? Long time no see ha? Last meet up natin, noong ginimbal mo ang buong galaxy about sa arrange marriage mo! God kaloka!" Panimula ni Ora.

I just sighed at nahalata naman ni Ora ang lahat kaya nanahimik muna siya.

Siya lang ang nakakaalam sa lahat ng ito. Bilang isang matalik na kaibigan at pinagkakatiwalaan ko naman siya eh sinabi ko na ang lahat, I don't want to keep my frustrations inside kaya inilabas ko lahat iyon kay Ora which is palagi ko namang ginagawa kapag may problema ako. That's why I'm thankful about sa baklang ito.

"Right. Now tell me about the guy Ariela." Sabi niya.

Humigop ako ng kape sa tasa ko bago ako nag salita.

NYTM1: JAEDAN EROS ACOSTAWhere stories live. Discover now