PAGE 28: VINO MÁGICO

45 8 0
                                    



"Hi! Uhm... Thanks sa pagsagot mo sa Project ko..." I can't believed that I said this! Hindi ako mahilig magpasalamat. Nagsasabi lang ako ng Thanks kapag sobrang importante sa akin ng isang bagay. So I said this because my project is important? Oh guess, Yes!


His eyes widened then smiled at last "Don't mention. It's my pleasure to help you, Rhem," Damiel answered.


"Okay." Tumalikod na ako at naglakad papasok ng elevator. Minsanan lang ako sumakay sa elevator, baka kasi ma-trap ako, mahirap na.


I shocked a bit when he entered and properly stood beside me. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator. Nakikita ko pa sa harap ang mga ngipin niya. Panay ang ngiti na para bang may ningingitian na kung ano. I glanced at him without moving my head. I rolled my eyes when he suddenly looked at me at smile wider. Napailing na lang ako. Bakit ba parang ang tagal namang bumaba nitong elevator. Umiinit ang temperatura sa loob!


Nakahinga ako ng maluwag nang bumukas ang elevator and I got shocked when he held my left arm. Hinigit niya ako bahagya dahilan para mapaharap ako sa kaniya. Napahawak ako sa dibdib nya at naramdaman ko ang paggalaw nito. Fuck?! Bakit gumalaw? Yucks! Ano ito dede? Ew!


Napalayo ako at tumayo ng tuwid. Sinamaan ko siya ng tingin "Ano ba?!"


Pumungay ang mga mata niya. Infairness ang gwapo niya palagi ngunit hindi ko type! "I'm sorry..."


"Bakit ba?! Ha? Ano bang gusto mo? Nag-thank you na ako, ano pang gusto mo---"


"I want you to be my friend," mabilis niyang sagot.


"Wala ka bang friends kaya ako ang pinagdidiskitahan mo?" Asik ko.


"I have, but I want you too." He said and smiled.


"Nasasayang ang oras ko. 'Wag mo rin sayangin oras mo sa akin dahil hindi ako makikipagkaibigan sa'yo." Matigas kong sabi.


"Okay then, Pwede bang sumama ako sa'yo palagi? Kahit 'yon na lang." He said.


"I said, Stop chasing." Naiiling na sabi ko. Naglakad ako ng mabilis. Naawa ako ngunit hindi ko gustong makipagkaibigan sa kaniya. Ewan ko kung bakit ngunit ayaw ko talaga.


Nakalabas na ako ng campus at naglakad patungo sa paradahan ng tricycle. Malapit lang dito sa School kaya nilakad ko na lamang.


Biglang may humarurot ng motor sa aking harap sanhi ng muntikan kong pagkatapilok nang mapaatras ako at naramdaman ko na lamang ang mainit na kamay na pumulupot sa aking bewang. Napahiga kami sa kalsada. Nang imulat ko ang mata ko'y bumungad sa akin ang dark black eyes ni  Damiel. Nasa ibabaw niya ako. Ramdam  ko pa ang kaba sa aking dibdib dahil sa mabilisang motor na humarurot sa aking harap. I heavy sighed and stood up.


"Sabi ko naman sa'yo hayaan mo akong samahan kita." He said in a sincere voice while looking into my eyes.


Siguro kung hindi siya dumating may ambulance na ngayon at dinadala na ako sa Hospital. Hays! Friends lang naman gusto niya diba? Bahala siya! Langhiya! Mapapahamak lang siya sa akin.


"Okay fine!" I said and walked.


"Fine of what?" He asked.


"We're friends." I replied sabay sakay sa tricycle. Nakatanggap ako ng text kay Gray Eyes.

"YES!" I heard he shouted.


Nagpahatid ako sa tricycle driver na binigay na address ni Gray Eyes. Hindi ako pamilyar sa address na ito. Medyo malayo. Bumaba ako at humampas ang malamig na hangin sa akin. Ultimong buhok kong mahaba ay sumayaw. Pumalibot ang tingin ko at nakita ko ang malawak  na karagatan. Shining blue sea is spreading in front of me.


May lumapit sa aking matangkad na lalaki at gwapo rin. Madami bang gwapo sa mga Mafia? "Follow me, Mafia Rhem." His husky voice eco against my ears.


I followed him. We entered a house. A beautiful house near of the sea. I saw Gray Eyes sipping his wine glass. His left hand is on his pocket. Sa mabilis kong pamamasid sa kaniya'y unti-unti kong natatandaan ang bawat pustora niya.


"Are you done watching me?" I shocked when he notice. "Don't shocked. I am Mafia God, just don't forget,"


I sighed. He's so boastful! "What do you need?" I pissed but I calmed my voice.


"You don't want to hear our history?" Sa pagkakataon na iyon ay humarap na siya sa akin.


Hindi ako nagsalita.


"Sit down and listen. Hindi ko na uulitin pa ito."


I walked towards lounge and sit.


May liquor sa harap ko at sinalinan ko ang isang wine glass sabay lagok ng isang baso.  Nauhaw ata ako. Damnit!


"Matagal nang nabuo ang Organisasiyon namin. Nagsimula pa ito noong 17th century. Mga illegal na gawain ng isang Mafia ang ahensiya ng aming mga ninuno. Maraming pinapatay kahit ikaw ay mabait. Ngunit nabuwag ito nang ipinanganak ang aming Lolo at Lola. Ayaw nila sa patakaran ng mga ninuno noong 17th century. Nabuo pa rin ang Mafia ngunit hindi na sa purong illegal. Hindi lahat ng aming trabaho ay isang illegal na gawain. Pumapatay kami ng masasama at hindi ro'n kasama ang mabubuti. Dahil roon, nakilala ang aming organisasiyon ng isang grupo ng magnanakaw. Kumakalat na sila sa buong mundo and until now, we don't know kung sino ang kanilang leader. Pinagnakawan nila kami. Ang Mafia Members ay pinabakasyon ng aming mga magulang dahil sa tagumpay na napatay ng aming Ama ang Presidente ng United States. Ipinagdiwang iyon ng aming angkan kaya pinagbakasyon ng aming mga magulang ang mga Miyembro ng aming grupo. Pinasok kami ng ZRG members."


"Anong kinalaman ng liquid dito?" Singit ko.


He sipped his wine glass "My mother is the most smartest Doctor in the world. Walang makakapantay sa angking katalinohan niya. Isang tingin niya lang ay alam na niya agad iyon. Alam na niya agad ang lahat. Kaya dahil do'n, may nabuong likido si Mamá na kung tawagin ay Vino mágico o Magic wine. Kaya ka nitong pagalingin sa mabilis na paraan. Kumalat ito sa buong miyembro ng aming ahensiya at may isang miyembro sa amin na nagtaksil. Kumalat sa buong Spain ang nagawang Vino mágico ni Mamá. Napatay namin ang kumalat nito ngunit kahit napatay na namin ay naikwento  na niya ito sa lahat. Napatay namin ang lahat ng nakakaalam. Ang Presidente ng United States ay nananahimik lamang upang hindi siya ang sunod mapatay. Hanggang sa nalaman ng mga magulang ko na Martial Law ang U.S at humihingi ng tulong ang mga naroon kaya pumasok sa bansa nila ang mga magulang ko at pinatay ng Ama ko ang President doon. Ipinagdiwang iyon at pinagbakasyon ni Papá ang lahat ng miyembro" Ngayon ko lang siya narinig na tawaging Papa ang kaniyang ama. Madalas kasi Mafia Lord "Sinalakay ang aming mansiyon at ni-rape ang aking ina at ninakaw ang ilang Vino mágico na nagawa ni Mamá. Pati ang mga gold bar na nakatago sa ilalim ng aming mansiyon ay pinasok nila at kinuha lahat. Sa dami nila wala kaming nagawa. Pati ang aking ama na magaling sa pakikipagpatayan ay muntikan nang mapatay. Hindi lahat ng Vino mágico ay nakuha dahil marami kaming bahay na kumakalat sa buong mundo at naroon ang ibang nagawa ni Mamá. Ang kasulatan na ginawa ni Mamá ay nakuha nila. Marami pang nagawang liquid si Mamá na nasa kanila ngayon. Hindi lahat ng nasa kasulatan ay makukuha nila dahil wala roon ang dugo namin. Dugo lamang ng isang Montenegro ang makakapagpabuo sa Vino mágico. Hindi lahat nilagay ni Mamá sa kasulatan ang buong gagamitin para mabuo ang Vino mágico. Kailangan ng dugo namin. Kaya magpasa-hanggang ngayon ay hinahanap namin ang mga ZRG."


"That's it?" I asked.


He nodded "We take revenge for their killing of our mothers. Katulong ni Mamá ang mga ina nila Nash dahil magkakabata na sila. Marami ring nagawang magic wine ang mga ina nila dahil marami silang natutonan sa aking ina."


"Bakit Magic Wine?" I curiously asked.


"Because wine is the primary need of Vino mágico"





BLACKxNEON

FIRING LOVE (MAFIA SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon