Chapter 11 - Plucking of Maidens (March 21, 2015)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ha? Akala ko ikaw ang magme-make up sa'kin. Nako ha? Wala akong pambayad diyan!"

"Nako, hindi ano ka ba! Alam ko naman 'yun!" Binuksan ni Soapy ang pintuan. "Hi Sic! Eto na pala siya, pagandahin mo ang kaibigan ko ha? Si Dew Lia."

Pumasok ang isang lalaki at kumamay sa kanya?

"Sic Santos, at your splendor service."

"H-ha?" inabot ni Dew Lia ang kamay nito. "Hi. Dew Lia... Nangangalinangan ng make-over."

"No problemo!"

Lalaki?! Seryosong lalaki ang make-up artist?

***

"Are you ready to choose, Your Grace?" tanong ni Aves habang inaayos ang sash na suot ng prinsipe.

Hindi ito pinansin ni Ice Jason at hinayaan ang squire na maglagay ng dekorasyon sa damit niya.

"Hindi po nagconfirm ng attendance ang prinsipe Fire pero nagbigay pa rin kami ng invitation."

"Dahil hindi siya makakapasok sa first level guards kung wala siyang dalang invitation. Magtataka ako kung pupunta siya."

"Pinapaalala lang po ng mahal na hari na ingatan ang pakikipag-usap sa prinsipe Fire kung sakaling dadating siya."

"The old man's protecting his favorite son's privacy. Alam ko 'yun. Magliliwaliw na naman siya sa buong pagtitipon na parang batang kalye. Eh ang Princess Royale?"

"Siguradong pupunta mahal na prinsipe."

"Ang mga magulang ko?"

"Nasa bulwagan na po kanina pa."

"Then, I think we need to go out and entertain our guests?"

"Nagaabang po si Lady Juliya sa hagdanan."

Napailing si Ice.

"May iba pa bang daan palabas ng kwartong ito?"

***

"Bentley Continental GT?" gulat na gulat si Fire Jasper ng makita ng kotse na kinuha sa kanya ni Voltaire.

"Of course, Your Grace."

"Putek. Susunduin ko si Dew Lia hindi ba? Paanong sasabihin niya kapag nakita niyang may ganito akong kotse?!"

"Hindi naman mahalaga ang sasabihin niya 'diba? Ang sasabihin ng Lady Juliya ang mahalaga ngayon."

"Bobo ka talaga! Mahalaga rin ang sasabihin niya. Paano kung magtaka siya at hindi na sumama sa'kin. Eh 'di wala rin."

"Sabihin mo, bigay ng matrona! Hindi ba napagkamalan niya namang matrona mo 'yung—" Napakagat si Voltaire sa kamay. "Patawad, Great Queen Beatrice."

"Hay! Sasabihin pa talaga 'yung pangalan eh. Tatanga-tanga na naman."

"Oo na!" Napakamot si Voltaire. "Tatanga-tanga na naman. Hay basta, kaya mo na yan!!! Go! Mag-ingat ka lang dahil alam mo naman ang banta sa buhay mo."

"Walang magiging banta sa buhay ko kung wala ako sa palasyo. Hindi naman ako prinsipe kung wala ako sa loob kaya hwag ka ng epal. 'Di naman kita nanay para bantayan ako kahit saan, putek ka."

"Alam mo na papunta sa bahay ng kaibigan ni Dew Lia?"

"Yes mother."

"Hay nako!" Nagtagumpay ang pang-aasar ni Fire.

"Alis na ako."

"Good luck, Your Grace."

Nagmaneho na siya hanggang sa direksyon ng bahay nila Soapy kung saan naroon si Dew Lia.

Fire and Ice (Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon