chapter 8

1.6K 94 51
                                    

"Welcome to Isla Buencamino."

Pagkalapat ng mga paa ko sa private airport ng Isla Buencamino ay pahinamad kong tinanggal ang suot na black sunglasses at pinasadahan ng tingin ang paligid.

Tinandaan ko ang security details ng buong airport.

Personal na sumalubong sa'min ang head security ng isla na si Lawrence San Martin.

Bahagya kong pinaglakbay ang tingin sa kabuuan nito. Kung di ko alam ang nature ng trabaho nito ay iisipin kong isa itong modelo na nagbabakasyon lang dito sa isla.

Di nakapagtataka kung bakit baliw na baliw sa isang ito sina Fhel at Kylie. Pagkatapos ni Rave ay mukhang itong si San Martin na naman ang minalas na nakakuha sa atensiyon ng dalawang ito.

Nanigas ako nang maramdaman ang paglingkis ng isang matipunong braso sa'king baywang kasabay nang paglanghap ko sa pamilyar na bangong tanging si Dave Buencamino lang ang nagtataglay. May kakaiba sa amoy niya na laging nagpapagaan sa pakiramdam ko.

"Don't stare at him," pabulong niyang anas sa tapat ng tainga ko. Naramdaman ko ang pananayo ng balahibo sa batok dahil sa pagtama roon ng hininga niya.

Kailan pa ako naging ganito kasensitibo?

Bago ko pa siya masagot ay impit na tilian na ang narinig ko mula sa likuran namin. Here comes my accomplices that will distract the enemy.

Kung kanina ay ako ang nanigas ngayon ay si Buencamino naman ang naramdaman kong nanigas.

Ramdam ko ang pagkairita niya sa dalawang kasama namin kahit wala siyang sinabi.
Mukhang tama talaga ang desisyon kong isama sina Kylie at Fhel dahil hindi lang si San Martin ang maaring maapektuhan ng presensiya nila dahil kahit ngayon pa lang ay apektado maging itong lalaking namimihasa na yata sa kakahawak sa'kin.

Kami agad ang hinarap ng walang kangiti-ngiting si San Martin at tanging tango ang palitan ng batian nila ni Buencamino.

Mali ba ang intel report na matalik na magkaibigan ang dalawa?

"Good morning, we are just going to conduct some security measures. Please follow our security personnels to perform the procedure before entering the island premises."

Narinig ko ang parang nangangarap na buntong-hininga nina Kylie at Fhel.

Nang sulyapan ko ang dalawa ay magkahawak kamay silang tutok na tutok sa pagsasalita ni San Martin at may pakagat-kagat pa ng mga labi. Parang gusto kong mapangiwi sa inakto nila, ako iyong nakaramdam ng hiya.

Ilang security personnels ang nagsilapitan sa amin at iginiya kami sa parang tanggapan nilang nakapwesto mismo sa loob ng airport.

Electronic golf buggy ang main transportation ng isla at ito rin ang maghahatid sa amin sa guest house na tutuluyan namin dito.

Bago kami bumyahe papunta rito ay may orientation munang ginanap kanina sa private plane na naghatid sa'min at nabanggit doon ang tungkol sa security check na gagawin sa'min bago kami tuluyang makapasok sa isla.

The island private airport is not part of the main island itself.

Malapad na konkretong tulay ang nagkonekta ng airport at isla. Ang airport nila ay isang man-made island na ilang ektarya rin ang sukat upang patayuan ng isang maliit na building kung saan gaganapin ang security check-up para sa mga turista or bisita, at kasama na roon ang runway at hangar para sa private planes na maghahatid sa mga turista papunta rito sa isla o pabalik sa siyudad.

Sa security debriefing ding magaganap at may ilalagay na chip sa mga gadgets na dala ng mga turista upang imonitor ang mga impormasyong lalabas at papasok.

The Devil's Ice Queen   ('d Garcia's #2)Where stories live. Discover now