Chapter 29: Last Hearing/Trial

Mulai dari awal
                                    

"Your Honor, I want you to analyze this medical result of my client as a proof of evidence and I have also the footage... that will make the accused to prove guilty on this very honorable court."

Kinuha nang Judge ang papeles. Binasa niya ito bago muling tuminigin kay Attorney Mishel. "Proceed with the cross examination, Attorney."

Ngumisi si Attorney at dahan-dahang lumapit kay Versoza na ngayon ay walang bahid ng emosyon sa kaniyang mata.

"Did you raped him?" direktang tanong ni Attorney Mishel.

Kumuyom ang aking kamao nang dumako ang tingin ni Versoza sa akin. Kung wala lang siguro kami rito sa korte ay baka nasuntok ko na siya sa mismong pagmumukha niya.

He violated the law, unless he's making his own way to ran away with his crimes. I should not let him escape. I want him to rot in hell forever.

"No."

"Did you raped him?" ulit muli ni Attorney.

Hinampas ni Mishel ang lamesa. "Do you want me to reveal the truth, Mr. Versoza?" nagtiim bagang na sambit nito.

"Objection Your Honor, the question is a violation of Rights of the accused. Speculative!" tutol ng Attorney nito.

Damn! This is how he play and manipulate the law, huh!

"Sustained!"

Napabuntong-hininga si Attorney Mishel. Mukhang masisiraan ng bait dahil pilit pa rin minamanipula ni Versoza ang kaso. Napaisip akong muli, wala na ba akong pag-asa na makamit ang hustisya sa aking sarili? Tanong ko sa aking isipan. Kahit hindi ko na sana mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko basta ang sarili ko, makamit ang katarungan na hangad nito.

"Did you had a take of Drugs that night?" madiin na tanong ni Attorney Mishel.

Nagngitngit sa inis si Versoza na siyang dahilan ng pag-ngisi ng aking abogado. Huwag mong kalabanin ang isang abogado na maraming hawak na ebidensya dahil kahit anong gawin mong pagmamanipula sa batas, hindi mo matatakasan ang kasalanang ginawa mo.

"No," deny nito.

"Did you use a knife against my client?"

Ngumisi si Versoza at tumingin sa aking gawi bago sumagot. "Oh he's so handsome! I can't deny the fact that I enjoyed what happen," direktang tanong niya.

"Your Honor, the genital findings shows the clear evidence of blunt force or penetrating trauma to my client," pahayag nito sa Judge. "He denied raping but he admitted he used a knife to my client to blackmail him." She continued.

"Noted," sambit ng Judge.

"Rape is a painful experience of every individual who got abused and forced. It traumatized people." She said, looking at me before gazing at the Judge who's listening. "Your Honor, there is no further questions. It's your decision."

Inilibot ng Judge ang kaniyang tingin sa loob ng korte. Tumingin ito sa akin at tumingin rin kay Versoza na ngayon ay sobrang putla na nang kaniyang mukha.

"According to the law, rape is an unlawful crimes. The accused violates the R.A. No. 8353 or the Anti-Rape Law of 1997 and sexual assault is added." imporma niya. Humarap siya kay Versoza na ngayon ay namumutla na. "Chapter 3 Article 266 of the Revised Penal Code of R.A 8353, the accused that committed a crime of rape shall be punished by reclusion perpetua." sambit ng Judge.

Lumingon sa akin si Attorney Mishel na may ngiting panalo sa kaniyang labi kaya ngumiti ako at naluluha sa pagkamit ng aking hustisya.

"I, the Honorable Judge will sentence the accused by reclusion perpetua to death," sabi ng Judge at ipinukpok ang kaniyang gavel.

Napatayo ang abogado ni Versoza. Wala na silang nagawa sa desisyon ng Judge. Nagsisisigaw na ngayon si Zach Versoza na masama ang tingin sa akin. Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao na tila handa na akong sugurin sa aking kinauupuan.

Ngumisi lang ako sa kaniya.

"You son of a bitch!" He shouted directly at me.

Naglakad patungo sa akin si Attorney Mishel. "No, huwag mong patulan ang may problema sa pag-iisip, Laxxus. You already had your justice." mahinang sambit niya.

Mabilis kaming lumabas sa korte. Kinuha na rin ng mga Pulis si Versoza. Napaluha ako at napayakap kay Attorney Mishel nang makarating kami sa labas ng korte.

"Maraming salamat, Attorney. Maraming salamat sa pagbibigay katarungan sa ginawang kababuyan sa akin," umiiyak na sambit ko sa kaniya.

Hinagod nito ang aking likod. "Tahan na, malaya ka na, Laxxus. Nakamit mo na ang hustisya. Makakatulog ka na nang maayos."

Naghiwalay kami ng yakap. Nakita ko ang pinaghalong lungkot at saya sa kaniyang mata. Hinaplos nito ang aking mukha.

"Attorney..." tawag ko sa kaniya. "Pwede na ba kitang... mahalin?" mahinang tanong ko sa kaniya.

Sa harap ng korte, handa na akong magtapat sa kaniya. Handa na akong ipaglaban siya.

"Maaari mo na ba akong mahalin?" muli kong tanong.

"Laxxus... I-I can't," nakayukong sagot niya sa akin.

Nanlumo ako, nanghina ang mga tuhod ko sa kaniyang sinabi.

"Hindi kita kayang mahalin ng buo, Laxxus. I-I can't love you back," aniya. "Narito lang ako... para tulungan ka, pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo sa akin," dagdag niya.

Lumuha ang aking mata. Ang sakit sa dibdib. Ang bigat sa pakiramdam na tinutulan niya ang pagmamahal ko sa kaniya. Na hindi niya ako kayang mahalin kasi hindi kami pwede sa isa't isa. Hindi niya ako pwedeng mahalin kasi nais niya lang tumulong.

Nakaramdam ako ng awa sa aking sarili. Hindi ko lubos akalain na magiging mag-isa ako hanggang sa kamatayan ko.

"T-Tama nga ako... hindi kita pipilitin na mahalin ako," mahinang sambit ko at tumingin sa kaniya. Kita ko ang lungkot at panghihinayang sa kaniyang mata. "Kinaya mo akong ipaglaban sa korte... pero ang pagmamahal natin sa isa't isa, hindi mo kaya... hindi mo binigyan ng tyansa," bagsak ang balikat kong sabi sa kaniya.

She held my hands. "We will never be together, Laxxus. I like you but I can't love you, please understand. I am not a worthy woman for you. I don't deserve your love. Let's move on."

"I understand," I said, sarcastically. "I always understand, Attorney! Kahit masakit na tinanggihan mo ako, iintindihin ko. Katulad nga ng sabi ko, hindi kita pipilitin na mahalin ako kung wala ka naman nararamdaman para sa akin." sagot ko.

She's crying for Pete's sake! "I-I'm sorry..."

"No, it's okay." sambit ko at namulsa. "P-Pwede ba... pwede ba na huwag na sanang magkita ang landas natin? Maaari naman akong maging masaya nang wala ka." paki-usap ko at naglakad palayo.

Hindi na ako muling lumingon sa kaniya kahit ilang beses na niyang tinawag ang pangalan ko. Ang sakit. Ang bigat at ang hirap.

Minsan na nga lang akong magmahal, tinanggihan pa ako. Ito na rin siguro ang balak ng Diyos, ang mabuhay ng mag-isa sa ibabaw ng mundong nilikha niya. Nakuha ko nga hustisya para sa sarili ko pero ang babaeng nais kong makasama sa habang buhay ay hindi sinuklian ang pagmamahal ko.

Hindi lahat ng tao ay kailangan kumapit sa patalim. Dapat matuto tayong dumiskarte sa buhay para hindi tayo mapahamak at magtungo sa maling direksyon sa ating buhay.

Ako si Laxxus Harris Sarmiento, ito ang kwento ko. Ang pagiging pariwara ay napupunta sa maling desisyon sa buhay pero natuto akong aminin ang aking pagkakamali. Magsisimula ulit ako para bumangon sa nailugmok kong pagkatao. Babangon ako sa bagong pag-asa, bagong buhay at bagong sarili.




-THE END-

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang