Kamatayan

1 1 0
                                    

Ang kamay ng relo ay tumutok na sa alas otso na oras ng pahinga,
Hindi patagilid o nakadapa kundi deretso ang paghiga.
Sa kailaliman ay patuloy ng hinihila,
Habang sa bibig ay wala ng dumadaloy na hininga.

Sa oras na ang mga tao ay sinisilang,
Siguradong ang takbo ng buhay ay binibilang.
Hinahanda at inuukit na ang narra na parihaba,
Habang sinusukat kung kasya ang paa sa parisukat.

Inaabangan na ang katawa'y maging pataba sa lupa,
Habang ang suot sa katawan ay sasabay sa pagluma.
May mga patak ng luha na parang ambon at mga naka suot ng itim,
Samantala ang naka-baon ay tuluyan ng nilalamon ng puot sa dilim.

Sinusundo na ng naka itim na may dalang karit,
Habang ang sinapit ng kaluluwa'y hindi tanggap ang pait.
Hindi natin alam ang ating hangganan sa mundo,
Hindi din natin alam kung kailan tayo daraanan ng ating sundo.

Malalanta tayo tulad ng dahon,
Mawawala ang pangarap natin na 'sing taas ng ulap at alon.
Kaya huwag nating sayangin ang pagkakataon,
Dahil darating ang araw na tayo'y ibabaon kasama ang nakaraan nating panahon.

Kaya't gumawa ng kabutihan hangga't tayo'y buhay,
Kung ayaw nating mapunta sa mundo at daloy ng mga patay.
Kasama nating tutunawin ang ating kasalanan sa dagat na apoy,
Habang patuloy na dadaloy ang agos ng panaghoy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KamatayanWhere stories live. Discover now