PART I: SURPRISE!

6 1 0
                                    

Hawak-hawak ni Belle ang cellphone niya habang pa lapag na ang eroplanong sinasakyan niya sa airport ng Cebu. Tinititigan niya ang larawan ng asawa niya na matamis ang ngiti habang nakatitig at nakaakbay sa isang magandang babae. Tila ba dinudurog ang puso niya habang tinititigan niya ang mga ito. Sinend sa kaniya ng kaibigan niyang nagbakasyon sa Cebu ang naturang larawan. Nakita pa la nito ang kataksilan ng asawa niya. Subalit ayaw niyang basta na lang maniwala. Mas gusto pa rin niyang malaman mismo sa asawa niya ang katotohanan. Itinago niya na ang cellphone dahil malapit na silang bumaba ng eroplano. Dederetso siya sa apartment na inuupahan nito, batid niya kung saan iyon sapagkat inihatid niya ito doon ng magpunta ito roon para sa isang project. Isa itong Engineer ng isa sa mga sikat na construction firm ng bansa.  Kalmado lamang siya, hindi halatang sa loob loob niya ay halos manginig siya sa nararamdamang galit para sa asawa niya at sa kabet nito. Ngunit hindi siya ang tipo ng legal wife na nag eeskandalo. Nasasaktan siya at nagagalit ngunit hindi niya ibababa ang sarili niya para kaawaan ng marami. Pagkalabas sa Airport agad siyang sumakay sa taxing nag hihintay sa labas at nag pahatid sa address na pakay niya. May susi din siyang dala  na ibinigay ng mismong asawa niya sakaling magpupunta siya roon. Alam niyang sa mga oras na iyon ay wala ang asawa niya. Siguradong nasa opisina ito o hindi kaya ay sa site. Deretso siyang pumasok sa loob, kaagad niyang napansin ang kalat sa living area, may basyo ng wine at dalawang wine glass, pumunta siya sa kwartu, sumalubong din sa kanya ang magulong kama, ang tuwalyang ginamit at hindi pa nasampay, at ang bathrobe niya, halos manginig siya sa galit sa isiping ginamit ng kerida ng asawa niya ang gamit niya. Sa labis na poot ay agad siyang kumuha ng garbage bag at isinilid lahat ng bathrobe at tuwalyang nakita niya sa loob ng kwartu maging sa banyo. Maging ang kubre kama, kumot at unan ay hindi niya rin pinalampas. Pinagsisilid niya ang mag ito sa garbage bag at inilagay sa tabi ng pinto. Mamaya ay ipatatapon niya ang mga ito sa may-ari ng apartment na yun. Nilinis niya ng maigi ang buong apartment, may nakita pa siyang lingerie ng babae at sigurado siyang hindi kanya yon. pinagpupunit niya ang mga iyon at itinapon sa basurahan. Ng masigurong malinis na aang buong apartment ay lumabas siya upang puntahan ang may ari ng apartment. Nasa malapit lang din ang bahay nito.
Pagdating niya sa tapat ng pinto nito ay kagad siyang kumatok. Ilang sandali lang at lumabas ang isang middle aged na babae, na siyang may ari ng apartment.

" Hi Mrs. Reyes, "panimulang bati niya sa babae na halatang nagulat ng makita siya. " ahm, nilinis ko kasi ang apartment ng asawa ko, masyado kasing makalat, maaari po kayang makisuyo para makuha yung mga naipon kong basura doon?"

"S-sige Maam, w-walang problema, "tila nauutal na sabi ng babae, "sandali lang at tatawagin ko ang boy namin."

" Ah Mrs, Reyes, inilabas ko na nga pala sa may pintuan ang mga basura para kukuhanin na lang ni kuya, aalis din kasi ako eh. Mamimili ako ng mga pampalit dun sa mga tinapon ko tsaka ng lulutin na rin. Alam mo na, gusto ko kasing isurprise yung asawa ko eh, kaya sana Mrs. Reyes 'wag mo munang sasabihin sa asawa ko na nandito ako ha? Please?"pakiusap niya sa babae na halata sa mukha ang guilt. Marahil alam nito ang ginagawa ng asawa niya. Kinabahan siya na baka agad na magsumbong ito sa asawa niya. Ngunit napanatag ang loob niya ng sumilay sa mga labi nito ang matamis na ngiti.

" Huwag kang mag alala Ma'am, wala akong pag sasabihan, siguradong masusurprise si Sir Nickolai sa iyo." turan naman nito na tila natunugan ang binabalak niya.

" Maraming salamat po. Tuloy na po ako." paalam niya dito. Ngunit bago siya umalis, tumawag muna siya sa opisina ng asawa niya, at nabatid niyang wala ito sa opisina. Nasa site daw ito dahil nagkaproblema doon. Naipagdasal na lamang niya na sana'y talagang busy ang asawa niya sa trabaho at hindi pakalat kalat kung saan kasama ang kabet nito para hindi siya kaagad nito makita. Nagtungo na siya sa pinakamalapit na mall upang mamili ng mga kakailanganin niya .

Tapos na siyang magluto. Maging ang kwartu nila ng asawa niya ay naisaayos na din niya. Sa kabuuan ay nasa maayos na ang apartment ng asawa niya. Nakaligo na din siya at nakapagpalit ng desenteng damit. Nagtext kasi ang asawa niya na uuwi ito sa apartment kasama ang ilang katrabaho nito upang mag celebrate dahil naisaayos ng mga ito ang peoblema sa site. Nag send pa nga ito ng litrato sa kanya kasama ang ilang katrabaho nito. Kinabahan agad siya. Baka kasama nito ang babae nito pag uwi. Hindi pa siya handang makaharap ang mga ito ng magkasama. Kung gaanu siya ka kalmado kanina ay siya namang pagkabalisa niya sa mga oras na ito. Ngunit hindi siya padadaig sa nararamdamang kaba. Siya ang asawa, kung meron mang dapat na kabahan, yun ay ang asawa niya at ang kabet nito. Isinaayos na niya ang mesa at ilang pinggan dahil nagtext na ang asawa niya na pauwi na ito. Kahit papanu, kahit nangangabet ito ay patuloy parin ito sa pag aupdate sa kanya, marahil upang hindi mahalata ang ginagawa nitong kalokohan.
Lampas ala 7 na ng gabi ng marinig niya ang pagparada ng dalawang sasakyan. Bahagya siyang kinabahan ng maka rinig siya ng boses ng babae. Huminga siya ng malalim upang tanggalin ang kaba. Bahala na. Anu't anu man, titiyakin niyang siya ang makakatulog ng mahimbing ngayong gabi. Mayamayay narinig niya na ang mga yabag papalapit sa pinto ng apartment, inihanda niya ang sarili, prenti siyang umupo sa sofa paharap sa pinto, nka halukip ang mga braso at nka de kwatro ang mga paa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ConfrontationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon