chapter five: encounter

9.2K 466 34
                                    

[ Scarlet's POV ]

           Nang tumigil ang karwahe namin ay agad kaming nagsibabaan sapagkat nakarating na kami sa aming destinasyon. "Dahan-dahan lang." Lintaya ko sa apat nang dagliang magsibabaan ang mga ito.

           "Huwag mo akong itulak Latte!" Naiinis na pagtaboy ni Regieren sa kaniyang kapatid na si Latte. So Latte naman ay sinamaan siya nang tingin ngunit lumayo nalamang nang walang sinabi.

           "Alright kids, don't fight na okay? Nandito tayo para bumili nang bagong damit, kaya tara na!" Nakangiting yaya ko sa kanila at napatingin naman ang apat sa akin. Pina-una ko ang mga ito sa pumasok sa isang boutique shop, at sumunod naman ako.

           "Duke Villainia! Welcome, Welcome!" Bati nang punong mananahi nang shop pagkapasok na pagkapasok ko. Tumingin ako sa kaniya gamit ang seryoso kong ekspresyon bago naglakad papunta sa couch na makikita sa gitna.

           "Hoy mga bata! Bawal kayo dito anoh! Tanging mga maharlikang tao lamang ang maaaring pumasok dito!" Galit akong tumingin sa gawi nang mga bata nang marinig ko ang isinigaw nang punong mananahi. Nang sisigaw na sana ako, ay narinig ko ang nga bulong-bulongan nang mga tao sa paligid kung kaya't hindi ko itinuloy.

           "Mr. Durad, is that how you show your respect to my children?" Malamig na tanong ko sa punong mananahi na kanina lang ay mayroong nandidiring tinging nakatingin sa aking mga anak. Ngunit nawala ang nandidiring ekspresyon nito at napalitan nang takot ng marinig ang aking malamig na boses, at alam kong alam nilang galit na ako.

           "Ohohoho mga anak mo po pala sila Duke? Paumanhin at hindi ko agad napansin ang pagkakahawig ninyo. Pasok kayo mga Young Masters!" Lintaya nito na may pilit na ngiting pinatuloy ang aking mga anak na may iba't ibang ekspresyon.

            "I think you're forgotten something, Mr. Durad." Lumaki ang kaniyang mga mata at agarang humarap sa aking mga anak nang marinig nito ang aking malamig na boses.

             "Ipagpatawad po ninyo ang aking kalapastangan. Nabigo po akong mamukhaan kayo." Magalang na pagpapatawad nito habang nakayuko sa harapan nang aking mga anak.

              "A-ayos lang po!" Naiiyak na lintaya ni Lineal sa nakayukong punong mananahi. Inangat nang punong mananahi ang kaniyang mukha at ngayon may totoong ngiting makikita sa mukha.

             Agad akong umupo sa couch na makikita sa gitna nang shop at umupo naman sa aking tabi ang mga bata. "Lineal, anak." Tawag ko kay Lineal na may nanunubig na mga Mata, hindi ito umiiyak, ngunit isa sa mga katangian niya.

               Tumingin si Lineal sa akin at binigyan ko nang ngiti. "What you did is good, but don't tolerate it okay? You are the son of the Duke, one of the most powerful being in this empire. Stand strong, show them who's the boss if someone mess with you, 'kay?" Lintaya ko sa kaniya at hinagod ko ang kaniyang likuran. Tumango naman ito sa akin.

             Ngumiti ako sa kaniya bago tumingin sa tatlo ko pang anak. "Ganoon din kayo. Huwag ninyong hayaang may umapi sa inyo simula ngayon, maliwanag? Kapag mayroon, labanan ninyo, ipakita ninyo ang kakayahan nang isang Schurke!" Pag-papa-alam ko sa kanila at ipinakita pa ang aking maliit na braso na tila ba may muscle ako doon. Nagsitawanan naman si Regieren at Latte nang makita ang payat kong braso.

               "Handa na po ang mga damit, Duke Villainia!" Napatingin kaming lahat sa nagsalitang punong mananahi. Tumango naman ako at pinapasok ang apat sa apat na palitan nang kasuotan upang magpalit, habang ako ay naka-upo lamang sa couch at maghihintay na sila ay lumabas.

              "Ooowww ang gwapooo~!" Kumento ko sa apat nang sabay na nagsilabasan ang mga ito. They all look like a royal prince in such attire! Uwaaaaaah Ang gwa-gwapo nang anak koooooooo! Nagmana talaga sa akin! uwaaaaaaaaaaaa~

The Villainess' ResolveWhere stories live. Discover now