Chapter Nineteen

913 48 17
                                    

GUARDIAN ANGEL

"Ang tungkulin ng mga bantay na anghel ay bantayan ang mga tao, ang subukang pigilan sila sa paggawa ng masama, ang bigyan sila ng kapayapaan sa kanilang pagtulog, at ang harangin ang sinumang alagad ng dilim na magtutulak sa kanila sa kasamaan..." — Gamaliel, Angelic Doctrines XXI

I didn't see the General for a few days. Actually, inip na inip ako sa kawe-wait sa kanya. Gusto ko din kasing malaman kung ano na yung status ni General Miguel, ang general ng first army of heaven and the former leader of the castaways. Feeling ko kasi, kapag napunta sa dark side si Boss Miguel and the second war in heaven occurs, marami siyang made-defeat sa mga angels sa heaven. Ikaw na yung maging number one warrior angel ni Ama.

Anyway, all was normal naman sa Ledesma Residence. The days passed without much excitement. Basic guardian duties lang yung naging job ko.

However, one day before the New Year, biglang nag-exit si James ng house na nakabihis panglabas. He rolled his wheelchair derecho sa gate.

So of course, nag-panic agad si Isabel. "James!" she called out to him.

Nag-stop si James right at the gate. Actually hawak na niya yung handle bars ng gate at that time, and he was about to open the gate. "Bakit?" he asked back.

"San ka pupunta?" asked ni Isabel sa kanya.

I saw tension sa jaw muscles ni James with that question. I could sense yung dating ugali niya, na wala dapat nakikialam whetever he wanted to do.

Pero nung makita niya yung eyes ni Isabel full of concern, nag-subside agad yung tension na yon. "Dadalawin ko lang sandali sila Mommy sa memorial park," reply niya.

The more na naging concerned si Isabel. "Ikaw lang mag-isa?" asked niya.

"Oo. Bakit?" asked back ni James.

"Pero naka-wheelchair ka..."

"Magta-taxi lang naman ako. Sa memorial park lang naman."

"Papano kung kelangan mo ng tulong? Papano kung may dadaanan ka na walang gugulungan yang wheelchair mo?"

Napa-pause si James. Naalala niya yung gutters na dadaanan if he would go from the cemented paths to the grass lawn sa loob ng memorial park. Nasa grass lawns kasi yung mga tombs. Na-realized niya na mahihirapan siya doon. He would need assistance.

Yun nga lang, because ma-pride pa din siya, hindi siya hihingi ng help from Isabel.

"Sasamahan na lang kita," offered ni Isabel.

Again, because of pride, hindi niya agad ia-accept yung offer na yon. Nag-shake his head siya agad. "Gusto kong kausapin sila Mommy nang mag-isa."

Because matatalino ang mga angels like me and Isabel (oh di ba, kasali ako, hehehe...), alam namin syempre yung ganung way of thinking. Konting psychology lang naman yun. "Ihahatid lang kita sa puntod nila,” suggest ni Isabel. “Tapos iiwanan kita. Maghihintay ako sa malayo. Sige na, pasamahin mo na ko..."

Nag-stare si James kay Isabel for about ten seconds. He considered the possibilities and what he wanted to do. Then nag-sigh siya ulit. "Sige na nga," reply niya.

Napa-smile si Isabel because of that. Mukhang kinilig pa siya. Humahaba na ang hair ng lola nyo. Hehehe...

So ganun nga yung nangyari. Nag-hail ng taxi si Isabel for them, and then tinulungan niya si James mag-transfer from wheelchair to taxi. And then she folded his wheelchair and pushed it inside. Saka pa lang siya sumakay.

For the Love of an AngelOù les histoires vivent. Découvrez maintenant