30. Ngayong Gabi

170 9 0
                                    

Chapter 30: Ngayong Gabi

Erin

Nandito na kami sa labas ng restaurant. Simula no'ng may binitawan akong mga salita sa harap ng mga magulang ni Peter, kusang nanahimik ang lahat at nagyaya na si Tito na umuwi. Saktong tapos na rin naman kasi kaming kumain ng mga oras na 'yon. Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko na kayang tayuan pa ang umiikot na nakakailang katahimikan sa lamesa.

Panay akong inom ng tubig hanggang sa maubos ko na 'to.

Hindi ko pinagsisisihan na nagsalita ako ng ganoon alang-alang kay Peter pero ganoon pa man, lumilipad pa rin ang isip ko. Ang pinoproblema ko, magulang din sila ni Percy, sana huwag nilang isiping napakahuwaran ko. Huwag din sana nila isiping matabil ang dila ko dahil kinontra ko sila, sa bagay na hindi sila nagiging patas bilang mga magulang ni Peter. Naniniwala akong sa mga sinabi ko, matutulungan no'n si Peter. Ngayon alam ko na, alam ko na kung saan nanggagaling ang nararamdaman niyang pagkukumpara.

Bumalik si Peter sa lamesa nang nagtataka habang palihim na sinusuri ang aming mga mukha. Hindi na kasi nila ako muling kinibo pa.

Maging sa pagpapaalam, sinusubukan kong umiwas ng tingin sa kanila pero natuwa ako at nilayasan ako ng pangamba dahil kung paano nila ako i-welcome kanina, ganoon pa rin ngayon. Mahina rin ako nagsabing-sorry sa tainga ni Tita nang mabigyan ako ng pagkakataong lumapit sa kaniya. Ginawa ko 'yon para hindi mabago ang unang impresyon nila sa akin. Ngiting hindi labas ang ngipin ang tango ang natanggap ko.

Hinintay kong makaalis ang taxi bago ibinuka ang bibig. "Ihahatid mo na ba ako pauwi?" mahinang tanong ko kay Peter nang nauna nang umuwi ang mga magulang niya.

Humarap siya sa akin. "Oo."

Tumingin ako sa phone ko para silipin sa lockscreen kung anong oras na. Maaga pa naman at kahit alam kong may pasok pa ako bukas ay sa palagay ko, kailangan ko muna siyang samahan pa ngayong gabi. 'Yon ang isang bagay na pumasok sa utak ko noong nawala sa paningin namin sina Tita't Tito. "Gusto mo tambay muna?"

Sarili ko mismo, hindi ko alam kung anong nanghihila sa akin para yayain siya.

Nangibabaw bigla ang gulat na ekspresyon sa mukha niya. Kinatitigan niya muna ako habang pinoproseso sa utak niya ang tanong ko.

"Huy, payag ka ba?"

Bahagya siyang natawa. Ngayon ko lang ulit nasaksihang nakisabay ang mga mata niya sa ginagawa ng labi niya. "Bakit? Niyaya mo ba akong makipag-date?" tanong niya gamit ang baritonong boses pero halos maningkit ang mga mata niya dahil sa pagngiti. Halata agad ang saya sa kurba nito.

Napahalukipkip ako at pinagsalubong ang mga kilay. "Niyaya ka lang tumambay, date agad nasa isip mo?" bwelta ko. "Hindi date ang tawag doon! Ano? Ayaw mo ba?"

"Bakit nga?" natatawa niyang tugon at ginaya rin ako, pinagkrus din niya ang kaniyang mga braso at nilagyan niya pa ng ngisi ang kaniyang labi.

Tiningnan ko muna siya nang maigi hanggang tuluyan lumambot ang mga mata ko. "Alam ko kung bakit tahimik ka kanina," puno ng himig ng pagka-concern ang boses ko. Nag-iba rin bigla ang kaniyang mukha at ibinaba ang mga braso. Mukhang nakuha niya ang nais kong ipunto. Humakbang ako palapit sa kaniya at kahit matangkad siya, pinilit ko pa rin ang sarili na akbayan siya. "Alam kong kailangan mo ng kausap. Tara? Lakad-lakad lang tayo? Ang lungkot kasi ng hitsura mo kanina pa."

Pilit na ngiti ang rumehistro sa labi niya bilang sagot.

-

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, idinala kami ng aming mga paa sa malapit na seaside, na kung saan samentado ang tabihan ng dagat at maaaring upuan. Inalis ko ang pagkakaakbay ko sa kaniya. Walang nagsasalita sa amin nang pagkarating namin dito. Bumungad sa amin ang iilan-ilang kabataang tulad namin na piniling tumambay sa lugar na ito nang ganitong oras. Maliwanag ang paligid dahil sa mga poste ng ilaw na nagmimistulang tanglaw namin. Humanap kami ng puwesto na medyo malayo ang agwat sa ibang nakatambay.

when you disappeared at midnightWhere stories live. Discover now