Chapter 10: Favor

Start from the beginning
                                    

Bakit ba kasi may mga taong hindi makahinga kapag walang natapakan na tao. Why not manahimik nalang sila at ayusin ang sariling buhay nila. Hindi 'yong nangingialam pa sila sa buhay ng may buhay.

"Hayaan mo na Jeje," saad ko. Naaawa ako sa kapatid ko dahil alam kong nagsisimula pa lang ang kabanata niya. Marami pa siyang mararanasang pag aalipusta sa buhay.

"Hinayaan ko naman talaga sila ate pero minsan talaga sarap nilang ilunod sa ilog!" Napailing na lamang ako. Sa liit niyang 'yan? Wee?

"Baka ikaw nga ilunod nila eh!" natatawang wika ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Nyenyenye!" Pag ganiyan siya ay alam niya nang talo siya sa usapan.

Nagmadali akong kumain. Nag toothbrush muna ako bago tuluyang umalis. Wala ng laman ang toothpaste kaya ginunting ko pa ito at ipinasok ang toothbrush ko. Kahit papaano ay may nakuha naman ako. Mabuti na iyon kaysa wala.

"Alis na ho ako Ma!" paalam ko.

"O sige anak. Teka ito baon mo!" Naalala ko na may pera pa ako dahil binigyan ako kahapon ni Jeff.

"Wag na Ma! May pera pa po ako dahil nilbre ako ni Jeff kahapon!" saad ko. Napatango naman si Mama.

"Ah kaya pala siya ang nagsauli ng basket kahapon!" wika ni Mama. Naglakad na ako patungo sa pintuan. "Opo Ma! Aalis na ho ako mag ingat kayo!" paalam ko ulit. "Bye Je!" pahabol ko at ibinaling ang atensiyon kay Jeje na hindi parin tapos ang pagkain.

"Bye ate!" tugon niya.

Lumabas na ako ng bahay at tumakbo papalabas ng squatter area. Pagdating ko sa highway ay marami na ring sasakyan.
Biglang may humintong sasakyan sa tapat ko at nakilala ko itong sasakyan nila Joy.

"Sasa! Sakay kana!" nakangiting wika niya. Siya ngayon ang nagmamaneho dahil wala siguro ang driver nila.

Binuksan ko ang pintuan sa frontseat at doon sumakay. Lagi kasi nitong pinapaalala na ayaw niyang sa likod ako sumakay.

"May chika ako sa'yo Sasa! Ack!" kinikilig na saad niya. Pilit akong ngumiti sa kaniya.

"T-Talaga? Tungkol ba kahapon?" tanong ko rito. Mas lumapad naman ang ngiti niya habang naka focus padin sa daan. Obviously tungkol nga kahapon.

"Kwento ko mamaya pagrating natin at baka mabangga tayo nang wala sa oras hahaha!" wika niya sabay tawa. Hindi ako natawa dahil parang ayokong madinig ang gusto niyang sabihin.

Nasapo ko na lamang ang aking noo sa mga iniisip ko. Bakit ba ako nagkakaganito!

"Okay ka lang ba Sasa?" worried na tanong niya at tinapunan ako ng tingin. Inayos ko ang pagkakaupo ko at pinilit ang sarili kong ngumiti. Okay naman ako diba?

"Ah oo may iniisip lang!" palusot ko. Nakangiti siyang tumango habang nakafocus padin ang atensiyon sa unahan. Papasok na kami ngayon sa University.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang parking lot.

"So ito na nga Sasa!" panimula ni Joy nang tumigil na ang makina.
"Diba iniwan mo kami kahapon?" tanong nito. Napatango naman ako habang siya ay kilig na kilig na nagkwekwento. "Sabay kaming namili ng mga gamit para sa project niya then niyaya ko siyang kumain muna tapos ack! Pumayag siya!" Napatingin ako kay Joy. Napangiti ako pero pilit padin.

"Talaga? Pagkatapos Joy?" nilakasan ko ang boses ko kunwari ay excited ako sa kwento niya. Hindi ko alam pero ayaw ko sa sarili ko ngayong araw, parang may mali. Bakit parang ayokong madinig ang sinasabi ni Joy. Ang plastic ko!

"Kaso after that umuwi na siya kasi gagawin padaw niya ang project niya!" Hindi parin mawala sa labi ni Joy ang ngiti.

"Sa susunod Safira. Sama mo parin ako ha? Salamat talaga!" Marahan akong tumango. Alam kong gustong gusto ni Joy si Apollo. Pero bakit ganon? Ashh! Ano ba 'yan.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now