UL5

13.2K 350 28
                                    

WE ALL WANT TO BE A LITTLE GLAMOROUS, LITTLE MISCHIEVOUS AT TIMES.

- Jason Wu

CHILDREN SHOW ME IN THEIR PLAYFUL SMILES THE DIVINE IN EVERYONE. THE SIMPLE GOODNESS SHINES STRAIGHT FROM THEIR HEARTS AND ONLY ASKS TO BE LOVED.

-Michael Jackson

--

DAP/ABBY POV

Nalaman ng parents namin ang mga ginawa ko. I know... I know mali ang ginawa ko, grabe at sobra yata ako sa kalokohan ko, yong mga malalaking langgam na nilagay ko sa mga underwear niya, aisttttt nakakahiya, sa madaling salita ng sinuot niya ung brief ayon pinutakte ng langgam ang ano niya ..... hehehe kaya yong kayamanan ni Arvin na maga. Kaya ang haba ng sermon ng Mama ko, keso nakakahiya sa mga ginawa ko, di daw ako nahiya kay Uncle Stan at ang di ko matanggap na sinabi ni Mama ay ang mabait na bata daw si Arvin, bloody hell! Si Arvin mabait eh kapag tulog oo mukhang angel pero kapag gising na unti unti lumalabas ang sungay.

"What the heck? I'm grounded for one week. No PSP, no bike, no mall and no lakwatsa, what a life!" Ibinaksan ako ang kanyang buong katawan sa kama, ipinikit ako ang aking  mga mata isipin na lang niya ang lahat isang panaginip lang. At paggising niya isang prinsipe na hahalik sa kanya at gigising sa pagkakatulog.

--

Maraming nangyari sa buhay ko na di ako akalain mangyayari sa'kin. Nalaman ko na hindi ko pala tunay na ama ang aking kinilalan  ama. Ang tunay na magnobyo ay ang aking Mama at si Uncle Stan. Sa mga kuwento nila nasa kolehiyo palang sila magkasintahan na sila, bestfriend ni Uncle Stan si Papa Luke. Sa di inaasahan nagkaproblema ang kompanya nina Uncle Stan kaya napilitan na magpakasal ito sa ina ni Arvin, na panahon na yon ay nag dadalang tao sa nobyo nito kaso biglang nawala na wala daw paalam. Para maisalba sa sobrang kahihiyaan napagkasunduan ipakasal ang mga ito. Kasal na si Uncle Stan at ang ina ni Arvin , nalaman na nagdadalang tao si Mama, di matanggap ng pamilya ni Mama at nang panahon na yon may nakatakdang ipakasal din kay Mama, sa tradisyon ng mga Chinese ,lalo na puro kailangan sa kapwa Chinese din ipakasal . Dahil sa situasyon ni Mama itinakwil siya ng mga Chua.

At dahil mag bestfriend sina Uncle Stan at Papa Luke, napagkasunduan nila na pakasalan si Mama ni Papa Luke at tutulungan ito magkapagbukas ng isang negosyo. Dahil mahal na mahal niya ang bestfriend pumayag ito na pakasalan si Mama. Naging matagumpay ang itinayong negosyo. Nalaman ko rin na pusong babae pala si Papa Luke at kahit namatay na ito di nalaman ni Uncle Stan ang katauhan ng kaibigan, ang Mama ko lang ang nakakaalam. Di ba ang gulo

Yes! Si Uncle Stan ang tunay kong ama, kaya pala ito ang inilagay ng kanya Papa Luke sa last will and testment niya. Gusto ni Papa na mabuo kaming pamilya.

Nalaman din ni Arvin na di siya anak ng Daddy Stan, ipinaliwanag nito ang lahat. Sa una di nito matanggap ang kung di pa nabasa ang huling liham ng kanya ina para sa kanya.

And what a beautiful life talaga.... andito kami sa California di para magbakasyon o mamasyal. At bakit laging pahamak ang mga last will and testament? Hay! Nang namatay ang ina ni Arvin nakasaad don makukuhang ni Arvin ang mamanahin sa ina kung papakasalan niya ang anak ni Stanley Concepion. At sino pa ang anak ni Stanley Concepcion eh! Di ba ako yon! Kaya ngayon araw na ito ang kasal ko.  Goshhhh... I'm young and innocent, di pa nga ako nagkakaboyfriend... ni first kiss di pa nga e. Sakal agad este kasal pala. Ano ba ang nagawa akong kasalanan ng past life ako? huhuhubels talaga. 

Pakshet! Kasi ang kamag-anak ng ina ni Arvin gusto agad agad, gusto madalian, walang tanong tanong okay na daw lahat. Alam kong pareho di namin gusto ang mga nangyayari pero mas tagilid ang situasyon ko, kung siya makukuha niya ang mamanahin niya ako wala kundi apelyido lang ni Daddy ang makukuha ko. Grabe... ang saya saya ng buhay ko.

Bumalik na lang ako sa reyalidad ng may kumatok sa pinto.

"Princess! Can I come in!" My Mama.

"Yes po!"

"Princess, andito na ang mag-aayos sa'yo," kasunod na ni Mama ang make up artist niya. "I'm so happy.... dating ang liit liit mo pa ako ang nag aayos sa'yo, but now you get married na!" Naiiyak na sabi ng kanya ina.

"Ma!"

"Sya! Iwanan ko muna kayo. Be happy princess, ok!"

--

ARVIN POV

Simple kasalan lang ang magaganap sa pagitan ng Cervantes at Concepion. Malalapit na kamag-anak lang ng pamilya ang mga imbitado.

Lakad dito lakad doon ang ginagawa ni Arvin habang hinihintay ang kanyang bride to be. Di niya akalain na ikakasal na siya ngayon araw na ito, sh_t ! Paano niya ipapaliwanag kay Camille ang lahat, ang kanyang nobya sa university. Mahal na mahal niya ang nobya, wala alam si Camille sa situasyion ayaw niya itong masaktan pa. Oo aamin niya casanova siya , womanizer, playboy at etc.... kay Camille lang ako tumino. At si Camille lang ang gusto kong pakasalan sa tamang panahon.

Nahimasmasan na lang siya nang tapikin ng pinsan ko si Mago.

"Pinsan, mag start na be ready! Andyan na sila." Sabi nito.

Buntong hininga ang naisagot niya dito. No choice siya nakasalalay ang mamanahin niya at kinabukasan niya. Pakikiusapan na lang niya si Abby after five years mag didivorce kami.

Naging maayos ang idinaos na kasalan nina Abby at Arvin. Walang imikan kapag silang dalawa, plastikan kapag may kamag-anak o bisitang lumalapit sa kanila.

"Arvin at Abby, alam namin napilitan lang kayo sa kasal na ito, pero sana kahit pilit ang mga ito irespeto ninyi ang kasal ninyo. Kung di pa ninyo kayang mahalin ang isa 't isa sana kahit magkaibigan gawun ninyo ha!" Payo ni Mama sa amin ni Arvin.

"Yes, Tita..."

"Mama! Arvin, masanay ka anak na rin kita. Ang hiling ko lang sa'yo huwag mong sasaktan ang princess ko," paghuhuwesyon ng kanyang Mama.

"O- opo!"

Iniwanan na sila ng kanilang magulang. Nakita niya nagtungo na si Abby sa banyo para makapag shower.

Nakatingin lang siya sa kawalaan pinag-iisipan niya ang magiging situasyon nila pag uwi ng Pilipinas. Hanggang maaga kailangan nilang makaliwanagan ni Abby. Wala siyang balak magseryosuhin sa kasal kasalan na ito. At si Camille di dapat malaman ang lahat. Ayaw niya masaktan ito.

"Ehmmmm.... Arvin, puwede kang gumanit ng banyo."

Nang naramdaman niya ang kanyang presensya ng dalaga, bumangon siya at na upo sa kama.

"Makaliwanagan tayo Abby," tumingin ito sa kanya. "Alam mo naman kung bakit tayo nagpakasal, " tumango siya sa pagsangayon dito at nagpatuloy ito sa mga sasabihin. "Magkaroon tayo nag kasunduan, una dapat walang makakaalam sa school na kasal tayo, pangalawa, Cervantes pa rin ang gamitin mong apelyido, pangatlo wag na wag mong pakikialaman ang relasyon namin ni Camille at wag mong sasabihin kay Daddy, pang-apat maghahiwalay tayo ng tulugan sa master room ako at sa ikaw mamili ka na lang san guest room ka at wag kang papasok sa kuwarto ko kung maari wala tayong pakialaman. At ang huli after five years mag divorce tayo." Sabay talikod at nagtungo na ito sa banyo.

Oo napakasama ako para sabihin kay Abby ang mga bagat na yon. Nakita niya may biglang tumulo luha sa pisngi nito. Tumalikod na siya ang nagpunta ng banyo.

DAP/ABBY POV

Napaiyak na lang siya sa mga sinabi ni Arvin sa kaniya. Nang hinahanda pa ang kasal nila inaasahan na niya ito. Alam naman niya may kasintahan ito na si Camille, kahit kasintahan niya ito kung sinong sino pa rin babae ang kasama nito. Wala pang isang araw na kasal nila ito agad ang bubungad sa kanya. Bago pa siya tumungo sa simbahan kanina pinangako niya sa sarili na pipilitiin niyang mahalin ito at gagampanan ang role ng asawa. Para sa ikakabuti ng kanilang pagsasama. Tapos ngayon walang pang isang araw divorce agad ang narinig niya dito.

--

Please don't forget to vote and leave your comment.

A Twist Of Fate (My Uncondition Love) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon