[27] Audition

42.1K 1.5K 77
                                    

-Chapter 27- Audition

Princess' POV

"Manang, huwag nalang po kaya?"

Napatigil si Manang Helen sa paglalakad saka niya ako hinarap. Napaka-gulp tuloy ako. Mas lalo akong kinakabahan. Huhu!

"Anong 'wag na? Nandito na tayo, Princess. Ituloy mo na."

Nalukot ang mukha habang pinaglalaruan ko ang mga daliri ko. "Manang, hindi po ako handa. Hindi niyo naman po kasi sinabing ngayon na ang audition."

"Ikaw na bata ka, ba't wala kang tiwala sa sarili mo? Kaya mo 'yan, Princess. Isipin mo nalang na ito na ang pinto sa pangarap mo."

Ngumuso ako. Nanginginig ang mga tuhod ko sa tensyon. Baka nga mamaya eh manginig din ang mga labi ko habang kumakanta ako. Mapapahiya lang ako.

"Manang, parang hindi ko po talaga kaya."

Nilapitan niya ako't hinawakan sa kamay ko. "Princess, kaya mo yan. Nandito ako. Ako ang number one fan mo, okay?"

Napangiti ako. Yieee! Kinikilig ako. Iba talaga sa pakiramdam kapag yung nanay mo ang nagmomotivate sayo. Though, hindi siya ang tunay na Mama ko.

Haayyy... Bahala na. "Sige po, Manang Helen."

Huminto kami sa tapat ng isang kwarto. Sobrang tahimik ng lugar kaya mas lalo akong pinagpapawisan ng malamig sa kaba. Kumatok si Manang Helen bago kami pumasok, at saka siya kinausap nung isang babae. Pinaupo niya kami dun sa sofa.

On cue, may narinig akong tugtog ng piano. Napatingin tuloy ako sa bandang harapan at nakita kong may grand piano roon. May nakatayong babae sa tabi nito. Mukhang kakanta.

"Dito nagpapractice araw-araw yung mga performers dito sa Disneyland," bulong sa akin ni Manang Helen. "Mayamaya lang darating na si Mr. Fortrich. Ipapakilala kita sa kanya."

Tumango nalang ako at pinagmasdan yung babae. Pagtipa pa lang ng piano, alam ko na agad yung kanta.

Reflection...

"Look at me

I will never pass for a perfect bride

Or a perfect daughter.

Can it be

I'm not meant to play this part?"

Literal na nagsitaasan ang mga balahibo ko nang marinig ang boses niya. Oh my ghad, seryoso? Ang ganda ng boses niya! Walang-wala sa akin!

Nanliliit tuloy ako.

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon