[11] RC Racer

51.8K 1.7K 120
                                    

-Chapter 11- RC Racer

Basti's POV

Nandito na naman ako sa Hong Kong Disneyland ngayon. Taon-taon naman akong nagpupunta dito e, usually every summer vacation. Ang pinagkaiba lang ngayon, may kasama na ako. I am not alone anymore but rather I'm with someone now.

I'm with my girlfriend, Sasha. I took her all the way from Manila to Hong Kong to celebrate our 8th monthsary.

"Babe, aren't you tired na? Kasi ako, I am pagod na. Let's take a seat muna, please?" she said while her arm was clung on mine.

I just flashed a smile to her as I held her hand. "Kakarating lang natin, Sasha. Why don't we try to ride now?"

"Basti, ang sakit na ng feet ko," she whined, stomping her foot on the ground. Kunsabagay, naka-5 inches heels nga pala siya. 

Hindi ko siya pinansin dahil nahuli ng RC Racer ang atensyon ko. RC Racer has been my favorite ride eversince. Hindi ko 'yan pinapalagpas tuwing magpupunta ako dito.

Sinundan ko ng tingin ang RC Racer. From left upwards going down and from down going right upwards. Naka letter 'U' ang nagsisilbing riles ng ride na 'yon. 

"Sasha, tara. Sakay tayo dyan," sabi ko sa kanya habang nakaturo dun sa RC Racer. Sinundan naman niya ng tingin ang tinitignan ko at literal na napaatras siya.

"No, Basti."

I pulled her back on me. "C'mon, let's try it. It'll be fun, Sasha."

"I said no!"

"Sasha--"

She frowned. Uh. Fine, signal na 'yon na talagang badtrip na siya, so I released her hand from mine and shrugged my shoulders. Gaya nga ng sabi ko, hindi ko pinapalagpas ang RC Racer tuwing bumibisita ako rito sa Hong Kong Disneyland kaya nama I have to try it come what may.

"Wait here then. I'll try it by myself," I said and left.

Princess' POV

"Kyaaah! Sam! Sam!! Try natin 'yan!" sabay turo ko roon sa... Teka, lumapit pa ako at tinanaw kung ano ang tawag sa ride na nasa harapan namin. Aha! RC Racer!

"Ayoko nga."

Nag-pout ako habang nakatingin sa kanya. "Minsan na nga lang akong may kasama rito sa Disneyland tapos ayaw mo pa akong pagbigyan, Sam."

Napakamot siya sa batok niya at alanganing napatingin sa RC Racer. Ako naman ay napatingin dun sa pila. Oh my! Kakaunti lang ang pumipila! 

"Princess, 'di kasi ako mahilig sa mga ganyang rides. Sa iba nalang."

"Eh gusto ko dyan e," maktol ko. Umiling naman siya. Hayy! "Ang sabihin mo, weak ka."

"Hindi ah. Ayoko lang talaga."

"Hmp!" I rolled my eyes. "Osya, sige. Ako nalang mag-isa. Wait mo ako dyan ha?"

"Sure ka?" paninigurado niya.

"Oo. Ayaw mo e, so ako nalang mag-isa," sabi ko sabay abot sa kanya ng body bag ko at pagkatapos ay tumakbo nasa pila ng RC Racer.

At dahil maikli lang ang pila ay nakapasok na agad ako. Pumwesto ako sa pinakauna since dun nalang ang bakante. Kyaaah! Masaya 'to! Napalunok nalang ako noong makita ko kung gaano kataas ang pag-aangatan sa amin sa rides na ito. 

Wait. ASDFGHJKL! Anak ni Little Mermaid! AAAHHH! Ang taas pala! Pwedeng magback out?

But it's too late. Naka-lock in na kaming lahat sa seats. Ilang segundo pa lang ay naramdaman ko na ang paggalaw ng ride. Napahigpit tuloy ang kapit ko sa bakal.

Dahan-dahang gumagalaw pakaliwa't pakanan ang sinasakyan namin. Dahan-dahan hanggang sa unti-unti kaming tumataas... Unti-unti ring bumibilis.

What the?! Ayan naaaaaaa!

"Hala ka!!!" bulyaw ko nang maramdaman kong medyo tumataas na kami. Pipikit na sana ako nang mapansin kong nakatingin sa akin ang katabi ko kaya napabaling din ako sa kanya at...

Wait...

No...

Nanlaki ang mga mata ko sabay turo ko sa pagmumukha niya. "IKAW?!?!"

Look who's here. 

-

A/N: Bukas ulit. Please understand nalang kung ba't nagfast forward tayo ng 1 year. Expect na rin ninyo na may fast forward din na magaganap sa mga next chapters. I am just doing this to narrate only the relevant happenings of this story. Alright? Thank you :D Curious about RC Racer? TIngin lang kayo sa multimedia na pinost ko. May youtube video at photo na naka-embed dun.

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon