[18] Are You A Stalker?

51.1K 1.5K 77
                                    

-Chapter 18- Are You A Stalker?

 

Basti's POV

 

Paksyet. Bwisit! 

"Paano nakapasok yung babaeng 'yon dito?!" bulyaw ko sa hangin habang isinusuot ang paborito kong jacket.

"Bwisit talaga!" padabog akong umupo sa kama. Napahampas ako! Nakakahiya! Nakita niya akong... "Bwisit talaga! At 'yung babaeng 'yon pa?"

Nagpunta ako rito para magbakasyon tapos 'yon pa ang nangyari. Tsk! Makaalis na nga muna rito. Nakakabadtrip!

At kita mo nga naman ang pagkakataon, siya pa talaga ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto ng suite ko.

"Ikaw na naman?! Anong ginagawa mo rito?" I whined.

"Hey, hindi---"

"How come you are invading my privacy?!"

"Nagkakamali--"

"Why do you always bump into me? Are you stalking me?!"

Dun na nag-iba ang reaksyon niya. Sumimangot siya at tinaasan ako ng kilay. "Hindi kita ini-i-stalk! Nagtatrabaho ako rito! Bakit naman kita ii-stalk-in? Ang feeling mo ha! Kasalanan mo rin. Hindi mo kasi sinasarado ang pinto ng suite mo!"

"Hindi ko alam sayo. Malay ko ba! You're giving me fvcking creeps, Miss!"

Ngumuso siya. Halatang nanggagalaiti na. From that moment, she looks kinda cute. No, I mean... never mind. "Ang kapal ng mukha mo! Ikaw nga yung creepy dyan!"

And then it hit me. She said she's working in this hotel. A playful smirk pasted across my face. "You're working here and that's the attitude you're giving me?" 

Mas lalong nangunot ang noo niya. Pikon. "Sorry po, SIR! Pero sumosobra ka na po kasi, SIR! Sarap mo pong sapakin, SIR! Ooppss, sorry, SIR! Joke lang 'yon! Grr!"

And now she's playing sarcastic. Okay, I'll play along.

"If you keep on behaving like this, I'll report you to the hotel management!"

She seemed tongue-tied on what I've blurted out. Her mouth gaped open and no words came out.

"Now what? Do you want me to report you now?" I smirked.

"No! 'Wag!" pigil niya sa akin. Hinawakan niya pa ako sa braso. Chansing 'to ah. "Kakaumpisa ko lang sa trabaho na 'to. Hindi ako pwedeng matanggal! Matagal ko nang pangarap na maging parte ng Disneyland, kaya pakiusap 'wag mo akong ireport!"

Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa kanya. Seryoso ba siya?

"... Babawi ako, Basti! Gagawin ko ang lahat ng gusto mo! 'Wag mo lang akong ireport, please!" she pleaded, teary-eyed.

"Lahat ng gusto ko?" Sounds good to my ears.

"Oo, lahat!"

Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko, saka ako napaisip saglit. Lahat daw ay gagawin niya sa akin. Hmmm... Then...

"What's your name?" tanong ko.

"P-Princess..."

Oh. So, her name's Princess.

"When's your day off?"

"Bukas. Bakit?" Nagtatakang sabi niya.

A big smile appeared on my face. She proposed that she'd do anything just to make it up for me. Wala akong hiniling sa kanya. Siya ang nagvolunteer.

"Tomorrow then," I replied.

-

A/N: Tonight ulit. 9PM.

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon