[45] Family Matter

42.7K 1.4K 155
                                    

-Chapter 45- Family Matter

Princess' POV

"Kamusta?" tanong sa akin ni Kuya Wayne habang inaabot ko sa kanya ang tinimpla kong juice.

Humila ako ng upuan sa tabi niya at dun umupo. "Ayos naman po ako, Kuya. Ikaw? Kamusta na kayo ng asawa mo?"

Ngumiti lang siya sa akin. "Same, same."

Si Kuya Wayne, 8 years ang gap namin. Magkapatid kami sa ama. Ooppss, tanggap ko naman 'yon. Syempre nung una, nagulat ako noong malaman kong ampon lang pala ako nila Mama at Papa pero evetually, natanggap ko naman. 

8 years old ako noong malaman ko yung sikreto nilang 'yon. Bata pa para maintindihan ang mga bagay bagay. Narinig ko kasing nag-aaway sila Mama at Papa noon isang gabi sa kwarto. Ganun naman sila palagi e, laging nag-aaway. Peronung mga oras na iyon, pinag-uusapan na nila kung kanino kami mapupunta ni Kuya Ronel.

Tandang-tanda ko pa, gustong isama ni Mama si Kuya Ronel pero ayaw pumayag ni Papa. Gusto niya na maiwan kaming dalawa ni Kuya sa kanya. And then I heard my Mom said; "Ibalik mo na 'yang si Princess sa ama niya! Hindi mo ba nakikitang naghihirap na tayo? Ang lakas ng loob mong akuin siya gayung hindi mo naman siya kadugo!"

Since then, umalis si Mama. Wala na kaming balita sa kanya. Ngunit ng mga oras na iyon, ang nasa isip ko; 'Sinong ang mga tunay kong magulang?'

Kinulit ko si Papa para sabihin ang totoo sa akin. Eventually, nalaman kong hindi niya nga ako tunay na anak. Pinakilala niya ako sa tunay kong ama who happened to be Mr. Madrigal. Nalaman ko na ang totoo kong ina ay namatay sa panganganak sa akin, isang empleyado raw sa opisina niya. Sabi niya, ipinaampon niya ako kay Papa Anton dahil hindi niya pa kayang maging ama. May tiwala naman siya kay Papa Tony dahil matalik silang magkaibigan.Akala ko nga ay ipagtatabuyan niya ako noon pero tinanggap niya ako. Ibinili niya ako ng mga bagong damit, laruan, he even sent me to an exclusive school-- lahat ng gusto ko ay binigay niya kahit ang apelyido niya pero hindi nagtagal, napaisip ako.

Why wasn't he living with me? Dapat ay siya na ang kasama ko at hindi ang tatay-tatayan ko.

Then, I found out that he has his own family. He's married for so many years. 15 years old na ako nang malaman 'yon. Na galit ako, nalungkot, nadepressed. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Kinulit ko siya ng kinulit sa phone. I said all my grudges to him until one day, he introduced me to his eldest son.

Si Kuya Wayne.

Nalaman kong tatlo ang anak ni Daddy bukod sa akin. Si Kuya Wayne ang panganay at sa kanya lang ako ipinakilala ni Daddy noon. He became my bestfriend, my companion in everything I did. I was 15 years old then, and he was 23. Parehas kaming nabigla nang ipapakilala kami ni Daddy na magkapatid kami. Si Kuya Wayne ang nagpaintindi sa akin ng lahat-lahat. 

... That I was born out of wedlock.

... That Mr. Madrigal was already married when I was born

... That I needed to understand everyone's situation

Ngayon, Kuya Wayne is already 36 and ismarried.

"Si Tito Tony, maayos na ba ang kundisyon niya?" tanong ni Kuya Wayne.

"Ayos na. Bumubuti na ang kundisyon niya."

"Good." Uminom muna siya sa juice niya bago niya ako binalingan ulit. "Dumaan lang ako para kamustahin ka. Hiningi ang number mo sa Kuya mo."

"Sus, sweet mo talaga, Kuya," saka ko siya nginitian. Kaya kami close nito eh, feeling ko, baby pa ako. Nasabi niya kasi noon na gusto niya talagang magkaroon ng baby sister.

"And aside from that, nasabi din sa akin ng Kuya Ronel mo na nangangailangan ka ng trabaho."

Ngumiti siya kaya naman lalong sumingkit ang mga mata niya. Sa Kuya Wayne ko talaga ako nagmana ng mga mata e'!

"... Are you ready to work for my coffee shop? Kailangan kasi ng shop assistant ng asawa ko e."

-

A/N: Nakuha niyo ba? Nakuha niyo na rin ba kung nasaang timeline na tayo dito sa TMIY? Advanced na tayo dito. XD

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon