Chapter 3 | Revised

46.6K 1K 32
                                    

Chapter 3

ARLYKA ZANE ZAMORA POV:

Kakagising ko lang at dumiretso na ako sa kusina para magluto ng almusal ko. Kasama ko sina Ghian or they call Ehle and Max. Wala naman masamang magsama kami sa iisang bahay, dahil pamilya na ang turing namin sa isa't isa.

"You're cooking, Zane?" bungad sakin ni Ehle na bumababa ngayon sa hagdanan, tumango naman ako. We cook food just for ourselves and we never cook for others. Wala 'e, selfish kami pagdating sa pagkain lalong lalo na walang katulong dito. We're independent.

Nilapitan ako ni Ehle, "Good morning" ngumiti ako sakanya ng tipid, "Morning" bati ko pero nakatuon ang tingin ko sa niluluto kong omelet.

Kinuha niya ang isa pang frying pan at kinuha ang bacon sa ref. Magbbacon na naman siya?

"Magbbacon ka na naman?" tanong ko, he chuckled. "Bacon is my life, Zane" napailing ako. "At yan din ang papatay sayo" dagdag ko. Hindi ba niya alam na pag araw araw siyang kumakain ng bacon ay pwedeng cancer ang abutin niya pagtanda? Tsk.

Tapos na ang niluluto ko kaya nilapag ko na ang omelet sa mesa at kumuha na rin ng pinggan at kutsara't tinidor para lang sakin. *evil laugh

Kakain na sana ako pero narinig ko ang yapak ni Max sa hagdanan, hawak hawak niya ang tasa nito. Mukhang mas nauna pa siyang nagising sa amin. Binaba niya ang tasa niya sa lababo at umupo sa harapan ko.

"Tita Alessandra wants to talk to you" sambit niya, tumango lang ako at kumain. "Sa pag-alis namin mamaya, ikaw na muna ang bahala dito Ehle. Take care our business and even the house" tumango si Ehle at tapos na niya lutuin ang pinakamamahal niyang bacon.

"Dapat naman kasi si Ehle nalang ang pinatrabaho don sa pilipinas" bulaslas ko, tinatamad kasi akong umalis ng bansa lalong lalo na sa pilipinas pa ang punta. Jeez.

"Inuunahan ka na naman ng katamaran mo Zane" sabat ni Ehle na ang saya sayan dahil hindi naman siya aalis ng bansa. Nakakainis talaga!

"Wala ka ng magagawa at wala na tayong magagawa dahil yun ang utos nina tita" bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Naayos mo na ba ang mga dadalhin mo?" tanong sakin ni Max, tumango ako at tumango naman siya pabalik.

"Bakit ba araw araw na magkakasama tayo at nagkakausap kayong dalawa ay nagmumukha akong sampid or I call third wheel huh?" inis na banggit ni Ehle sa aming dalawa, hindi naman kami sumagot.


"'yan tignan mo, pag ako ang nagsasalita walang sumasagot. Nagmumukha akong tanga dito!" napailing kami. "May pinanghuhugutan ka ba, Ehle?" tanong ko sakanya, napaubo naman siya.

"Nagseselos ka ba sa amin?" dagdag ni Max, oo nga pala. Matagal na niya pala ako gusto pero ngayon hindi ko na alam kung may nararamdaman siya para sa akin.

Natawa siya ng mahina, "Ako? Magseselos? Seriously?" at tinuro pa niya ang sarili niya. "Matagal na akong nakamove on kay Zane 'no! Kapatid nalang ang tingin ko sakanya, kaya sayong sayo na siya" binatukan ko siya.

"Yah Ehle! Para naming diring diri ka sakin ha?! Ilang taon na tayong magkaibigan tapos ganyan ka?!" singhal ko sakanya. He chuckled, "Hindi naman sa ganon Zane." And he laughed again. Napailing nalang ako.

Ilang minuto ang makalipas ay umakyat na ako sa kwarto ko para matawagan si mom, kakausapin daw niya ako sabi ni Max.

"Hime! Baby!"

"Mom...."

"Gusto niyo daw ako makausap?"

"Yes, alam kong sinabi na ni Max sayo ang magiging trabaho mo after your mission"

"Yes, but why? Seriously? Bodyguard at sa ex ko pa?"

"I know. I know you're mad and confuse pero kailangan ng pamilya niya ang tulong natin"

"so, may nagbabanta na sa buhay nila ngayon? Ganon?"

"Yes, lalong lalo na ang buhay ng anak nila" Tinutukoy niya si Jarem, sigh. Wala na talaga ako magagawa.

"Wala na akong magagawa dahil dyan."

"Thank you hime. Kamusta na pala kayo dyan? Hindi ba nagkakaproblema?"

"Na-ah, wala naming problema dito. Ayos naman kaming lahat"

"How about Max? Kailan mo pa siya sasagutin?"

"Mom, paulit ulit ko nalang sinasabi sayo 'to. Wala pa akong plano na pumasok ulit sa isang relasyon na hindi pa ako sigurado."


"Alam ko naman 'yun, but Max is a good man for you. Alam kong hindi ka niya sasaktan, at botong boto kami sakanya"

"Mom, 'wag ka ng makulit okay? May tamang panahon para dyan"

"Osige. I love you hime"

"I love you too mom"

Edited: May 04 2017

Note: Some scenes were revised and edited

[BOOK 2] The Comeback: The SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon