Tumingin agad ako sa puwesto ni Navi at parang gusto kong kausapin si Ma'am Gomez at magpalipat na lang sa upuan ni Lei.

Nakakainis naman. Alam ko naman na walang interes sa pakikipag boyfriend si Navi pero kasi baka..ligawan siya ni Lei. Good boy pa naman ang isang iyon at baka madala sa paganon si Navi.

Naghimutok agad ako nang maimahe si Lei at Navi na magkasama at magkahawak-kamay at nagtatawanan pa.

"Tangina!"

Gulat na napalingon sa akin ang mga kaklase ko at nangunot ang mga noo.

May pamilyar na halakhak akong narinig sa may pintuan kaya napalingon ako roon.

"Ayos ka lang ba, Jett? Nababaliw ka na ba?" Natatawang sinabi ni Gray na kasabay si Calli sa pagpasok.

Ngumuso ako at umayos ng upo. Umupo na si Gray sa upuan niya at sa tabi ko naman si Calli na natatawa na rin sa akin.

"Ayos ka lang, Jett? Mukha kang puyat."

Nang tanungin iyon ni Calli ay lalong humalakhak ang gagong si Gray.

"Nakita ko ig story mo e!" Nang aasar na tumingin si Calli sa akin. "May kasama ka kagabi sa bayan!"

Sumipol si Gray at patingin-tingin sa may pintuan. Dumami na ang pumapasok na kaklase namin kaya hindi na ako naimik at marami ang nakatingin sa aming banda.

"Ayun! Happy na si Jett!"

Kunot-noong nilingon ko si Gray na nakangising nakatingin sa may pintuan. Napatingin ako roon at muntik na akong masamid nang pumasok si Navi na kunot na kunot ang noo. Hindi siya lumingon sa amin o kahit sa iba man lang. Diretso ang lakad niya sa upuan niya at sunod naman ang mga mata ko.

"Kalma, hindi 'yan aalis." Bumulong si Gray kaya sinapak ko siya sa braso. "Aray!"

"Ikaw, umayos ka ah." Gigil na bulong ko. "Baka mamaya, makahalata sila."

"Alin ba ang mahahalata?" Nang-iinis na tanong niya kaya inirapan ko na lang. Parang tanga e.

Umayos ako ng upo nang pumasok si Lei at ngumiti agad nang makitang nakaupo na si Navi. Sunod ang mga mata ko sa kaniya lalo na noong silipin niya pa ang mukha nito.

Muntik na akong mapatayo kung hindi ko lang pinigilan ang sarili.

"Good morning! Kumusta ang tulog mo?"

Hindi pa nakakatulong na naririnig ko ang boses ni Lei. Shit na 'yan.

Lumingon si Navi at ngumiti. "Ayos lang naman, Lei."

Kumamot sa batok ang lalaki at umupo na. "Pasensya na, napuyat ka ba? Sa susunod, hindi na ako magchachat ng gabi." Tumawa pa siya pero wala na ako sa wisyo ko.

Anong ibig sabihin ng lalaking ito? Na napuyat si Navi dahil magkachat sila?!

Ayos, Navi a. Ni hindi ka man lang nagreply sa akin kaninang umaga sa good morning ko. Haha. Pota.

Kaya ba hindi na nakapagreply si Navi sa chat ko? Hindi niya pa nga nas-seen e! Delivered lang ang put-argh!

Mariin kong ipinikit ang mga mata at pilit na kinalma ang sarili. Tumingin ako kay Gray na nakangisi sa akin habang naiiling. Lumingon siya kina Lei at umiling ulit.

Nairita na ako kaya inis kong hinila ang braso niya. "Ano bang iniiling-iling mo?!"

Gulat na lumingon si Calli sa amin. "Boys, kalma. Ano bang nangyayari sa 'yo, Jett?"

Humalakhak si Gray at tinaas ang dalawang kamay. "Chill, pare! Para kang tanga!"

"Ikaw ang tanga." Gigil kong binitawan ang braso niya at mariin na hinawakan ang buto sa may gitna ng mga mata ko.

Maghihintay (On-Going)Where stories live. Discover now