"Titingnan ko lang kung nasagasaan mo." Nagtatakang sinabi niya at hindi ko na napigilan pa.

Dire-diretso siyang lumabas at tiningnan ang unahan ng kotse. Nagthumbs-up siya sa akin at may sinilip-silip pa roon.

Ayaw pang pumasok! Talaga naman ang babaeng ito.

Ibinaba ko ang bintana. "Pasok na."

"May tao yata." Nagtatakang sinilip niya pa iyon pero nangilabot na ako kaya lumabas na rin ako ng kotse at hinila siya.

Gulat naman siyang nagpahila sa akin. Binuksan ko na ang pinto sa front seat at pinapasok siya. Umikot ako sa sasakyan at pumasok na sa driver seat.

"Sa susunod nga, wag ka ng kung saan-saan sumisilip." Iritadong wika ko. "Seatbelt mo."

Napakurap-kurap siya at kinabit na ang seatbelt. "May titingnan lang naman ako.." mahinang sinabi niya.

"Gabi ngayon, Navi. Baka mamaya may mga siraulong tambay diyan!"

Ngumuso siya kaya kumalma ako. Nakakainis!

"Sorry.."

Hahays. Alam na alam talaga nito kung paano ako pakakalmahin e.

Ngumuso ako at nilingon siya. "Hindi ka na lalabas ng basta-basta huh?"

"Oo na." Salubong na naman ang kilay niya. Hanep talaga. "Pusa lang naman iyon e."

"Eh bakit kasi nakakabit sa baging? Tarzan ba siya?" Inis na ani ko nang muling maalala ang pagkagulat ko.

Humalakhak siya at lumingon sa akin. "Takot ka ba sa mga multo?"

Hindi ako nagsalita kaya lalo siyang tumawa. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil natatawa rin ako.

Nagpatuloy na ulit ako sa pagmamaneho. Patingin-tingin si Navi sa paligid at wala naman akong magawa. Ayokong tumingin 'no kaya diretso lang sa una ang mga mata ko. Tumigil na kami nang matanaw ko ang bahay nila Calli. Bukas pa ang mga ilaw noon. Hanggang dito na lang kasi ang kalsada.

Navi looked at me. "Salamat sa paghatid. Kahit nakakagulat itong pagsundo mo. Salamat din sa pakain." Tinaas niya ang kamay, napaatras ako. Nangunot ang noo niya. "Tatapikin kita, baliw ka ba?"

"Uh.." nakamot ko ang batok.

Tumawa siya at tinapik ang balikat ko. "Salamat, Jett? Itetext kita mamaya huh?"

"Huh? B-Bakit mo ako itetext?"

"Tatanungin ko kung nakauwi ka na. Malayo pa naman itong dadaanan mo, saka mag isa ka na lang na dadaan doon sa dinaanan natin." Nag-aalalang aniya kaya imbes na mangilabot ako sa takot ay nangilabot ako sa kakaibang dahilan.

Shit, ang OA ko na ah? Nakakainis naman.

"Paano, una na ako? Umalis ka na rin para hindi ka gabihin." Inayos niya ang bag at inabot sa akin ang supot. "Ito, hawak ko pa pala."

"Sa 'yo 'yan."

"Huh?" Tumingin siya roon. "Hindi pa naman ito marumi.."

Nairita na naman ako. "Binili ko 'yan, sadya para sa 'yo."

Batid kong nagulat siya kaya hindi ko na dinagdagan. "Ah! Ganoon ba? Okay, sige! Salamat." Nakamot niya ang ulo at takang-taka na tumingin sa akin.

Kinalas ko na ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Baka kung ano pa ang maisip ni Navi, matalino pa naman iyon. Umikot na ako sa puwesto niya at pinagbuksan siya.

Tumingin siya sa akin at lumabas na. Sinarado ko ang pinto at tiningnan ang dadaanan niya.

"Malayo ba ang inyo rito?"

Maghihintay (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon