Kabanata 16

10 0 0
                                    

Kill

Napakunot ang aking noo sa huling sinabi nito. Namumugay ang aking mata tinitigan siya sa mata hinahanap ang sagot sa kanyang sinabi. Pilit ko binabasa ang kanyang mata pero halong inis at galit ang tanging nakikita ko.

"Anong sabi mo?" tanong ko na hindi makapaniwala at pinoproseso pa rin ang sinabi niya.

Humarap siya sa akin hindi inaasahan hinablot niya ang aking kamay. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Naramdaman ko humigpit ang pagkahawak niya tila ayaw ako makawala sa kanyang tabi. Tumingin ako muli sa kanyang mata. Something in his eyes has always a mystery. Even if you're trying to look within, you always fail to know. Like a deep blue sea trying to get deeper below.

"Amelia, I always admiring you from afar and a chance is only I hope to cross our path someday-" Pinutol ko siya agad sa balak niyang sasabihin. Kumunot ang aking noo na halos magkasalubong na ang aking kilay.

"Niloloko mo ba ako?" tanong ko sa kanya kahit na alam ko wala sa bokabularyo niya ang magloko. Seryoso siyang tao at totoo sa kanyang sinasabi. Pero ano ang sinasabi niya sa akin ngayon?

Tumatak sa aking isipan ang binitawan niyang salita sa akin noon. Hindi niya ako kilala. We stranger to be exact! Hindi ko alam kung papaliwain ko pa siya ngayon. He must be lying?! At isa pa, ang malaking pagtataka ko sa dami ng pinakilalang pamilya sa akin dito sa Santa Lucena. Kailan man hindi nila binanggit o pinakilala sa akin ang mga Cervantes lalo na si Baste.

It made me confused and wondered if it is forbidden for us to meet and to know each other. Based on the words that Baste said to me it feels surreal. What made the past he is saying and how is he so sure?

Mabilis ito umiling. Nakabuka na ang kanyang bibig para magsalita na sana pero hindi na niya tinuloy ng marinig ang yapak ng mga kaibigan kong palapit na sa amin. Mabilis niya binitawan ang aking kamay at lumayo konti sa akin.

Napalingon naman ako sa aking mga kaibigan. Nakakunot ang noo ni Emilie nakatingin sa amin. Pinagdikit ko ang aking labi at tinago ang aking kamay sa likod. Mariin kong hinigpitan ang hawak ko sa aking damit na balik balik ang tingin ni Emilie sa amin ni Baste. Bigla ako kinabahan na bumilis ang pintig ng aking puso. Mukhang nahuli kami nagusap pwera kung sakali nakita niya rin hinawakan ni Baste ang aking kamay. Samantala si Joshua malapad ang ngiti may twalya nakasabit sa kanyang balikat. Mukhang hindi niya napansin.

Hindi ako kumibo hanggang tuluyan na nakalapit sila sa amin. Hindi naman umalis si Baste sa aking tabi at nanatili siya sa kanyang kinatatayuan. Napatingin ako sa kanya na siya napalingon rin ito sa akin. Nagkatitigan kami saglit pero agad ako umiwas at tumingin muli sa aking mga kaibigan.

"Ano pang kinatatayuan mo gaan Amelia Celine halika na at maligo na tayo!" Pag-aya sa akin ni Joshua at sinenyasan ako lumapit sa kanila.

Napatingin ako muli kay Baste may pinapahiwatig sa aking mata. Para akong isang bata kinakailangan pang magpaalam. Agad naman ito tumango sa akin senyales pumayag siya. Alam ko hindi pa kami tapos nagusap dalawa pero ayaw kong makahalata ang mga kaibigan ko sa amin.

Una na lumangoy sa tubig si Joshua na hindi na makapahintay kaya si Emilie na lang ang naiwan. Walang imik siya nakatingin sa akin ng makalapit ako tila pinagaaralan ang aking mga galaw. Inihahanda ko na ang sarili ko sakali magtatanong siya pero buti na lang hindi naman siya nagtangkang magtanong.

"Maligo na tayo Emilie," pagaya ko habang tinatanggal ko na ang aking shorts.

"Ikaw lang naman ang hinihintay ko," pabiro nitong saad. Mahina naman ako napatawa.

Sabay kami lumubog sa tubig. Inakala ko malamig nung una pero nagulat ako na katamtaman lang ang temperatura ng tubig hindi malamig. Lumangoy kami lumapit sa kinaroroonan ni Joshua na malapit sa ibabaw ng lagusan ng tubig.

SL 1: Keeping the Sun's EmbraceWhere stories live. Discover now