Chapter 8: Soothe Behind The Darkness

Start from the beginning
                                    

Pupunta na lamang ako sa canteen at doon na lamang ako maghihintay hanggang mag hapon.

Pagpasok ko ay himalang walang masyadong estudyante. Kadalasan kasi ay punuan talaga ang canteen dahil ito ang ginagawang tambayan ng mga estudyante o di kaya ginagawang Park dahil dito naman sila kadalasang magkita ng mga jowa nila. Ginawa ba namang meet up location ang canteen. Tsk!

Inilibot ko ang paningin ko at nahagilap ko naman si Lei na umiinom ng kape habang nakatunganga lamang sa bintana. Nakapwesto ito sa pinakadulong bahagi ng canteen.

Agad akong naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Nang malapit na ako ay agad naman niya akong napansin.

Ano kayang trip nito at napakalalim  ng iniisip.

“Hi!” bati ko sabay upo sa katapat na upuan.

Ipinatong ko sa mesa ang bag ko at sa ilalim naman ang payong kong tumutulo pa.

“Basang sisiw ka bes?” natatawang tanong niya. Basa pa kasi ang ibang parti ng buhok ko.

“Eh ikaw sad girl?” natatawang bawi ko. Natawa naman siya sa sinabi ko.

“Ang ginaw kasi baliw!” tugon niya sabay higop ng kape niya. “Gusto mo?” alok niya na siyang tinugunan ko ng iling.

“Wala ka bang klase?” pag-iiba ko sa usapan. Umiling naman ito.

“Meron pero di ako pumasok!” Napakunot ang noo ko. Ano ba talaga? Meron o wala?

“Wala or meron?” tanong ko.

“Mahal ko siya!” seryosong sagot niya. Gaga talaga hindi naman 'yan ang tanong ko.

“Wala sa choices' yan!” saad ko. Natawa naman siya at humigop ulit sa kape niya. Feel na feel niya talaga ang pag-inom eh.

“Char lang eh. Hindi ako pumasok kasi tinatamad ako. Minor subject lang naman kaya no worries!”

Napatango-tango naman ako.

“Eh ikaw?” balik tanong niya.

“Mamayang 5 pa ng hapon,” tugon ko. Napatingin naman siya saakin.

“Eh? Hindi ka uuwi? May 3 hours ka pa oh!” wika niya. Umiling naman ako. Napatingin ako sa labas at mas lalo palang lumakas ang ulan. Naman oh!

“By the way kumusta na kayo ni Mr Fuevos?” Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.

“Ha?” tanong ko. Tumawa naman ito ng malakas kaya nagtinginan ang ibang estudyante saamin.

“Hinaan mo nga tawa mo!” pagsabi ko sa kaniya. Nag peace sign naman ito.

“Hatdog ka talaga Safira! Ship ko talaga kayo ni Fuevos!” saad niya. Napalakas ang pagkakasabi niya kaya nagtinginan saamin ang ibang estudyante na sinundan ng bulungan.

“Kaya pala lagi na silang magkasama ni Apollo!”

“Kaya nga! Sila pala!”

“Eh hindi naman 'yan mayaman eh. Hindi naman' yan papatulan ni Apollo.”

“Kaya nga! Baka nag iilusyon lang ang kaibigan niya! Nangangarap sa wala haha!”

Ilan lamang 'yan sa mga narinig kong sinabi nila. Ang judgemental talaga ng mga tao eh no.

“Hays tigilan mo na nga' yan Lei!” saad ko. Tumingin ako sa labas at agad natanaw ang malakas na buhos ng ulan. “Isa pa may gusto si Joy kay Apollo!” pagpapatuloy ko.

Napasinghap naman si Lei kaya naitoun ko ang atensiyon ko sa kaniya.

“Hanggang ngayon?” gulat na tanong niya. Marahan akong tumango. Inayos ko ang buhok ko saka ibinalik ang tingin sa labas.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now