Chapter 25: Pagsampa ng Kaso

Start from the beginning
                                    

Namumuo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na alam kung makakasagot pa ako sa mga katanungan niya. Nakahinga lang ako nang maluwag noong sumabat sa usapan si Attorney na ngayon ay hinahagod ang aking likuran para mapakalma ako.

"Sir, paano siya aalis roon kung gipit na siya at wala na siyang matatakasan? Sinuntok rin ang kaniyang tiyan kaya napahiga ito sa sahig." sambit naman ni Attorney.

Bumaling sa akin ang pulis na ini-inspeksyon ang aking kilos at ekspresyon. "Base sa nangyari sa iyo, namukhaan mo ba ang lalaking gumahasa sa iyo?"

Oo! Namumukhaan ko. Kabisado ko ang pagmumukha nang lalaking iyon. Tumango ako bilang sagot sa kaniya.

"Maaari mo ba itong ilarawan sa amin? Ipapatawag ko ang forensic artist to create the image of the suspect who raped you."

"Sige, sir. Mabuti pa nga para mabigyan ng hustisya ang ginawa niya sa kliyente ko. Kailangan niyang makuha ang hustisya para sa pambababoy sa kaniya at sa pagkakatapak sa dignidad nito bilang lalaki."

"Gagawin po namin ang lahat, Attorney." sagot ng pulis. "Hintayin lang po natin saglit ang forensic artist ng presinto namin."

Naupo lamang kami ni Attorney sa isang tabi habang hinihintay ang sinasabi nitong artist. Pagkaraan ng isang oras na paghihintay, napatingin kaming lahat sa naghihikaos na pulis palapit sa aming kinaroroonan.

Pinagpapawisan siya at hinihingal tila sumabak sa giyera.

"SPO4 Romualdez, reporting for duty Sir!" sumaludo ito sa pulis na kausap namin kanina.

Siguro ito na ang artist na sinasabi ng pulis na kausap namin kanina. Lumingon ito sa amin at ipinakilala kami sa isa't-isa. Nanlaki ang kaniyang mata nang makilala si Attorney Mishel na siyang ikinataas ko ng aking kilay.

"We met again, Attorney Suarez!" galak na sambit nito kasabay ng pag-shake hands sana niya kay Attorney pero mabilis ko iyong tinapik.

"Back off Romualdez," malamig kong banggit sa apelyido niya.

Natahimik ang buong paligid. Nakipagtagisan lamang ng tingin sa akin si SPO4 Romualdez. Balak pa sana niyang magsalita ngunit pinutol na iyon ni Attorney at siya na ang nagsalita.

"Sir, kailangan na natin gawin ang imahe ng suspect." propesyunal na pahayag nito.

"Ah, oo naman." sabay tingin sa akin, "sino ba siya? Client mo Attorney?"

Naikuyom ko ang aking kamao dahil ang daming satsat ng pulis na ito. Sasagot sana ako nang humarang na ang Chief Of Police kaya nagsimula na kami sa paggawa ng imahe sa lalaking gumahasa sa akin.

"He has a thick eyebrows, hindi kulot ang kaniyang buhok, at makinis ang kaniyang mukha," pahayag ko habang si SPO4 Romualdez ay iginuguhit ito.

"Anong klase ang kaniyang mata?" tanong niya.

Tumikhim ako. "Makapal ang kaniyang pilik mata, bilugan ang mata nito." sagot ko.

Ramdam kong bumibigat ang aking dibdib habang tinitignan ang imaheng iginuguhit niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang pinaghalong kaba at takot sa kahit na alam kong secured ako dito sa presinto kasama ni Attorney Mishel.

Lumipas ang kinse minuto ay natapos na niyang iguhit ang larawan. Ipinakita niya ito

Sa kaniyang mga kasamahan at nanlalaki ang kanilang mga mata.

"Oo 'yan nga ang matagal na nating hinahanap pero pilit nilang sinasabi na sarado na ang kaso ng taong 'yan." pahayag ni Chief.

Kumunot ang aking noo. Ibig bang sabihin, mayroon pang ibang kaso ang lalaking gumahasa sa akin? Na hindi lang ako ang kaniyang biktima?

Ipinakita nito ang larawan sa akin-sa amin. Nanginginig ang aking tuhod na sinuri ang buong mukha niyon.

"S-Siya... siya nga, Chief." mahinang usal ko. Nanlalambot talaga ang aking tuhod dahil sa imaheng bumabalik sa isipan ko. "S-Siya ang... g-gumahasa sa akin, wala siyang awa..." nahihirapan kong sambit.

"Kailangan namin siyang sampahan ng kaso, Chief dahil baka dumami ang kaniyang biktima," pahayag ni Attorney sa aking tabi.

Tumango lang ang Chief of Police. "Yes, Attorney but there is a problem to that. If we re-open his case, mukhang pati buhay natin ay malalagay sa panganib," imporma nito. May kinuha siya sa ilalim ng kaniyang lamesa. Para itong blueprint pero tanging ang taong iyon lamang ang nakalagay roon. Maraming nakasulat pero hindi ko mabasa ang iba.

Ipinakita niya iyon. "Siya si Zach Versoza, Drug addict at isang bugaw. Napawalang sala siya dahil pinagpapatay niya lahat ng testigo na kumakalaban sa kaniya."

Napapikit ako. Taimtim na sana luminis ang ka-demonyo-han ng lalaking iyon. Pero paano malilinisan ang kaniyang ka-demonyo-han kung malaya siyang pagala-gala sa Maynila. Kung sarado na ang kaso nito, paano pa kaya makakamit ang hustisya? Paano kung baluktot pa rin ang sistema para makuha ang katarungan?

Sa kaso ng Zach na iyon, kayang-kaya niyang manipulahin lahat gamit ang pera pero hindi niya kayang manipulahin ang batas dahil lalabas at lalabas rin ang katotohanan at mahahangad rin ang hustisya balang araw.

"M-Maaari kayang mag-file ng Motion of Reconsideration sa korte para buksan muli ang kaso? I want to give justice to those people he killed including this man beside me- the one he raped."

"Maaari po, Attorney basta pinapangunahan ko na po kayo, mag-ingat kayo sa posibilidad na malagay kayo sa panganib dulot sa kagagawan ng lalaking iyon." paalala ni Chief sa amin.

"Hindi naman siya Diyos para katakutan ko. Hindi rin ako takot mamatay kapag nakuha ko na ang hustisyang nais ko para sa sarili at dignidad ko," sabi ko habang nakatingin lamang sa litrato.

Umalis na ang forensic artist at kami na lamang nila Chief ang naiwan sa kaniyang lamesa.

"Kami na ang bahala sa warrant of arrest ni Zach Versoza. Ipagbibigay-alam na lang namin sa inyo kapag dumating na iyon."

Sana, sana makamit ko ang hustisya na gusto ko para sa aking sarili. Sana mahuli at makulong na ang lalaking iyon para hindi na makagawa pa ng kasamaan sa ibang tao... at sana, hindi pa huli ang lahat bago mangyari iyon.




To be continued...

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Where stories live. Discover now