Anas ng isipan ko, nagsimula na akong magbasa start from its definition to history pero napatigil ako at binasang muli ang iilang characteristics ng aswang “raw”.

 

... lalong gumaganda o kumikisig sa paningin ng pangkaraniwang tao ang mga aswang sa tuwing sasapit ang dapit-hapon.

 

... ayaw nila sa amoy ng bawang.

 

... iniiwasan nila ang mga bagay na matutulis at mabisang halimbawa nito'y asin (may paniniwala na kung matatapunan sila ng asin ay para na rin silang sinaksak), ibang halimbawa pa ay karayom, pinatulis na kahoy ng kawayan, dulo ng walis tingting at iba pa.

 

... ang isang aswang ay mapapansing mailap kung tumingin at 'di pangkariniwan ang kurap ng mga mata.

 

... hangga't kaya ng isang aswang ay mas gugustuhin niyang manatili sa lilim na lugar keysa masinagan ng sikat ng araw. May paniniwala na humihina ang kanilang tinataglay na kapangyarihan laban sa sinag ng araw.

... ang aswang ay pinaniniwalaang tumatakbo nang naka-angat ng isang dangkal mula sa lupa.

 

.... pangunahing pagkain ng mga aswang ay preskong laman ng hayop at maging ng tao.

Huminto ako sa pagbabasa at tinitigan ang libro, this is f*cking bullshit sabay tingin ko sa author. Eh pang-elementary naman pala ang laman nito. Reklamo ko sabay tayo. Tuloy-tuloy na ako sa librarian at inilapag sa harapan ng lalaki ang libro.

"Ano hong pangalan maam?" tanong ng lalaki at binuklat na ang isang logbook.

 

"No no no... I mean the guy in black ang humiram nito." pagpapa-alaala ko sa kanya.

"Ah ok po." sagot ng lalaki kaya umalis na rin ako pero napahinto ako sa narinig ko. "Mr. San Amorsolo, Amorsolo... bingo!” sabi pa rin ng lalaki. “Abraham San Amorsolo hemmm."

Bigla akong nag-turned back at inilang hakbang ko lang ang lalaki.

 

"What did you say?" agad kong tanong sabay agaw ko sa logbook at napatitig nga ako sa pangalang nakasulat doon. Abraham San Amorsolo pero wala ng ibang information pang nakalagay. Ngumiti ako at ibinalik na ito sa lalaki na mukhang nagtataka sa ginawa ko. "Thanks, I have a big crush on him... kinda' suplado right." lalo ko pang pinatamis ang ngiti ko at nagmamadali nang lumabas.

Hoping na maabutan ko pa sila pero iba na ang katabi ngayon ng kotse ko. Napabuntong hininga ako at tiningnan ang buong paligid.

 

Sana siya na nga ang hinahanap ko...

         Finally ay nagmeet up na kami ni Mr. Guevarra at lalo lamang akong nag-alangang tawagin siya sa gusto niya dahil 'di naman bagay ang “tito” for him. Yes, he's matured enough for his age pero sa looks naman ay mukhang bachelor lang na bahagyang tumanda.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα