Chapter 10 - Future Mother of the Nation (March 18, 2015)

Comincia dall'inizio
                                    

"Pinaka-ayokong subject." Sagot ni Dew Lia matter-of-factly.

"Tss. Alam mo maiba tayo... Ang ipinagtataka ko, wala bang driver ang prinsipe?"

"Alam mo, nakakataka 'yung mga pinagtatakahan mo. Parang mas walang kwenta pa nga!" Tumawa si Dew Lia. "Kanina 'yung mga babae ni Jasper, ngayon naman 'yung driver ni Prinsipe Ice? Eh gumagala naman talaga 'yun ng mag-isa. Kaya ko nga siya nakikita sa kung saan-saan 'diba? Sa CRT, sa jeep, tapos pagtatakahan mo ngayon na wala siyang driver?"

"Hay nako, tulungan mo na lang ako dito."

"Sobrang dami!" nalula si Dew Lia sa niluluto nito. "Bakit ang dami-dami, birthday mo ba? Magpapakain ka sa kapitbahay?"

"Haha! Hindi! May bisita kasi ako. Mga bisita."

"Ha?! Talaga?" napatingin si Dew Lia sa paligid. "Aalis na ba ako?"

Natawa si Soapy.

"Grabe. Hindi! Ayos lang. Kinakabahan lang ako."

"Weh? Bakit ka naman kakabahan?"

"Basta..." natatawa so Soapy. "

Pinagpatuloy ni Soapy ang pagluluto. Ipinalinis na rin niya kay Dew Lia ang sala ng maliit niyang sala. Habang nagwawalis ay may kumatok.

"Hala! Ayan na yata ang bisita mo!?"

"Ikaw na ang magbukas."

Tumakbo si Dew Lia at nagulat pagkabukas ng pinto.

Si Prince Ice Jason. Na naman.

"Soapy!" angal niya sa babae dahil hindi man lang niya nalaman na ang prinsipe ang bisita.

Halatang tumakas na naman ito at nagpapanggap na commoner. Naka-sports jacket na naman kasi ito at katulad pa rin ng dati. Nakangisi. May kasama itong lalaki na kahit kailan ay hindi pa nakikita ni Dew Lia.

"Dew Lia." Bati nito sa kanya. "Sasa." Tumingin naman ito sa babae.

"Your Grace." Yumukod na naman si Soapy sabay tawa.

"Magbigay bati ka!" sigaw ng kasama ni Ice kay Dew Lia nang hindi siya bumati sa prinsipe.

"What?!"

"Aves. I could've dressed properly kung kailangan ko ng pagbati." Suway ng Prinsipe sa kasama.

"So weird." Bulong ni Dew Lia sa sarili.

"I hope you don't mind. I brought my squire." Pagturo nito sa kasama. "This is Aves."

"Hi Aves!" bati ni Soapy sa lalaking pero hindi ito nagsalit at nanatiling nakatayo sa likod ng prinsipe. "Ay, suplado siya? Pasok na po kayo?"

Tumabi si Dew Lia para makapasok ang dalawa.

"Oo nga pala Dew. Susuduin ko pa si Mang Gerry at ang pamilya niya diyan sa kanto. Saglit lang." nagpaalam si Soapy.

"Ha?! Iiwan mo ako dito mag-isa?!"

"Ha? Hindi ka naman mag-isa. Kasama mo naman sila. Your grace?" Nagpaalam ito sa prinsipe.

"Be off with you." Ngumiti ito kay Soapy.

Pagkaalis ni Soapy ay naging awkward na ang lahat ng bisita. Hindi alam ni Dew ang gagawin niya sa prinsipe. Nakatayo pa rin kasi ang dalawa kahit napakaluwag naman ng sofa.

"Wow. Ano ba dapat ang gagawin ko?" Dew scoffed. "Ganito ba dapat? Sit, Your Grace. Kailangan ko bang gumanon?"

"Hahaha!" natawa si Ice at umupo na rin. "Hindi mo kailangang gumalang katulad nila."

Fire and Ice (Revamping)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora