I WAS really shocked when Light asked me to go have lunch with him. It's weird kase di naman kami ganon ka close. Pero i guess maganda na den itong pagkakataon na ito para hindi magiging awkward ang atmosphere sa mga future bandmates ko pag nagkataon.

He held my hand while walking that i found really sweet. I just withdraw my hand when i remembered something.

I have to tell Remie about this. She will also be shocked for sure.

'Psst, guess what? Light invited me to go lunch with him!'
I typed.

I was walking with Light while sending the messages to Remie. Btw, Remie is my bestfriend. We met at my first year in highschool and totally clicked, that's how we became friends.

I just stopped looking through my phone when i saw a Ducati parked in front of me.

"Oh, ito helmet mo." Napatingin na lamang ako sa helmet na hawak nya.

"Dito tayo sasakay?" Di paren ako makapaniwala na makakasakay ako sa ganitong sasakyan. Di naman ako mayaman para maka afford ng ganitong sasakyan noh!

"Uy, ba't tulala ka jan?" Tanong ni Light sabay tingin sa Ducati nya. "Ahh, gulat ka no? Well, I can't blame you. Maganda talaga sya at mayayaman lang ang makaka-afford nyan. Actually, marami pa akong mas mahal at mas maganda jan." May pagka mayabang din pala itong lalaking ito eh.

I just faked coughed and accepted the helmet. Nauna na munang sumakay si Light sa sasakyan at nagsimulang buhayin ang makina. Sinenyasan na lamang ako ni Light na sumakay na nung nakaalis na sya sa parking.

"Baka mahulog ka." Saad ni Light na nakatingin sa akin.

"Hindi, komportable naman ako tara na." Tugon ko naman.

"Hawak ka na." Mahinahong wika ni Light.

Naiilang na humawak ako sa balikat nya.

"Ano ka ba? Mahuhulog ka dyan sige ka! Sa bewang ko ikaw humawak hindi sa balikat." Natatawang wika ni Light.

Nakayakap nako ngayon sa bewang nya. Naiilang ako sa ganitong posisyon! Sana malapit lang ang kakainan namin para di kami magtagal nang ganito.

Mga limang minuto lang din ang lumipas nang tumigil ang paggalaw ng sasakyan. Bumaba nako sa sasakyan at tinanggal ang helmet.

"Jollibee?" Tanong ko kay Light. Tinanggal ni Light ang helmet nya at tumingin sa akin.

"Oo? Bakit?" Tanong ni Light. Nagtataka na ngayon.

"Wala lang." Pinagwalang bahala ko nalang iyon.

"Uy saglet!" Nagulat na lamang ako ng hawakan nya ang kamay ko at hinila patungong entrance.

Hindi nya ako pinakinggan at tuloy-tuloy na naglakad.

"What can I get for you sir?" Tanong ng cashier kay Light. Nagulat ako nang ilipat ni Light ang kamay nya mula sa kamay ko patungo sa balikat ko.

"What do you want babe?"

"H-ha? Ano-"

"Sabihin mo nalang order mo, just go with the flow. Ex ko yan eh. Wag mo kalimutanng sabihin yung babe" Pabulong na saad ni Light. Di na ako pinatapos magsalita. Naguguluhan man sinunod ko na lang ang sinabi nya. Alam ko ang feeling na kaharap ang ex mo no! It's very awkward.

"A-ano, uhmm isang spaghetti na lang tsaka isang float. B-babe" muntik ko pa makalimutan yung babe.

"Ok babe." Saad nya na may pilyong ngiti sa labi. "2 spaghetti, 2 floats and 2 large fries please."

Perfect HarmonyWhere stories live. Discover now