CHAPTER 34

3.2K 145 42
                                    

KHALIAN'S POINT OF VIEW

"Sana ol" ang rinig kong sabi ni Dhen habang nanonood kami kay Ice at Rysia na nag yayakapan sa stage

"Puntahan mo si Alona" ang sagot ko

"Hindi ko nga alam kung nasa--" hindi natuloy yung sasabihin ni dhen nung biglang nag salita si Alona sa likod namin

"I'm here" ang sabi nya kaya napatingin kami sakanya

"Ohh nandito na pala yung hinahanap mo" ang ngiti kong sabi sakanya

"San ka galing?" ang tanong ni dhen sakanya

"backstage tinulongan yung mga candidates" ang sagot ni alona

"Kanina ka pa hinahanap nyan" ang ngisi kong sabi kay alona kaya natawa sya nung nahiya si Dhen

"Sige na maiwan ko na kayo lovers" ang sagot ko at nag lakad paalis hindi ko alam kung saan ako pupunta busy si Kryzel eh

"hey" ang biglang tawag sakin kaya napatingin ako kung sino yun at nakita ko na may babaeng nakangiti sakin sabay lumapit sya sakin

"Hmm? Why?" ang taka kong tanong

"Ikaw diba si Khalian Crimson Cohen?" ang tanong nya sakin nag taka naman ako bakit nya ako kilala?

"Ahmm do i know you? pano mo ko nakilala?" ang tanong ko  

"well, I'm Nika Sanchez anak ni Garry Sanchez your dad's friend" ang sabi ni Nika napakunot naman ako ng noo

"Pano mo ko nakilala?" ang tanong ko

"Syempre ako pa ba?" ang ngisi nyang sabi napailing naman ako

"May kasama ka ba?" ang tanong nya sakin

"Wala eh" ang sagot ko kase busy si Kryzel  sa booth nila ako naman walang gagawin

"Edi samahan nalang kita" ang sabi  nya

"Bakit ikaw wala ba?" ang tanong ko

"Hmm meron mga kaibigan ko pero nag paalam nalang ako na may sasamahan ako nung nakita kita" ang ngiti nyang sabi

"Ay hindi mo  naman ako kailangan samahan eh" ang sabi ko sakanya at ngumiti

"Ok lng yun atchaka gusto ko din maging close tayo noh" ang sabi nya at hinawakan ako sa braso ko

"Ayy ganon hehe" ang sagot ko

"Let's go" ang sabi nya sakin at hinila ako agad kaya wala na akong nagawa

hinila nya ako sa may foodcourt

"Anong  gusto mo libre ko?" ang tanong nya sakin

"A-ahh h-hindi na nakakahiya" ang nauutal kong sabi

"Ok lng yun khalian wag ka mahiya" ang ngiti nyang sabi napailing naman ako no choice ako

"Yung Burger nalang" ang sagot ko tumango naman sya

"Dalawa pong burger po" ang sabi ni Nika sa nag titinda ng burger at kaagad naman niluto ng Tindera yung burger

"Bakit mo pala ako gusto maging close?" ang tanong ko sakanya

"wala lng kase mag kaibigan yung family natin at.."ang pabitin nyang sabi sabay lumapit sya at bumulong

"Mag kasama yung family natin sa gangster world" ang bulong nya at ngumiti

"kasali ka din ba don?" ang tanong ko napailing naman sya

"Makakasali lng daw tayo don after natin makagraduate yun ang patarakan ng pamilya natin sa gangster world isa kase tayo sa mga malalakas na pamilya don kasama yung mga Sandoval at iba pang angkan" ang kwento nya napatango naman ako andami nyang nalalamam about sa gangster world ah?

samantala ako walang alam kase di naman ako interesado dyan eh kung mag gagangster man ako para maprotektahan yung mga mahal ko sa buhay edi mag gagangster ako marami naman ako matutunan sa mga tinuro ni dad na self defense at mapakikipaglaban eh

KRYZEL'S POINT OF VIEW

"tapos na ba?" ang tanong ko sa namumuno ng booth namin

"Yes miss Kryzel, and thank you kase tumulong ka sa booth natin" ang ngiti nyang sabi creepy naman ng lalakeng to ngumiti parang pennywise

"welcome aalis na ako may pupuntahan pa ako" ang sagot ko tumango naman sya kaya nag lalakad na ako paalis habang nag lalakad ako ay nag titingin ako sa paligid nasaan na kaya si Khalian hays

"Nasaan na kaya yun nag papapadpad?" ang tanong ko sa sarili ko nagpunta ako sa may engineering Building pero wala sya don kaya naisipan ko pumunta ng food court kase baka nandoon nga

Habang tumitingin tingin ako kung saan ay nakita ko si Khalian at napakunot ako nung nakita kong may kasama syang babae nag tatawanan sila

What the heck nawala lng ako tapos may kasama na syang babae?! Wtf kabit nya ata yan argh! well mas maganda naman ako sa kabit nya eh mas sexy pa!

Dali dali naman akong lumapit sakanila

"So your flirting with someone else?" ang sabi ko sakanila kaya napatingin sila sakin

"Kryzel" ang sabi ni Khalian pero tumingin ako sa babae nya

"Ikaw kung lalandiin mo lng si Khalian siguradohin mong kaya mong ibigay lahat sakanya kung tutuusin nga mas lamang ako sayo eh" ang inis kong sabi ng babae kaya napakunot sya ng noo

"What do you mean?" ang tanong nya sakin

"Wag kana mag maang maangan alam kong gusto mo si Khalian! Mag hanap ka ng iba wag si Khalian dahil akin sya!" ang inis kong sabi at tumingin kay khalian sabay hinawakan ko sya sa braso nya at hinila paalis

Pag alis namin sa food court ay don na tumigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya

"Nawala lng ako saglit lumandi kana sa iba" ang taray kong sabi

"Ha? hindi ko naman nilalandi si nika eh" ang sabi nya so nika pala pangalan ng malanding babaeng yun?! mas maganda pa pangalan ko don eh

"Wag kana mag maang maangan khalian" ang inis kong sabi

"I'm serious, hindi ko sya nilalandi" ang sabi nya sakin

"Mag hahanap ka na nga lng ng kabit dapat yung mas maganda at Sexy sakin" ang taray kong sabi at inirapan ko sya

"hindi ko nga sya kabit eh kryzel maniwala ka" ang sabi nya

"Ewan ko sayo" ang sabi ko

"Oo, at wala akong kabit" ang sabi nya pero inirapan ko lng napabuntong hininga naman sya

"Bakit ka ba nag seselos? ano ba tayo?" ang tanong nya sakin bigla kaya napakunot ako ng noo

ewan ko nainis ako nung tinanong nya sakin yun

"Bakit mo tinatanong yan?" ang sabi ko sakanya habang nakakunot ang noo

"Bakit? Ano nga ba tayo kryzel? hindi ko nga alam kung anong meron sating dalawa eh" ang sabi nya kaya parang nagalit ako sa sinabi nya

----------------------
THANKS FOR READING

ONCEPH

Shades Of Red:Khalian Crimson CohenWhere stories live. Discover now