CHAPTER 19

3.8K 177 83
                                    

KHALIAN'S POINT OF VIEW

"Weird parang tumigil na si Kryzel sa pambubully sayo? siguro napagod" ang ngising sabi ni marian

"Kaya nga ilang araw nadin" ang sabi ni Ice
ilang araw na nga din yung nangyari na yun eh di ko padin nakakalimutan at parang nararamdaman ko padin sya sa daliri ko

Hays ilang araw na ako naano dyan sa nangyari sa cr hindi ko talaga alam kung saan ako kumuha ng lakas para gawin sakanya yun

"Oy tulala ka nanaman dyan? ano ba yang iniisip mo?" ang tanong ni Dhen sakin kaya napatingin ako sakanya

"A-ahh w-wala hehe" ang nauutal kong sabi

"Are you sure?" ang tanong ni Ice sakin tumango naman ako at huminga ng malalim nandito kase kami ngayon sa may school field vacant kami ng 2 sub namin dahil busy yung dalawang prof namin kaya dito namin naisipan mag tambay nag dala  pa nga sila ng pagkain kala mo mag pipicnic eh marami din nandito na student galing Engineering building dahil vacant din

"Ansarap talaga dito mag tambay mahangin ansarap matulog" ang sabi ni dhen sabay huminga sa may bermuda

"oy! tumayo ka nga dyan Dhenzry maraming tao dito hindi lng ikaw yung nandito tapos hihiga ka sa may bermuda" ang sabi ni Marian napasimangot naman si Dhen at tumayo napailing naman kami ni ice sakanya

Napatingin naman ako sa isang dereksyon kung nasaan si Kryzel kasama yung bf nya na nag lalampungan hindi ko nga alam kung bakit ako napatingin eh? auto tingin ata tong mata ko ah?  pero bakit kay Kryzel? bakit hindi nalang sa ibang chix?

Bigla naman napatingin sakin si kryzel kaya umiwas ako agad ng tingin

"Khalian" ang biglang tawag sakin kaya napatingin ako kung sino man nag tawag sakin at nag nakita ko si Jana kasama si Gabby yung nag hila sakin sa library

"Oh hi" ang bati ko sakanila napatingin naman sila ice sakanila

"hi sainyo" ang bati ni Gabby kala ice

"Hi" ang bati ni ice

"Hello" ang bati ni dhen at Marian

"Hello I'm gabby at ito si Jana yung may crush kay kha---" hindi natuloy ang sasabihin ni Gabby nung biglang takpan ulit ni Jana yung bunganga ni Gabby

"Shh wag kayo maniwala dyan" ang sabi ni Jana sabay ngumiti

"Ahmm ok hehe" ang sagot ni ice

"Gusto ko lng sana ano ahm.. iinvite kayo sa pool party namin mga invited yung mga students dito sana pumunta kayo" ang sabi ni Jana

"Sure sige" ang sagot ni Dhen

"Salamat yun lng naman hehe" ang sabi ni Jana sabay hinila agad paalis si Gabby natawa naman ako at napailing

"Nice pool party ano kaya magandang suotin? may chix don for sure" ang excited na sabi ni Dhenzry bigla naman syang Kinurot ni marian

"Alam mo puro chix nalang yung iniisip mo hindi ka nalang mag hanap ng permanenteng sayo eh kala ko ba loyal ka kay rysia?" ang sabi ni marian

"si rysia padin crush mo? Kala ko si Alona na kase may chemistry kayo nung P.E" ang sabi ni Ice nakita naman namin namula si Dhenzry at nag takip ng mukha kaya tumawa kaming dalawa ni Ice

"Alona pala ang nais?" ang ngising sabi ni Marian

"W-woy m-manahinik nga kayo" ang nauutal na sabi ni dhen kaya natawa kami

"Sus Alona pala huh?" ang sabi ni Ice

"S-stop!" ang nauutal na sabi ni Dhen habang nakatakip padin mukha

"Oy si Alona oh" ang biro ko sabay napatingin agad sya kaya nag tawanan kaming tatlo kase si Alona talaga ang nais nya

"Tumigil nga kayo inaaway nyo ko" ang saway ni Dhen kaya nag tawanan kami

"Si Alona lng kase bet mo" ang ngising sabi ni Marian

"Shhh.." ang saway ni Dhen 

"Sus" ang ngising sabi ko

"WAHH TUMIGIL KAYO PLEASE HUHU" ang sabi nya habang namumula padin

napailing naman kami

"paki sabi kala dad kung umuwi man ngayon wala ako" ang sabi ko Kala thea

"Bakit? san punta?" ang thea

"Pool party ng kakilala ko invite kami" abg sabi ko

"Nag paalam kana ba kay Ate Sha?" ang tanong ni Thea

"Hindi pa mamaya ko tawagan" ang sabi ko sabay dumiretso ako agad sa kwarto ko para mag palit ng damit don na ako mag papalit ng pang swimming

Pagkatapos ko mag palit ay tinawagan ko agad si Ate sha

"Hello bakit ka tumawag Khalian?" ang tanong ni Ate sha

"Ate gusto ko lng mag paalam na may pool party akong pupuntahan baka mamayang gabi pa ako makauwi" ang sabi ko

"Sino ba mga kasama mo dyan?" ang tanong ni ate sha

"Sila Ice please ate wag mo na pasunudin sakin yung mga bodyguard kase di ko na kailangan nyan" ang sabi ko

"Bakit naman?" ang tanong ni Ate sha

"basta ayaw ko ng may bodyguard ako ate party yun alangan naman dalhin ko mga bodyguard ko don" ang sabi ko

"Hays sige basta mag iingat ka ah? hindi ko sasabihin kala mommy na wala kang bodyguard" ang sabi ni Ate sha napangiti naman ako

"Salamat ate sha! labyu" ang sabi ko

"Sige labyu too ingat ka don sige na may aasikasohin pa ako" ang sabi ni Ate sha pinatay ko naman yung tawag at kinuha ko na yung bag na dadalhin ko at umalis na ako

Pagdating namin nila ice sa may pool party ay nag kakasiyahan na sila nag palit muna ako ng sports bra na pinatungan ng polo pero syempre nakashort ako pambaba kase di ako sanay mag swimsuit eh ganon din naman sila Ice eh

"Ang daming shawty" ang sabi ni Dhen habang nag lalakad kami papunta sa may pool totoo nga maramimg sexy dito na chix na nag sasayawan

Andaming namin dito buti malaki yung area kaya saktong sakto talaga

"Hanap na tayo dito malay nyo nandito na yung forever natin" ang sabi ni dhen napailing naman si Ice bigla naman may lumapit samin na waiter at binigyan kami ng beer

"Salamat" ang sagot namin sa waiter sabay uminom

"Hello sainyo" ang biglang sabi samin kaya napatingin kami sila Jana kasama si Gabby silang dalawa ulit nakasuot sila ng two piece swimsuit

"Hi" ang bati namin

"Nice outfit buti naman pumunta kayo" ang sabi ni Jana

"Thank you for inviting us" ang sabi ko

"Welcome" ang sabi ni Jana

"Anyways Khalian gusto sana ni Jana na sumama ka muna sakanya ngayon" ang sabi ni Gabby nakita ko naman na namula si Jana kaya natawa ako

"sure" ang sagot ko sabay inabot ko yung kamay ko sakanya kinuha naman nya agad ito

-----------------------
THANKS FOR READING

ONCEPH

Shades Of Red:Khalian Crimson CohenWhere stories live. Discover now