CHAPTER 6

63 38 8
                                    

STARE

          Naglalakad siya ngayon sa pathway kung saan patungo sa kaniyang classroom habang kasabay ang kaniyang kaklaseng si Drake at ang lalaking bagong transfer na umagaw ng kanyang upuan.

Hindi niya alam ang pangalan nito kaya iyon na lamang ang itatawag niya dito. Habang naglalakad ay napapatingin sa kanila ang halos lahat ng estudyante ngunit mas napansin niya ang kanina pang patingin-tingin ni Drake sa kaniya at sa katabi nito.

"May sasabihin ka ba?" Tanong niya kay Drake habang nakatingin sa unahan at patuloy na naglalakad.

Bumaling ito sa kaniya. "Wala naman."

"Wala pala eh pero kanina ka pa patingin-tingin sa'kin," Saad niya. "At diyan sa katabi mo." Dagdag pa niya.

Sabay-sabay kasi ang paglakad nila. Nasa gitna si Drake habang nasa kanan naman siya nito at nasa kaliwa naman nito ang lalaking bagong transfer. Nagkasabay-sabay sila dahil magkaklase sila.

"Ganon ba? Pasensya na." Saad naman ni Drake habang ka kamot-kamot ng batok nito.

Umiling na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Ilang sandali ay napa tingin siya sa side niya kung saan nandoon ang lalaking bagong transfer. Ilang sandali ay napatingin din ito sa kaniya ngunit agad siyang umiwas ng tingin.

'There's really something in his stares that I can't figure out.'

"Woah. Ikaw naman ngayon ang tumitingin sa kaniya, baka mamaya sa'kin naman ah," Saad ni Drake na nakapag pabaling sa kanya dito. "Nakita ko 'yon." Dagdag pa nito pagka baling sa kanya.

"You're exaggerating things." Saad niya at nauna ng maglakad.

Nakasunod lamang ang dalawa sa kaniya habang siya ay nagpatuloy lang sa paglalakad. Ilang sandali ay nakarating sila sa kanilang classroom. Agad siyang pumasok dito at naupo sa upuan niya.

Nakita niyang pumasok ang dalawa habang nag-uusap. Pagkapasok nito ay agad tumama sa kanya ang tingin ng bagong transfer. Nilabanan niya ang titig nito hanggang sa makaupo ito at umiwas ng tingin.

'That stare is really.....'

Umiling na lang siya at tumingin sa unahan. Ilang sandali lang ay kinuha niya ang kanyang librong binabasa mula sa kaniyang bag at nagbasa. Maaga pa naman at wala pa ang kanilang guro kaya ayos lang iyon.

Hindi niya nagawa pang basahin ang librong yon pag gising niya dahil gusto niyang maging maaga. Mahirap na at baka ma-late na naman siya.

Ayaw niyang i-recite ang napakahabang topic nila. Masyadong mahirap at saka kailangang mai-explain mo pa ng maayos, hindi naman nakikinig ang iba.

"Ayan na siya! Oh my god!"

"Lapitan natin!"

"What? Ayoko! Ikaw na lang!"

"Sige ako na lang!"

"Huwag!"

"Bakit? Sabi mo ayaw mo?"

"Mukhang masungit ehh!"

"Gwapo naman!"

"Oh my god! Mukha siyang model!"

"Oo nga!"

"Saan kaya siya galing?"

"Sa heaven! Hulog ng langit!"

"Para siyang prinsipe!"

"Hari kaya!"

"Hindi! Diyos dahil sobrang gwapo!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The First Blood (THE ROYALTIES SERIES 1)Where stories live. Discover now