060

709 44 22
                                    

Author's Note: Hello, readers! This is another narration chapter and I would like to inform all of you that my 'way' of typing narrations might change. I will try to write narrations ermm not the right way but I guess in a more clean way? I'm practicing on making essays so why not apply it here? Teka, bakit ba ako nag-e-english HAHAHAHA basta I will change my way on writing narrations starting from this chapter :)

——— HEESEUNG'S

Nakahiga ako ngayon sa kama ko, nakatulala lang sa kisame ng kwarto ko. Iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Jay sa groupchat.

"Ano ba," inis na sabi ko bumangon sa pagkakahiga. Ginulo ko ang buhok ko sa inis at tinignan 'yong phone ko na nasa side table.

Kahapon pa nagcchat sa akin si Hyunsuk at Samantha pero wala akong sinasagot sa kanila. Siguro, naguguluhan pa ako sa ngayon. Pero pagkatapos sabihin ni Jay ang mga sinabi niya kahapon sa groupchat, it actually make sense.

Ang hirap talaga pag may jowa na tropa mo, iba na mag advice.

Huminga ako ng malalim bago tumayo at kinuha 'yong hoodie ko at sinuot

"O', saan ka pupunta 'nak?" napalingon ako kay mama na naghahanda na ng pagkain.

"Wala po," sagot ko

Lumapit ako sa kanya at tinulungan siya mag-ayos

"Nasaan po si Harmoni, Ma?" tanong ko. Tumingin ako sa paligid, nagbabaka sakaling makikita ko siya.

"Nagpacheck up, 'nak. Kasama nung kaibigan niya na si Haruto," tumango ako at napatigil sa ginagawa ko

"Ma, may tanong ako,"

tinaasan niya ako ng kilay at inaabangan ang tanong ko.

"Saan mo ako pinaglihi? Gwapo ko kasi eh," hinampas niya ako kaya napaptawa ako

"Ikaw talagang bata ka! Kung ano ano pinagsasabi mo! Kakacellphone mo 'yan, sige!"

Luh?

"Aray ko naman, Ma! Ito na seryoso na!" pigil ko sa kan'ya.

Masaket! Parang hampas ng dinasour, joke! HAHAHAHAHA

"Do you think, sa tingin mo, Ma?" loko ko ulit. 

Napahawak na lang sa sentido si Mama kaya nagseryoso na ako. Joke time lang namen, eh

"Sa tingin mo, Ma, kausapin ko na sila Sam?" seryosong tanong ko kaya napaseryoso din siya. Huminga siya ng malalim bago ibaba ang mga hawak niya.

"Alam mo, 'nak, 'di ko mapapatawad ang may gumawa non sa kapatid mo," seryosong sabi niya at halata ang galit sa mata niya. Yumuko ako at tumango. Tama.

"Kaya hindi ko mapapatawad ang tatay ni Sam. Pero 'nak, sana 'di masira relasyon niyong dalawa, ha? Walang alam ang magkapatid pati na 'yung nanay nila. At sigurado ako na 'di rin matutuwa kapatid mo pag nalaman niya na magka-away kayo," paliwanag niya at tinapik ako sa likod. 

They are all right. Walang alam sila Sam, kaya dapat sa tatay nila ako magalit at hindi sa kanila.

"Salamat, Ma! Galing mo, mana ka sa anak mo na lalaki" binigyan ko pa siya ng thumbs up kaya binatukan niya ako

"Pumunta ka nga ro'n kila Samantha! Kunyare ka pa, doon ka naman talaga pupunta kanina, bata ka!"

Tumawa ako at hinalikan siya sa noo bago lumabas na ng bahay. Ayusin mo na 'to, Heeseung.

_________________________________________

"Tita," bati ko sa nanay ni Sam nang pagbuksan ako nito ng pinto. Halata ang gulat sa mukha niya nang makita ako. Hinalikan ko siya sa pisnge at tumingin sa loob ng bahay nila.

"Pwede ko po ba maka-usap si Sam, tita?" Tanong ko

Agad naman siyang tumango at pinapasok ako sa loob ng bahay nila.

"Maupo ka muna dyan, hijo. Bibigyan muna kita ng drink para you won't be thirsty," akmang aalis na siya pero agad ko siyang pinigilan

"Huwag na po, tita. Gusto ko na po maka-usap si Sam," singit ko

Huminga siya ng malalim bago umupo sa tabi ko. Hinawakan niya 'yong kamay ko, at tinignan ako 

"Anak, pasensya na, ha?" panimula niya at nagsimulang umiyak. Nagpanik ako at agad siyang pinatahan

"Ba't ka naman po umiyak, tita! Sige ka, iiyak din ako" banta ko dahilan para mapatawa siya ng mahina

"Kung alam ko lang 'yong ginawa ng asawa ko, pinasuko ko agad siya... handa kaming tumulong kay Harmoni, hijo. 'yon na lang magagwa namin," 

Huminga ako ng malalim at niyakap si tita

"Opo, tita. Ginagamit na po ni Harmoni sa check up niya 'yong binigay niyong pera," pagpapakalma ko

Nag-usap pa kami saglit ni tita bago niya ako ihatid sa kwarto ni Sam.

"Kaunti lang lagi ang kinakain niya tapos iyak pa ng iyak. Nag-aalala na ako dahil lagi na din siya nanghihina," paliwanag niya

Nakuyom ko 'yong kamao ko at napapikit. Sam, ano ginagawa mo sa sarili mo...

Tinapik ako ni tita sa balikat at iniwan na ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Sam. Huminga ako ng malalim bago naglakas ng loob na kumatok. Nakalimang katok pa ako bago may sumagot

"Pasok..," mahinang sabi nito

Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto. She's sitting on the couch beside the window. Nakatali ang buhok niya and her eyes looked tired. Nangayayat din siya

Wala pang 1 week nang 'di kami nagkikita pero parang ang laki ng nagbago sa kanya

She looked... exhausted

"Hee," napaupo siya ng maayos at nagsimula nang maluha

Nanlaki naman mata ko at nilapitan siya "bakit ka umiiyak? Alam kong gwapo ako, ano ba" biro ko pa pero mas lalo siyang humagulgol at niyakap ako ng mahigpit

Shit, mali yata

"I'm sorry," iyak niya

Pinunasan ko 'yong tumulong luha sa mata ko at niyakap din siyang pabalik at hinalikan 'yong tuktok ng ulo niya

"it's okay," bulong ko

Siniksik niya 'yong mukha niya sa dibdib ko at hinigpitan 'yong yakap sa akin "Pumayat ka. Bakit hindi ka kumakain?" tinignan ko siya pero hindi niya inalis yung mukha niya.

"Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko ulit

"I'm always looking at the starts thinking that it's you," she finally looked at me. Basang basa 'yong mukha niya kaya inangat ko ang kamay ko para punasan ang mga luha niya

"Hee," tawag niya at hinawakan ang kamay ko

I can feel her hands shaking kaya hinawakan ko 'to at hinalikan

"Can we continue our love story? 'Cause I want it to be a happy ending" iyak niya, alamost begging. 

"You're crying again," I lift her head at pinunasan ulit ang mga luha niya na walang tigil sa pagtulo

"Basta ikaw, I'm willing to take the risk again,"

That's when our love story continued.

_________________________________________

a/n: sorry for the late update :(

kabilang buhay キ l. heeseungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon