my day

22 5 3
                                    

kazutora hanemiya. wc: 316

gabi na at nag-sscroll ka sa facebook nang may chathead na nag pop sa screen ng cellphone mo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

gabi na at nag-sscroll ka sa facebook nang may chathead na nag pop sa screen ng cellphone mo. at dahil wala kang load, inopen mo ito at nalaman na si kazutora ang nag message sa'yo.

'hi, kumain ka na?' hinayaan mo nalang ito at hindi na nag reply. hindi mo siya pinapansin dahil narinig mo ang usapan nila ng tropa nila kanina sa school.

may crush si kazutora sa room niyo at nagseselos ka kahit wala ka namang karapatan. nag send ulit ng message si kazutora pero hindi mo na ito tinignan at niremove mo na agad ang chathead.

"kapal ng mukha nito, lalandiin pa ako kahit may crush na. isa kang red flag, kazutora hanemiya." bulong mo habang nag-sscroll sa facebook mo. sunod-sunod na message ang nareceive mo sa kanya kaya inimute mo siya for 24 hours.

nakareceive ka ng notification na nag add ng my day si kazutora. nainis ka kaya naisipan mo siyang iblock. gagawin mo na sana nang napaisip ka, pano kaya kung mahalata ka niyang crush mo siya? hindi mo nalang tinuloy at natulog nalang.

kinabukasan, pumasok ka at hindi pinansin si kazutora ng buong araw. kahit na anong pagpapapansin ang ginagawa niya, hindi mo siya tinignan. uwian na, sumakay ka nalang ng tricycle pauwi dahil absent ang bestfriend mo kaya wala kang kasabay maglakad.

pag uwi mo ay nagpalit ka na agad at ginamit ang cellphone mo para manood sa youtube. sumaktong tapos na ang 24 hours na mute kaya nag pop ulit ang chathead ni kazutora sa cellphone mo at aksidente mo itong napindot.

nakita mo ang sandamakmak na messages ni kazutora ngunit isa lang ang nakaagaw ng pansin mo. ito ang my day niya na stolen picture mo sa classroom. nag send pa ito ng message.

"ako na ang mag-aadjust. ayan pala yung my day ko, crush. hindi mo kasi nakita."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
tokyo revengers one shotsWhere stories live. Discover now