suklay

28 4 1
                                    

keisuke baji. wc: 343

"anong klase ng buhok 'yan?! buhok pa ba yan, alambre na 'yan e!" asar na pag-angal ng bestfriend mo sa'yo habang nagsusuklay ka ng buhok

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

"anong klase ng buhok 'yan?! buhok pa ba yan, alambre na 'yan e!" asar na pag-angal ng bestfriend mo sa'yo habang nagsusuklay ka ng buhok.

"ha!? kasalanan ko bang ganito 'tong peste kong buhok!?" inis na ani mo habang nahihirapan na magsuklay dahil napakagulo ng buhok mo.

hindi mo naman kasi kasalanan na sabog at magulo ang buhok mo. nasa harapan kayo ng school ng kapatid niya para kunin ang card nito. hinablot niya ang suklay mo at hinila ka papasok ng school at dumiretso sa classroom ng kapatid niya.

"hoy, nakakahiya! gulo ng buhok ko, akin na yan!" binalik niya ang suklay mo at naupo sa upuan ng mga estudyante. nagsimula na magsalita ang teacher sa loob at sinuklay mo nalang ang buhok mo habang nasa labas ka ng classroom.

napamura ka sa inis dahil sa buhok mo. itatapon mo na sana ito nang may tumawag sa'yo. nilingon mo ito ng padabog at nagulat nang tumambad sa'yo ang isang gwapong lalaki. ang ganda rin ng buhok!

"hi miss, nahihirapan ka bang suklayin buhok mo?" tanong niya. tumango ka nalang dahil nahihiya ka. jusme, bakit ngayon pa nagkaroon ng gwapo kung kailan mukha kang nadaanan ng bagyo?!

ngumiti siya. "ako na magsuklay, teka." inagaw niya ang suklay sa'yo at pumunta sa likod mo para suklayan ka. napakasoft ng hawak niya sa buhok mo habang sinusuklayan niya ito.

hindi mo nga napansin na tapos na siyang suklayan ka. nginitian ka niya ulit at magsasalita na sana siya nang tawagin siya ng isa pang gwapong lalaki. "baji! tara na, uwi na tayo! lagot tayo sa mama mo!"

umirap si baji at tumitig pabalik sa'yo. inabot niya sa'yo ang suklay mo at lumapit sa tenga mo para bumulong. "bye miss, see you next time." tumakbo siya palayo habang nakatayo ka lang na parang tanga.

tinignan mo ang suklay at napansin na may note na nakalagay doon.

"gamit ka ng conditioner para mas maging malambot buhok mo. add mo pala ako sa facebook, keisuke baji. ganda mo, miss. mahal na ata kita. <3"

 <3"

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.
tokyo revengers one shotsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora