alternative

30 4 0
                                    

ken (draken) ryuguji. wc: 162

kasalukuyan kang nakaupo sa sofa niyo habang nakahiga sa hita mo si draken

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

kasalukuyan kang nakaupo sa sofa niyo habang nakahiga sa hita mo si draken. kakauwi lang niya galing ng trabaho at halata ang pagod sa mukha niya.

akmang tatayo ka na para ihanda ang pagkain para makatulog na agad siya nang pinigilan ka niya. "draken, ihahanda ko na yung pagkain." umangal siya.

"dito ka muna, please." sumiksik siya lalo sa hita mo at hinawakan ng mahigpit ang kamay mo. bumuntong hininga ka nalang at nagpasyang umupo nalang. pinaglaruan mo ang buhok niya.

makalipas ang ilang oras, napansin mo'ng nakatulog na si draken. tatayo ka na sana nang mas humigpit ang kapit niya sa kamay mo.

"mahal na mahal kita, emma. wag mo akong iwan, please." ngumiwi ka at pinigilan ang mga luhang nagtatangkang tumulo galing sa mga mata mo.

oo nga pala, hindi ka niya mahal. lumipas na ang ilang taon pero si emma parin ang sinisigaw ng puso niya. alternative ka lang para sa babaeng una niyang minahal.

 alternative ka lang para sa babaeng una niyang minahal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
tokyo revengers one shotsWhere stories live. Discover now