003

717 24 9
                                    

- art's.

"that's it for today." sabay naming sinara ni jake yung librong ginamit namin today for reviewing. nag inat inat naman ako nang mafeel kong sumakit likod ko.

katawan talaga sumasakit kapag si jake 'tong tinuturuan ko, ewan ko kung bakit.

sinimulan ko nang ayusin yung mga gamit na nakapatong sa table dito sa may sb.

"noona, may jowa ka ba-" mabilis kong pinulot yung gunting sa table, saka 'yon tinutok sa labi niya.

"tawagin mo pa kong noona, lalabas kang walang labi." i rolled my eyes, pero tumawa lang siya. as if nga namang tatabasin ko labi niya.

"chill, art. nasanay lang kasi ako. and beside, mukha ka namang matanda- just kidding." i glared at him.

"isang araw lang tanda ko sayo, sim jaeyun. wag kang feeling baby," aamba pa ko ng sapak pero kinindatan niya ko.

"pwede namang baby mo nalang" umisa pa nang kindat.

"kung nag coconfess ka ng feelings mo sakin. well, sorry. hindi kita type" pinagpatuloy ko yung pag aayos sa mga gamit ko, habang patuloy sa pag tawa yung hangin sa harapan ko.

"sayang naman" hindi ko nalang pinansin, tutal normal naman siya sa lagay na 'yan. haliparot

"hmm, let's see." he continued, scrolling thru his phone.

"feeling ko pasok sa standards mo 'tong si sunghoon." tinapat niya sakin yung phone niya. showing me a picture of sunghoon.

anong feeling? pasok talaga. shoot na shoot, saktong sakto. kaso, nagsawa na ko sa kanya. kaya nga kami nag break- emz. wala pa po akong ex.

ex kalandian, marami. baka art 'to.

"si hee hyung? wag 'yon. di naliligo lagi." nakailing niyang sabi.

"irereto mo ba ako dya-"

"gusto mo ba?" nagtinginan kami. taas baba pa ang kilay ni bungol.

hindi nalang ako sumagot, kahit blessing yung usapan.

"kung may irereto ako sayo, edi sarili ko nalang. swear, safe ka sakin-" kinuha ko na yung mga gamit ko, at tumayo.

"uuwi ka na?"

"wag muna. pinapunta ko pa yung tropa kong ibibigay- edi don't." tinignan ko siya. mag stay pa ba ko? baka kasi pogi.

"wala akong time para dyan. bye." di ka sure. bahala ka nga, mamatay kang wala pang first kiss.

umalis na ko sa table namin, at nagsimula nang maglakad palabas. naririnig ko pang tinatawag ako ni jake pero syempre maganda ko kaya di na ko lumingon. lingon ba ko? ih, sayang kasi baka shawty yung irereto niya sakin-

"sorry po." yumuko nalang ako sa lalakeng nabangga ko, at nagpatuloy sa paglalakad.

uwi nalang nga ako.

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon