Hinayaan lang nito doon si Yuri ng ilang sandali bago nagpasyang hilain ito at dalhin sa labas kung saan niya sasalubungin sina Khael

**********

Ilang metro nalang ang layo nila sa mga aswang na nasa harapan ng palasyo ng huminto sila

Nakikiramdam sa kapaligiran, bumaba sila sa kabayong sakay at umabante ng kaunti kasama ang mga kaibigan niya

"Nasaan si Apollo?," tanong niya sa mga aswang

"Masyado ka naman nasasabik sa akin, aking pinsan," tinig iyon ni Apollo na nasa likuran ng mga aswanf

Unti unting nahahati ang mga aswang sa gitna para bigyan ng daan ang kanilang Prinsipe

"May sorpresa ako sa inyo,"nakangisi nitong saad sabay itaas kay Yuri na walang malay at duguan

"Yuri/Leigh," kuro nilang lahat kasama na si Khael

"Anong ginawa mo sa kanya!!," gigil na sambit niya habang nag babaga ang kanyang mga mata

"Tapos na," sabay hagis ng katawan ni Yuri na di kalayuan sa kinatatayuan ni Apollo,"Ngayon kayong lahat naman ang tatapusin ko! Pagbabayaran ninyong lahat ang pagkamatay ng buong oamilya ko!!,"

Sumigaw iyon habang nagpapalit ng kaanyuan, nagpalit kaagad si Khael ng anyong aswang

Kasunod nila ang mga kalahi nilang dalawa ni Apollo at ang mga bampira

Humanda naman ang mga kaibigan nila sa pagsugod

"Puntahan niyo si Leigh kung may pagkakataon kayo," bilin niy sa mga kaibigan,"Iligtas niyo siya,"

"Oo," kuro nila sabay sunod kay Khael na pasugod na sa mga aswang

Habang nasa ganoong sitwasyon si Yuri ay may isang aswang ang lumapit sa kanya

"Pagkakataon ko na para makaganti sayo!," galit na sambit nito

"T-talaga?," napapangisi niyamg sambit,"B-bakit n-naman?,"

Hinawaka nito ang buhok niya at iniangat para makita nito ang mukha niya at kung sino siya

"Naaalala mo ba ang pagmumukhang ito? Ang mukhang sinira mo?," tanong nito sabay turo sa mukha nitong may latay ng buntot ng pagi at halos nawala na ang isa nitong mata

"Psh, ampanget mo,"ani niya sabay ngisi sa kaharap

"Papatayin kita," gigil na sabi nito

"Ang dami mo pang satsat!," sabay tusok ng patalim sa tapat mismo ng puso nito

Nanlaki ang mga mata nito ng maramdaman na isinagad niya pa iyon hanggang sa tumagos sa likurang bahagi ng katawan nito ang kanyang patalim

Natumba iyon at agad na namatay, pinilit niyang bumangon kahit na nanghihina na siya

Dahil sa dami na ng dugong nawawala sa kanya at nahihilo na din siya, pinagmasdan niya ang mga nasa paligid

Nandoon ang mga kaibigan niya at si Khael na kinakalaban si Apollo

"Patawad, Khael," ani niya sa sarili,"Ako mismo ang papatay kay Apollo para mabigyan ng hustisya ang pagpatay niya sa lola ko,"

Luminga linga pa siya at nakikita niya ang mga Manggar na may kakayahan din sa pag oorasyon

Binibigyan ng mga ito ng proteksiyon si Apollo para hindi matalo at masugatan ni Khael

Nakita din niya na nabubuhay ang mga napatay ng aswang kaya halos hindi maubos ubos ang mga iyon

Alam niyang pagod na pagod na ang kanyang mga kaibigan dahil sa hindi maubos ubos na mga aswang

Kahit anong gawin ng mga itong paglaban kung may mga bumubuhay naman sa mga napapatay nila ay balewala din iyon

Kaya uunahin niya ang mga Manggar na nasa di kalayuan, alam niya na hindi siya pansin ng mga iyon

Dahil abala ang mga iyon sa mga aswang na binubuhay at ang pagpoprotekta sa Hari nila

Kaya umupo siya habang umuubo ng dugo, pumikit siya matapos makapaghanda sa orasyong gagawin

Pumikit siya at inabala ang sarili sa mga orasyon na gagmitin s amga Manggat, tatapusin na niya ang mga iyon ngayong gabi

Umusal na siya ng mga buhay na salita at dasal habang nakaharap sa mga Manggar

Habang ginagawa naman niya iyon ay isang Manggar ang napasuka ng dugo at halos umiyak na iyon ng dugo, kaya natigil sila sa ginagawang orasyon

Napansin nila sa di kalayuan si Yuri na nakaupo at nagdarasal, nakapikit iyon at umuusal ng kung ano anong orasyon na silang mga Manggar lang ang nakakadinig

Humiyaw ang mga iyob na tila nabibingi at halos sumabog na ang mga tainga nila sa lakas ng mga bulong na pumapasok doon

Dumudugo na ang mga tainga nila at inaagusan na din ng dugo ang lahat ng parte sa mukha nila

Napalingon naman doon ang mag kakaibigan at nakita nila sa di kalayuan si Yuri

Kaagad iyong tinakbo ni Sister Janelle para patigilin

"Leigh, tama na yan!," sigaw nito,"Mamamatay ka sa ginagawa mo!,"sa hindi malamang dahilan ay hindi nila malapitan si Yuri

Parang may nakaharang ditong isang salamin na hindi nila makita

"Yuri, wag mong gawin yan!," ani pa nina Aira at Trina na umiiyak na

Ngumiti lang siya habang nakapikit, natanaw naman sila ni Khael kaya lalo naman itong kinabahan

Iyon ang pagkakataon na hinintay ni Apollo, kaagad nitong sinaksak ng kuko sa tiyan ang kaharap ng mawala ang atensiyon nito sa kanya

Napangisi nalang si Apollo habang nakatingin kay Khael na nakahiga sa lupa habang sapo ang tiyan na may malalom na sugat

"Khael!," sigaw nina Kevin ng makitang sakal na ito ni Apollo, nasa anyong tao na ngayon si Khael

Habang sakal siya ni Apollo.ay pinahaba niya ang knyang kuko at itunusok sa mga braso nito dahilan kaya naputulan ng braso si Apollo

Napasigaw iyon ng malakas, kaya napabuga ng apoy si Apollo pero sandali lang iyon

Wala kasi siyang gaanong kapangyarihan dahil nailipat na niya iyon sa kanyang kapatid bago ito tumakas kasama ng katiwala nila

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Ayan malapit na ang katapusan😯😯

Ano kaya ang mangyayari sa ating mga bida?🤔🤔🤔🤔

Abangan😂😂😂😂

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now