Nagtipon tipon sila sa isang bahagi ng kaharian, kung saan maaari silang makaalis kung sakaling nasugatan ang kanilang Hari
Nanlaki ang mga mata ng lahat ng makitang si Serafino ang ang nandoon at wala ang katawan ng Haring si Karry
"Ako ba ang hinahanap niyo?," tanong nito na sugatan at puro galos, nasa anyong tao na ito ngayon
"Ama/ Mahal na Hari," kuro ni Khael at ng lahat, sabay na tumakbo papunta kay Karry ang mag ina niya
Habang nagkakasiyahan sila ay palihim na nilapitan ng mga aswang ang katawan ni Serafino
Pero bago pa nila mahawakan iyon ay unti unti na itong nagiging abo, kaya nagpulusan ang lahat mg aswang para bumalik sa kanilang kaharian para ipaalam kay Apollo ang nangyari sa ama nito
Nakangiti sila habang nakayakap sa Hari maging ang mga kakampi nila ay nakangiti din
Nagtagumpay ang kanilang Hari na mapatay ang masamamg Hari
"Hindi pa tayo tapos," ani ni Karry,"Buhay pa si Apollo,"
"Kami na po ang bahala sa kanya, Ama," ani ni Khael,"Magpahinga kana lang po muna,"
"Sige mag iingat kayo," ani nito
Sumenyas si Khael sa mga kawal nila na lulusob sila sa kaharian kung saan alam nila na nandoon si Apollo
Kaya mabilis silang kumilos, hindi na sumama ang nga engkanto, engkantado at ang mga ermitanyo
Bumalik na ang mga ito sa puting bundok para makapagpahinga at mabawi ang ang lakas na nagamit nila sa pakikipaglaban
Ang tanging kasama nalang nila ay ang mga aswang, at ang mga kalahi ni Gudo na halos kakaunti pa lang ang nalalagas
Ang mga mangkukulan at mambabarang ay bumalik na sa Sitio Pulang Lupa, dahil alam nila na magtatagumpay ang kanilang Prinsipe laban kay Apollo
**********
Napabalikwas naman si Apollo mula sa pagkakatulog, bakita niya ang kapatid na himbing na natutulog
Ramdam niya na wala na ng pwersa ng kayang ama kaya alam niy na natalo na ito ng ama ni Khael
Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil patay na din ang kanyang ama
Isang aswang ang biglang bumagsak sa kanyang harapan
"Patay na po ang mahal na Hari," pagababalita nito,"Papalapit na din po dito ang hukbo nila Haring Greg,"
Napatayo siyang bigla, tinawag ang isang matandang aswang na katiwala nila at kakampi
"Babayalan," ani nito,"Maiwan ka dito at samahan akong labanan sila,"
"Opo, Kamahalan,"
"Ikaw," ani nito sa isa pang kasama nito,"Timumakas na kayo at ilayo ang aking kapatid,"
"Masusunod po, Kamahalan," yuko nitong sambit saby kuha sa natutulog na si Fhino
May isinalin si Apollo mula sa bibig nito hanggabg sa bibig ng kapatid
"Hanggang sa muli, aking kapatid," anas nito, hinalikan ang natutulog na bata bago ibinigay sa katiwala,"Sa mundo ng mortal kayo magpunta,"
Tumango lang ang lalaking katiwala nila sa kaharian
"Heto, inumin niyo para hindi kayo maapektuhan sa lagusan," sabay abot ng isang maliit na botelya na iniinom niya kapag papasok ng lagusan
Tumango lang iyon bago mabilis na umalis sa harapan ni Apollo
"Humanda sa pakikipaglaban!," sigaw niya bago inihanda ang sarili sa pagdating nila Khael
Hihintayin muna niya ang mga iyon na makapasok sa loob ng kaharian bago makipaglaban
Bibigyan niya ng magandang labana ang tunay na Prinsipe
Kay naupo muna siya sa kanyang trono habang nakapatong ang korona sa kanyang ulo
**********
"Nandito na po ang Pari," ani ni Ramil ng mapagbuksan ang kanilang Pari
"Kawawang Lola Maria," sambit nito na napapaiyak,"Namatay lang sa ganoong kasakit na kamatayan,"
"Tawagin niyo na si Yuri," utos ni Nanay Alfie kina Martha at Jennica
Kaagad na sumunod ang dalawa para puntahan iyon sa silid kung saan ito nagmumukmok
Kaagd nilang binuksan ang pintuan, pero laking gulat nila ng wala doon amg kanilang susunduin
Bukas ang bintana, kaya alam nila na doon ito dumaan, kahit na nasa ikalawang palapag ng bahay ang silid ay nagawa pa din nito iyong talunin para makaalis
"Pupuntahan niya si Apollo," kinakabahang sabi ni Martha
"Tara na sa baba," yaya ni Jennica
Ipinaalam kaagad nila iyon sa mga taong nasa baba kaya nakaramdam sila ng kaba at takot para kay Yuri
Pero wala na silang magagawa dahil nakaalis na iyon
Ipinagdasal nalang nila ito na sana ay magtagumpay ito at makabalik ng buo sa kanila kasama ang mga kaibigan nila
Nang mga sandaling iyon ay nasa kalagitnaan na ng kagubatan si Yuri, mabilis niyang tinatahak ang daan patungo sa lagusan
Hindi na siya makapaghintay na makaharap si Apollo at maipaghiganti ang pagpatay nito sa kanyang Lola
Handa siyang ibuwis ang kanyang buhay maipaghiganti lang niya ang pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na Lola
Wala na siyang pakialam sa kanyang sarili, ang mahalaga lang ay mapatay niya si Apollo
**********oo**********
Read.Vote.Comment
Maraming Salamat Po!
YOU ARE READING
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
HorrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...
Chapter 73
Start from the beginning