Si Greg naman ay ang mga bampira na naging aswang ang kinakalaban at pinapatay nito

Samantalang ang magkapatid naman ang nagtutunggali sa pinakaitaas at tuktok na bahagi ng kanilang palasyo

May pakpak si Serafino kaya malaki ang kumpiyansa nito sa sarili na walang laban ang kanyang kapatid na mas malaki lang sa kanya

Malaki ang pangangatawan ng aswang na si Haring Karry, doble ang laki ng katawan nito kay Serafino, pero wala siyang pakpak na kagaya nito na tila sa isang paniki

Mas nakakatakot ang itsura nito, may malalaking tainga na halos lagpas na sa ulo nito, may malaking bibig na kakasya ang isang bola ng basketball, may mga ngipin n nakausli na kasing talas ng sa piranha, may mga kukong kayang humati sa katawan ng ordinaryong tao at higit sa lahat ay may malaking pakpak na may mga patulis sa dulo

"Matatalo kana, kapatid ko," ani ni Serafino, lumipad iyon pabulusok sa kinatatayuan ni Karry

Inihanda niya ang matutis na kuko para ipanlaban sa nakatatandang kapatid, kahit na alanganin siya ng mga oras na iyon ay handa na siya para isakripisyo ang kanyang buhay para lang sa kaligtasan ng lahat

Masaya na din siya kasi nakita at nakasama na niya ang kanilang anak, kaya kung mamamatay man siya ngayong sy titiyakin niyang isasama niya ang kanyang kapatid

"Sige, sugod!," ani ni Karry, humanda na siyang labanan ang kanyang nakatatandang kapatid

Sumugod si Serafino ng buong bilis kasabay ng pagpagaspas ng malalaking pakpak nito

Na kamuntikan ng ikahulog ni Karry dahil sa lakas ng hangin na ibinabato nito sa kanya, kasabay ng pagkabitaw niya sa hinahawakan ay iniuwmang niya ang kanyang malaking bibig kasabay ng pagsakmal sa braso ni Serafino ng mahagip niya iyon, at iyon ang kanyang kinapitan para hindi tuluyang mahulog at matusok sa mga patibong na nasa ibaba

Iniumang na nito ang matatalas na kuko para gilitan siya ng leeg, pero mas naunang sumakmal ang kanyang malaking bibig sa braso nito, kinagat niya iyon

Kinagat niya iyon ng ubod ng lakas, ibinaon ng sobra ang mga matatalas at malalaking ngipin sa braso nito

Umungol at umangil ng todo si Serafino kaya napatingin silang lahat sa taas ng palasyo

Nakita nilang nahulog ang isang braso nito, naputol iyon ni Karry dahil sa tindi ng pgkakakagat niya dito

Galit na galit si Serafino, lalong namula ang kaninang mapula ng mga mata, umuusok ang ilong sa sobrang galit na nararamdam

"Hindi ang babaing iyon ang papatay sayo," ani ni Karry,"Kundi ako aking kapatid, matapos kang mamatay ay isusunod namin si Apollo,"

"Hindi ako makakapayag!," sigaw ni Serafino at sumugod ulet kay Karry,"Kailangan naming manalo laban sa inyong lahat!,"

Sumugod iyon ay iwinsiwas ang pakapak sa kanya, hindi siya nakaiwas kaya nasugatan siya, pumuno sa buong kaharian ang kanyang sigaw ng bumaon ang matutulis na bagay na nasa pakpak nito sa kanyang dibdib, braso at katawan, kaya alalang alala ang kanyang pamilya sa kanya

Kaya napaatungal ng bahagya si Karry dahil sa hapdi ng nararamdaman ng hugutin ni Serafino ang nakabaon sa katawan niya, napayuko siya dahil sa panghihina, maraming dugo ang lumalabas sa kanyang mga sugat

Hindi siya makalaban ng maayos dahil sa maliit lang ang espasyo na kanyang gingalawan,

Kunting pagkakamali niya lang ay baka mahulog siya sa kinatatayuan

"Katapusan muna akin kapatid!," sigaw ni Serafino, at iniumang ang isang kamay papunta sa tapat ng puso ni Karry

Kaya ng makitang papalapit na iyon sa kanya ay inihanda na niya ang kanyang pag atakae, ibinaon niya direkta sa tapat ng puso nito ang kanyang malalaki at matatalas na kuko, kaya nagulat at ikinanlaki ng mga mata iyon ni Serafino

Agad na umatras ito para maalis ang pagkakabaon ng mga kuko nito sa dibdib, sumuka na ang dugo si Serafibo habang hindi pa din makikitaan ng pagkatalo

Pero bago tuluyang makaalis at makalayo sa kanyang harapan ang nakatatandang kapatid ay mabilis niya itong nahawakan ng at agad na kinagat ng paulet ulet hanggang sa naputol ang natitirang braso nito

Ngayon ay mas malakas na ang atungal ni Serafino, wala na siyang mga kamay para patayin ang kanyang kapatid, mas tumindi ang galit nito at pagkapoot sa kanya

Ang natitira nalang niyang sandata ay ang mga nasa pakpak niya

Tumulo ang itim na dugo mula sa naputol nitong mga kamay, pinagmasdan ang nakababatang kapatid bago ngumisi at kumuha ng bwelo para ihulog iyon sa kinatatayuan nito

Sigurado siyang mamamatay ito dahil napakaraming matatalim na patubong ang nakita niya na nasa ibaba ng kinalalagyan nila

Mga matalim na bagay na bahagi ng kanilang palasyo na kinakabitan ng mga banderitas na nagsisimbolo na isa silang Maharlikang Bampira at ang patibong para sa kanila

Matapos makakuha ng bwelo ay lumipad na ito pabulusok sa kinatatayuan ni Karry

Nakita nilang lahat iyon kaya napasigaw si Mayumi ng makitang nawalan ng balanse ang kanyang kabiyak

Napatumba na iyon at unti unti ng nahuhulog mula sa pinakitaas na bahagi ng kanilang palasyo

Pero bago mahulog ay nakapitan pa ni Karry ang pakpak ni Serafino, niyakap niya iyon at ipingpalit ang kanilang pwesto

Parang napakabagal ng kanilang pagbagsak habang nakatingin ang lahat sa dalawang Hari

Kahit ang mga aswang ay napatigil din sa pakikipaglaban at hinintay ang pagbagsak ng dalawa

Kung sino ang mamamatay at kung sino ang nabuhay

"Kkkaaarrryyyyy!!!,"sigaw ni Mayumi

"Aaammmmaaaaa!!!," sigaw naman ni Khael ng malapit ng bumagsak ang mga iyon sa isang malapad na bakal kung saan maraming matatalim na patusok ang nakaabang sa kanila

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

So ayan pabitin po muna😂😂😂😂

Hindi na kinaya ng kamay ko ang mag type pati utak ko🤗🤗✌✌✌

Sino kaya ang mamamatay?🤔🤔🤔

Abangan po natin😂😂😂😂

Kinakabahan po ako🙁🙁🙁🙁


Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now