Sabay sugod ni Apollo sa kanya, umilag lang siya at nag usal ng orasyon, pinalabas ang gabay niyang puting kapre
Ibinuhos na niyang lahat ng orasyin at dasal sa kanyang gabay para labanan si Apollo
"Yan lang ba ang kaya mo, Tanda?!," sigaw ni Apollo sabay laban sa kanyang gabay,"Papatayin ko ang iyong gabay!,"
Habang lumalaban ang gabay niya ay nakaluhod naman siyang umuusal ng dasal at orasyon, may naglalabasan ng dugo sa kanyang ilong at tainga
Kapag nasusugatan ang kanyang gabay ay pati siya ay nadadamay
"Manggagamot, magpaalam kana sa mundong ito!," sigaw ni Apollo sabay dukot sa puso ng puting kapre na napatumba nito
Dahil sa lakas ni Apollo ay hindi na nakayanan pa ng gabay ni Lola Maria ang labanan ito, dahil ang kakayahan nito ay mula sa mga demonyo
Umatungal at umiyak ang kanyang gabay ng maramdaman nito ang pagdukot sa pyso nito
Napaubo naman ng dugo si Lola Maria ng maramdaman na patay na ang kanyang gabay
Idinilat niya ang kanyang mata, nakita niyang hawak na ni Apollo ang puso ng puting kapre
Walang pag aalinlangang nitong kinain iyon habang nakangisi sa kanya, napaluha nalang si Lola Maria sa sinapit ng kanyang gabay
Na mula sa pagsilang niya ay kasama na niya ito at hanggang ngayong kamatayan ay hindi siya nito iniwanan at pinabayaan
"Ngayon ikaw naman," sabi ni Apollo sabay lapit sa kanya
Hinawakan siya nito sa leeg at itinaas, umubo ubo naman ng dugo si Lola Maria habang kaharap ang aswang na demonyo
"H-hindi k-ka m-magta t-tagumpa," nahihirapang sabi niya,"L-lagibg m-mananalo a-ang k-kabu t-tihan s-sa k-kasamaan,"
Tumawa lang si Apollo sa mga sinabi niya, na lalo pang hinihigpitan ang pagkakasakal sa kanya
"Hindi iyon mangyayari manggagamot!," at dahan dahan na ipinapasok nito ang matutulis na kuko sa dibdib ni Lola Maria
"Lola Maarriiiiaaa!!!," sigaw ni Martha na nakasilip sa bintana, hawak siya ng mag asawa para hindi nakalapabas at mapahamak
Nilingon niya ang apo at ngumiti, pumikit at nagpaalam kay Yuri gamit ang isipan niya
**********
"Apo, mag iingat ka!,"
"Hu?," ani niya ng makalabas na siya sa lagusan, tumulo ang kanyang luga ng hindi niya namamalayan
"Mahal na mahal kita apo," dinig pa niyang sabi nito sa kanyang isipan,"Mag iingat ka palagi, paalam apo,"
"Lola,"napaluhod nalang siya at napaiyak sa mga nadinig sa kanyang isipan
Hindi siya maaaring magkamali, nagpaalam na ang kanyang Lola
Kaagad siyang tumayo at tumakbo pababa ng kabundukan, kailangan niyang makita ang kanyang Lola
**********
![](https://img.wattpad.com/cover/274422236-288-k258085.jpg)
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
KorkuHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...
Chapter 71
En başından başla