Chapter 4

2 0 0
                                    

AZE POV

Before kami makapasok sa school kailangan muna naming dumaan sa mga guard na nag i-implement ng protocol sa may labas ng gate. The usual lang din naman ang ginawa nila.

Nang makapasok na kami sa school diretso na agad sana kami sa gym kasi dun sinasagawa yung enrollment ang kaso lang may pila bago makapunta sa gym at parang daan lang sa may bayan kasi one-way lang kaya medyo nakakapapd kasi kailangan pa naming magpapirma sa kung sino-sino para sa mga petition subjects.

Inabot din kasi ng halos 20 mins bago kami makapasok sa mismong gym pero mga mare mas malala ang pila dun napaka daming tao, pero wag kayong mag-alala at sumusunod naman ang school sa protocol na 1meter na distance.

Diretso pila na kami sa cashier, ewan ko ba kung bat dun ang lagi naming umpisa pero di naman talaga yun ang unang gagawin. Habang nasa pila kami syempre nandyan na din yung kwentohan.

Mga pambabash lang sa kung sino-sino charot. Mga kamustahan at kung anong mga ganap lang ang pinag-uusap namin.

Hindi ko lang din maiwasan na matawa sa ibang classmates/friends ko hahahah paano ba naman kasi naka pila sila habang nago-online seminar. Ewan ko na lang sa kanila kung may naintindihan sila noong araw na iyon,

Hindi ko naman sila masisi kasi need talaga namin ng seminar para sa isang subject naming, mga 72 hours lang naman ng seminar ang kailangan. Oh diba ang saya lang 72 hours tapos sa lagay ko di ko sure kung saan ako hahanap ng pambayad.

After 100 years natapos na din kami sa cashier charot lang mga isa't kalahattin oras lang naman ang ginugol naming dun.

Patapos sa cashier pinuntahan na naming yung chairman namin for approval of subjects naman para pag-katapos sa kanya mag-papaprint na kami ng form sa registrar area.

Habang nag-aantay ng turn naming sa kanya nahanap naman naming yung mga nag-aayos ng mga petition na subjects. So inuna muna naming yun habang may inaasikaso pang iba si sir.

Nabuti na lang nagpalista lang kami ng name at sila na daw bahala, mabuti ganun nangyari at uwing-uwi na ako. Hindi ko na gustong matagalan sa school.

Kahit gaano ko man gustong hindi matagalan natagalan pa rin ako sa school, Hay buhay nga naman ayaw makisama.

Mabilis lang kami natapos kay chairman kasi medyo kilala naman niya kami ang talagang natagalan kami ay sa registrar grabe dun talaga ang mahaba ang pila.

Mga bandang 11am siguro noon nasa pinakadulo pa kami ng pila,

Hindi na din kami nag-lunch para hindi maagawan ng pwesto o kung ano pa. Nakasabay na din naming yung ibang kaibigan naming. Kwentohan lang kami habang nag-aantay.

Mga bandang 1:30pm nagutom na kami pero di naman kami pweding umalis lahat so ang nangyari salitan kami sa pag labas. Nauna na kasi silang nagutom kanina kaya nauna sila medyo late kami noong kasama ko si Marg.

After 300 years medyo malapit lapit na din kami sa katotohanan. Mga 4pm nasa pinaka-una na kami ng pila pero bago yun nasingitan pa kami grabe ang papanget nila kabonding. Edi kami na pasaway kasama na din yung mga lalaki na nauna sa amin tudo parinig sila dun sa sumingit pero wag ka si ate girl walang pake sa parinig naming.

Kaya ang ending hinayaan na lang namin. Nang matapos kami dun kunting fill-up lang sa form at pumunta na kami sa accounting para ipasa yung ibang part ng form.

Tapos medyo pansin ko na masungit yung nandun edi nag-tuturuan pa kami kung sino ang pupunta dun. Mahirap ng masungitan mga mare, pero dahil sa ginawa namin napagalitan din kami ng unti lang naman,

Pag-tapos namin dun layas agad kami baka may masabi pa si sir sa accounting.

Ang cute lang kasi yung isa sa accounting halos same sa pirma ni baklang Shayne.

Among UsWhere stories live. Discover now