Chapter 3

5 0 0
                                    

AZE POV

I have been playing among us for days until it turns into weeks and months. I kinda like the game. Hindi ko expected na magugustohan ko siya. Ang balak lang naman ay laroin ito para sa mga pinsan ko maybe a week or two.

Pero akalain mo nga naman inabot ng ilang buwan ang paglalaro ko ng among us.

Kinapupuyatan ko na nga ang pag-lalaro ng among us. Minsan nga mga 4-5am na ako natutulog kakalaro ko.

Oh baka sabihin niyo di ako nag-aaral kakalaro ko ha, well bakasyon pa lang naman ng mga panahon na yun so di ako nagwoworry about school kasi di pa nag-start.

Dahil nga may pandemya online na din ang klase namin.

Makalipas ang ilang araw naka receive ako ng message sa kaibigan ko na need na naming mag pre-enrollment kinabukasan so gabi pa lang nag-paalam na ako na hindi ako makakasama sa laro namin ng hapon for two days.

Nag-lalaro pa din sila kahil wala ako o yung iba sa amin basta kung sino ang available sila yung nag-lalaro.

Kinabukasan, nagpre-enrollment ako thru online at habang ginagawa ko yun kausap ko sa chat yung kaibigan ko syempre para pareho kami ng schedule. Pero hindi pa rin kami pareho kasi may mga subjects ako na tapos na niya pero di ko pa tapos at may mga tapos na akong subjects na hindi niya pa nakukuha. So hindi pa rin kami mag-kaklase sa ibang subjects. Pero pareho kami sa iba na pareho pa naming di nakukuha.

Diba ang pakilala ko 4th year ako hahahah syempre yun ang nakalagay sa form ko pero international ako eh di ko sure kung 4th year or 5th year ako. May mga subjects kasi ako na pang 5th year at 4th year kaya ito si ate girl di na sure kung anong year niya. Hindi naman ako matalino, sabihin na nating sakto lang pero kinakaya naman.

After ng pre-enrollment, nagplano na kami ng kaibigan ko na pumunta kinabukasan sa school for approval of subjects at makapag enroll na din. Napag-usapan namin na maaga kami pumunta at ng makatapos agad.

Ayaw ko na kasi bumalik pa sana sa school kasi nga may pandemya at medyo nagtitipid na din ako. Napag-usapan naming na 8am dapat nasa school na kami.

Kahit na maaga ako kinabukasan ay maaga akong aalis di pa din nawala sa akin ang mag laro. Naglaro ako ng naglaro hanggang di ko namalayan yung oras.

OMGmga mare alas-dos na ng madaling araw, masyado akong nagenjoy mag-isangnakikipag-laro sa iba kaya napag-pasyahan kong matulog na at nagset na lang akong alarm ng bandang alas-singko ng umaga. Nang maset ko na ang alarm agad agad nadin akong natulog.

Nagising din ako ng marinig ko yung alarm ko, akalain mo yun 3 hours lang ang tulog ko at maghapon ako sa school at may possibility pa na gabi na ako makauwi.

Wag kayo mag-alala keri ko pa naman, sanay na din naman ako sa puyatan at may mga araw din naman talaga na wala talaga akong tulog. Ang pina-matagal ko ng gising mga tatlon araw lang naman.

Bumangon na ako agad para maligo. Gising na din naman si tatay dahil nakapag sabi naman ako na magpapahatid ako sa sakayan ng bus mga 30 mins ang layo sa bahay.

Pagkatapos kung makaligo nag-bihis na ako agad para maka-biyahe na. Hindi na dinako kumain ng agahan dahil, hindi dahil sa late na ako pero hindi talaga akonag-aagahan.

Makalipas ang 30 mins nakarating na ako sa saakayan at agad nagpaalam kay tatay. Hindi naman ako natagalan sa pag-sakay kasi may naka abang ng bus.

Dahil sa pandemya may protocol na sinusunod gaya na lamang ng pagkuha ng temperature, pagsusuot ng face mask at face shield. Meron din yun contact tracing na nakalagay yung name, address, age, destination at temperature.

Matapos ko gawin ang protocol para makapasok ng bus biglang nagbiro yung conductor.

Ma'am namumula tayo ah, sabi niya ng conductor sa akin. Ako naman nagulat sa sinabi niya at di ko pa nagets noon una hanggang sa naalala ko nagpakulay pala ako ng buhoy, kulay red siya na medyo brown. Nang magets ko na natawa na lang din ako.

Ay hindi po kuya sabi ko sabay tawa ng bahagya at umakyat na ako ng bus.

Nang makaakyat naghanap na ako ng pwesto sa may right side ng bus, ewan ko ba at nakasanayan ko ng sa right side ako ng bus umuupo pag-nagbibiyahe ako. Naupo naman ako sa left side o sa pinakalikod ng bus pero pag wala lang akong choice gaya na pag-punuan ang bus.

Nang makaupo na ako nagchat na ako sa kaibigan ko na OTW na ako at sinuot ko na din yung earphone ko para makinig ng music habang nag aantay ng pasahero.

Naka pag-reply na din yung kaibigan ko na OTW na din siya at ang sabi ko na lang antayin ko siya sa labas ng school para sabay na kaming pumasok.

After 15 mins umalis na din yung bus na sinakyan ko, nakapag bayad na din ako ng pamasahe ko at nakinig na lang ng music sa buong biyahe. Inabot din ako ng mga 45 mins bago makarating sa babaan sa may tapat ng mall.

Bumaba na agad ako ng bus at agad din sumakay ng tricycle para makapunta na ako ng school. Mga mare kamahal ng pamasahe 50 pesos dahil mag-isa lang ako. Feeling ko nabutas agad yun bulsa ko sa mahal ng pamasahe. Hindi naman kasi pweding may kasama sa tricycle kaya no choice na isang biyahe ang babayaran ko.

Mga 5 mins nasa tapat na ako ng school, bumaba na ako agad at nagbayad ng pamasahe. Nag antay lang ako ng 10 mins at nakita ko na yung kaibigan ko at sabay na kaming pumasok ng school.

*******

If ever may nagbabasa nito Hello sa inyo. Isang hi naman dyan. Maraming salamat sa nagbabasa nito. Mag-iingat po tayong lahat. Kung wala naman tayong importanteng pupuntahan manatili na lang tayo sa loob ng bahay. At panatilihin po nating malakas ang atin mga resistensya.

Among UsWhere stories live. Discover now