Pero alam niya na napakahimbing ng pagkakatulog nito, hinayaan nalang niya na magpahinga iyon

Hindi niya alam ang gagawin kapag kaharap na niya ito at magpapaalam na silang aalis, baka hindi niya kayanin na maiwan ito

**********

Malungkot at tahimik lang sila habang nagkakape ng umagang iyon

Halos wala ni isa ang gustong magbukas ng usapan

Suna Lola Maria, Nanay Alfie at Tatay Carlos naman ay naging abala sa kusina at sa taniman ng gulay sa limod ng bahay nila

Silang magkakaibigan naman ay nasa sala at nakikiramdam sa isat isa, tanging pagbugtong hininga lang ang nagagawa nila

"Oh, anong mga itsura yan?," bungad niya sa mga kaibigan, kakatapos lang niya maligo at dala ang isang tasa ng kape,"Para kayong namatayan ah,"

Naupo siya sa pang isahang upuan bago humigop ng kape at tinignan sila isa isa

"Ano?," tanong niya na seryosong tinitigan sila

"Umalis na sila Khael," malungkot at mahinang sabi ni Kevin

"Tapos?," tanong niyang nakangiti

Nagtataka naman siyang tinignan ng lahat dahil sa itsura niya

"Hindi ka man lang nalulungkot?," takang tanong ni Nena

"Ni hindi mo man lang siya nakitang umalis?," dagdag ni Aira

Natawa nalang siya sa mga tanong ng mga ito, kaya lalong nagtaka ang lahat sa inaasal niya

"Nakita ko," sagot niya

"Paano?," kuro ng mga ito

"Gising ako," sabi niya na biglang lumungkot,"Nagising ako noong bumangon na siya para maghanda, pero nagtulog tulugan ako para hindi siya mahirapan na umalis,"

Napabugtong hininga lang silang lahat dahil sa sinabi niya

"Nakasilip ako sa pintuan ng silid niya," dagdag pa niya,"Nakita ko din na panay ang tingin niya at parang inaasahan na niya na magigising ako, kahit masakit na hindi ako nakapagpaalam sa kanya ay tiniis ko, para hindi siya mahirapan ng todo,"

"Tama ang ginawa mo, Leigh," ani ni Sister Janelle, sabay yakap sa kanya mula sa gilid niya,"Tiniis mo para lang makaalis siya ng maayos,"

Isinubsob niya ang mukha sa hita nito at doon ay umiyak siya, napaiyak na din ang ilan dahil sa lungkot na nararamdaman niya

Ilang sandali pa sila sa ganoong posisyon na nagda drama

"Tigil," saway niya bago pinunasan ang luha,"Bakit ba tayo nag iyakan? Di ba nga susunod tayo sa kanila? So kilos na at ihanda ang gagamitin natin at tutulungan natin sila!,"

"Yeehhheeeyyy!!," kuro at sabay sabay na sigawan nilang lahat

"Anong mayroon?," napasugod naman ang tatlong matanda ng madinig ang kanilang hiyawan

Nagkatawanan nalang sila at niyakap ang tatlo habang nag iiyakan ulet sila, iyakan habang nagtatawanan at nag aasaran

**********

Nang mga sandaling iyon ay nasa harapan na ng lagusan ang tatlo, laking pasalamat  nila dahil bago pa tuluyang sumikat ang haring araw ay nakarating na sila doon

Nagpasalamat din sila at wala ni isang tao silang nakasalubong habang papasok sila sa kagubatan at maging sa Sitio

"Inumin niyo po muna ang ibinigay ni Lola Maria," paalala ni Gudo sa kanila

Tumango naman kaagad silamg tatlo bago uminom sa boteng naglalaman ng banal na langis

Halos kalahati ang natira sa langis na nasa loob ng botelyang iyon

Inilagay namn kaagad iyon ni Khael sa maliit na bag na nakatali sa kanyang bewang bago ngumiti

"Pumasok na po kayo," utos ni Gudo,"Para mabantayan ko kayo habang papasok,"

"Salamat, kaibigan,"ani ni Khael,"Magkita nalang tayo sa labasan ng lagusang ito,"

"Walang anuman po, Mahal na Prinsipe,"yukong sabi nito,"Karangalan ko po ang mapaglingkuran kayo,"

"Sige, mauna na kami," ani ni Khael sabay tapik sa balikat ni Gudo

Sabay sabay na silang pumasok sa loob ng lagusang iyon, habang pinagmamasdan sila ni Gudo

Nagpalinga linga muna ito habang nakabantay sa lagusan

Matapos makasiguradong nakapasok na ng tuluyan ang tatlo sala siya nagpasyang umalis na doob sa harapan ng lagusan

Pero pinalipas muna niya ang halos labing limang minuto bago siya tuluyang umalis doon

Alam niya na nasa maayos na ang tatlo na nasa loob ng lagusan

**********

Samantala,

Naghahanda na ang hukbong mandirigma ng kaharian nila Haring Serafino at Apollo

Ibat ibang uri ng aswang, maligno at mga masasamang elemento ang sumanib sa kanila para pataubin at ubusin ang lahing bampira, mga ermitanyong angkantado at engkantong puti

Para masakop na nila ang buong lahi ng mga aswang at mga tao

Sa kaharian naman nila Gref ay nakahanda na din sila sa paglaban

Laking pasalamat nila at hating gabi magaganap ang digmaan dahil kapag sa umaga iyon magaganao at tiyak na ang pagkatalo nila

Hindi sila makakalaban ng maayos dahil sa masusunod sila sa sikat ng araw, tanging ang kapatid na si Mayumi lang ang nakakalakad sa sikat ng araw

At alam niya na malulupil kaagad ang buong lahi at angkan nila

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Excited na ba kayo sa labanang aswang vs bampira vs engkanto vs tao?🤔🤔🤗🤗

Kung ganoon ay subaybayan po natin ang labanang ito at ang kasaysayang lilikhain ng ating mga bida sa kabilang mundo👍👍✌✌

Makakaya kaya nilang labanan ang mga makapangyarihang aswang at mga maligno?🤔🤔🤔

Pero alam kong kayang kaya nila iyan lalo pa at sama sama silang magtutulungan👊👊👊💪💪💪💪

Sana manalo silang lahat🙏🙏🙏🙏





Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now