Tinignan ni Yuri si Khael habang nakatitig din ito sa kanya, titig na humihingi ng pang unawa

"Umpisahan muna," ani niya kay Khael bago naupo

"Hindi ko alam kung paanong magkasama kami ni Reema,"paliwanag ni Khael habang nakaluhod sa harapan niya

Nagkatinginan silang lahat, pero hindi nagtanong o kumibo, hinayaan nalang nilang magpaliwanag si Khael

"Basta nagising nalang ako na nauuhaw at nagugutom,"dagdag nito,"Lumabas ako ng silid para magtungo sa kusina, kaso nasalubong ko si Reema, tapos noon wala na akong naalala, nadinig ko nalang na naibagsak ni Nena ang lampara, kaya natauhan ako, tapos iyon nakita kong kahalikan ko na si Reema,"

"Ginamitan ka ng mahika," ani ni Lola Maria,"O hipnotismo ng mga aswang, may kakayahan siya kaya niya nagawa iyon sayo,"

"Leigh, patawad," umiiyak na sabi ni Khael,"Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa akin at kung gaano kita kamahal,"

Hinawakan nito ang dalawang kamay ni Yuri at hinalikan

"Maniwala ka naman sa akin, Leigh," pagsusumamo nito sa kanya

"Maniwala ka sa kanya, Leigh," ani ni Sister Janelle,"Alam mo kung gaano ka kamahal ng pamangkin ko este ng Mahal na Prinsipe,"

"Ahas lang talaga ang aswang na iti eh," sabay duro ni Aira na hanggang ngayon ay gigil na gigil,"Bitiwan niyo nga ako at papatayin ko na ang aswang na yan,"

"Iwanan muna natin sila," yaya ni Lola Maria,"Bumalik na kayo sa mga silid ninyo at magpahinga, maaga pa ang alis nila Haring Kharry. Sumunod na kayong dalawa pagkatapos ninyong mag usap. Sana maayos ninyo iyan,"

"Kayong tatlo!," ani ni Aira,"Mauna na kayong pumasok sa silid ninyo, baka gambalain na naman ninyo ang dalawa eh,"

Nanlilisik na tinignan ni Reema si Aira bago pumasok sa silid na nakalaan para sa kanilang tatlo

"Ayusin ninyo iyan," sabi ng mga kaibigan nila sa kanila

"Aalis pa naman si Khael," malungkot na saad ni Manuel,"Sana magkaayos na kayong dalawa,"

Kanya kanya ng alis ang mga kaibigan nila, umakyat sa ikalawang palapag ng bahay bago pumasok sa mga silid na nakalaan para sa mga ito, habang naiwan naman silang dalawa ni Khael doon

"Leigh," niyakap siya nito ng makitang umiiyak siya,"Pakiusap wag kang umiyak, lalo lang akong nasasaktan at nahihirapan. Mahal na mahal kita, Leigh. Higit pa kaninuman, ikaw ang buhay ko,"

"Khael," yumakap na din siya dito,"Mamimiss kita, ayaw kong mapalayo sayo,"umiiyak siya habang nakayakap ng mahigpit sa kaintahan

"Ako din naman eh," tugon nito,"Mamimiss kita ng sobra sobra at labis labis, pangako babalik ako para sayo, handa akong pakasalan ka pagkatapos ng digmaang ito, pangako iyan,"

"Hihintayin kita, Khael," nakangiti niyang saad bago humiwalay sa pagkakayakap niyo sa kanya

"Mahal na mahal kita, Leigh,"iyon lang at hinalikan na kaagad siya ni Khael ng buong pagmamahal

Halik na punong puno ng pag galang, pananabik at labis labis na pagmamahal sa kanya

Ginantihan din niya iyon ng mas maalab na halik at mahigpit na yakap

Hindi nila alam kung ilang sandali silang nasa ganoong posisyon dahil abala sila para sa pagpaparamdam ng kanilang pagmamahal sa isat isa ng kusang humiwalay si Khael sa kanilang mainit na halikan

"Hindi pa maaari,"pigil nitong saad kahit na makikita na sa mga mata nito amg kagustuhan na may mangyari na sa kanila

"Nakahanda ako, Khael," ani niya sabay haplos sa mukha nito,

Umiling lang ng umiling si Khael sabay yakap sa kanya, inihilig niya ang ulo sa dibdib nito, hinalikan siya sa ulo bago nagsalita

"Isa akong Prinsipe at hinding hindi ako lulusong sa isang mortal na kasalanan ng sanglibutan,"ani nito,"Gusto kong iharap ka sa dambana ng ating Panginoon na malinis at karapat dapat sa harapan NIYA, kaya kahit mahirap pipigilan ko ang aking sarili na makuha kita,"

Lalong humigpit ang yakap niya sa sinabi ng binata, pinatunayan nito na mahal na mahal siya nito at iginagalang

"Tara na at magpahinga kana," yaya niya,"Maaga pa kayo aalis ng amang Hari mo,"nakangiti man siya pero halata ang lungkot sa mukha niya

"Ayaw ko," saad nito,"Gusto ko na magkasama tayo hanggang mag umaga, ayaw kong mawala ka sa paningin ko,"

"Eh anong gagawin natin dito?," tanong niya sa katabi

"Doon nalang tayo mahiga sa silid ko," yaya nito sabay tayo at hila sa kanya,"Magkwentuhan nalang tayo habang hinihintay ang oras ng pag uumaga,"

"Khael, ha?!," tukso niya dito

Natawa nalang ito at kinarga siya na parang bagong kasal, iniaakyat sa itaas at dumiretso sa silid nito

"Wala tayong gagawin, pangako," ani nito bago siya inilapag sa higaan nito

Nahiga na din si Khael habang nakayakap sa kanya, siya naman ay nakaunan sa mga bisig nito

Nakayakap ang braso niya sa dibdib nito habang nagku kwentuhan sila at mahinang nagtatawanan

"Walang gagawa ng milagro," tinig na nasa labas ng pintuan ng silid ni Khael,"Kwentuhan lang,"

"Opo, Tatay Kevin," kuro nila ng makilala nila iyon, sabay na nagkatawanan silang tatlo dahil sa isinagot nila dito

Umalis naman kaagad si Kevin at nagpatuloy na sila sa pagkukwentuhan

Hindi na namalayan ni Yuri na nakatulog na siya sa mga bisig ni Khael habang hinahaplos nito ng dahan dahan ang kanyang buhok

Hinahalikan ang kanyang ulo bago siya yayakapin ng mahigpit

Kaya napaungol nalang siya habang nasa malalim na ng pagkakatulog

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

So ayan aalis na ang ating Prinsipe😓😓😓

Iiwanan muna niya si Yuri para makipag laban sa mag ama👊👊👊

Abangan po natin ang nalalapit na pagtatapos ng Season 2👏👏👏🤗🤗

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now