Naupo si Mhiya matapos maipakilala sa kanilang lahat, nakayuko lang ito tanda ng pagkapahiya sa mga nandoon

"Siya ba ang nakatakdang makaisang dibdib ni Apollo?," tanong muli ni Lola Maria

"Opo, Lola Maria," tugon ni Kharry,"Tatlong araw mula ngayon ay magiisang dibdib na sila,"

"Pero bakit nandito siya?," takang tanong ni Lola Maria

"Ayaw ko pong makaisang dibdib ang demonyo at aswang na si Apollo, Lola Maria," malungkot na saad ni Mhiya,"Marami na po siyang pinatay s mga kalahi namin at sa kalahi ni Haring Kharry noong isang araw," pagkukwento nito,"Nakipagsanib pwersa na po siya sa pitong Prinsipe ng Impyerno noong pula at kabilugan ng buwan,"

Napailing nalang si Lola Maria sa mga nadinig nito

"Delikado at mapanganib na siya ngayon,"sambit ni Lola Maria,"Lalo na kapag nailipat na sa kanya ang trono ng kanyang amang Hari,"

"Ganoon na nga po, Lola Maria," tugon ni Mhiya,"Pagkatapos ng aming pagiisang dibdib, kinabukasan po ay kaagad siyang ipapakilala bilang tunay na taga pagmana at isang Prinsipe,"

"Kailangan na makabalik na kayo doon kaagad sa araw na iyon," sabi ni Lola Maria

"May tatlong araw pa po bago ang aming pag iisang dibdib at kung isasali ang pagbibigay ng trono sa kanya ay may apat na araw pa po tayo," sagot ni Mhiya

"Makakauwi na tayo ng mga sandaling iyon,"ani ni Haring Kharry sa pamangkin

"Sana nga," pagdarasal ni Lola Maria, natatakot siya sa maaaring gawin ng mag amang Serafino at Apollo oras na wala na ang mapapangasawa nito sa kanilamg kaharian,

Nasisiguro ni Lola Maria na magwawala ito at maghahasik ng lagim sa kaharian nila Greg at s amga nasasakupan ng mga ito

Matapos ang ilang sandaling pagku kwentuhan ay tinawag na sila ni Ella para sa hapunan, tinulungan na din ito ng nakatatandang kapatid na si Ramil

Tuwang tuwa sina Ella at Joan ng makita ang magandang si Mhiya na tila isamg buhay na manika kung titignan

Halos hindi maalis amg mata ng magpinsan sa kaharap na dalaga lalo na si Ramil na halatang humahanga na iyon sa bampirang dalaga na napapangiti nalang

Magiliw at mabait si Mhiya kaya nakagaanan kaagad nila ito ng loob, nalaman nila kay Kharry na hindi ang mga ito nambibiktima ng mga tao lalp na ang pumatay dahil pinalaki daw sila ni Greg ng maayos kaya napatango nalang sila sa nalaman nila

Matapos makapaghapunan ay sinamahan nila si Mhiya na magpahinga ma sa silid ni Jennica kung saan matutulog ang dalagitang si Ella

Doon na sila nagtabi ng gabing iyon habang nagkukwentuhan at nagtatawanan

Mabait si Mhiya at mahilig sa mga bata, dahil na din sa may dalawa siyang kapatid at kambal pa iyon

Mahabang oras ang nakalipas bago nila nalayan na nakaidlip na sila habang magkayakap sa isat isa na may ngiti sa labi

**********

"Kailangan na natin makapaghanda para sa galit at bagsik ng mag ama," ani ni Mayumi sa mag asawa

"Nakausap ko na ang ating mga kalahi at angga mandirigma natin, nakahanda na sila. Matagal na din nilang gusto kumawala sa pananakop nina Serafino at Apollo," pahayag ni Greg

"Magaling at mabuti kung ganoon," sambit ni Mayumi,"Asha, umalis na muna kayo, isama mo ang kambal,"

"Pero saan kami pupunta?," tanong nito sa kanya

"Sa bahay ng Baylana,"tugon niya,"Doon ay ligtas kayo at mababantayan niyang maigi,"

"Ihahatid mo na kayo doon mamayang hating gabi," sabi ni Greg na ikinatango lang nito

Matapos iyon ay pinasya na ni Greg na samahan sa kanilang silid ang kabiyak at ang kambal nila para makapaghanda ng kanilang mga gamit na dadalhin

Kailangan nitong maihatid ang mag iina niya bago sumikat ang araw, dahil kapag naabutan sila ng sikat ay mamamatay silang lahat

Tanging si Mayumi lang ang nag iisang bampira na nakakalakad sa katirikan ng araw

Kaya hindi alam ni Greg kung bakit nangyari iyon, dahil pareho naman sila ng pinangmulan, magkadugo naman sila at higit sa lahat ay magkapatid

Kaya hindi nila alam kung bakit ito lang ang biniyayaan ng ganoong kakayahan

Pero laking pasalamat din ni Greg na hindi niya namana iyon dahil baka hanggang ngayon ay hindi pa siya natatauhan sa pakikiisa sa mag ama at baka naghahasik na siya ng lagim sa kaharian nila

Baka hindi din siya nagsisi sa pagtataksil niya sa kanilamg angkan at sa tangkang pagpatay sa kanyang nakababatang kapatid at sa mabait na asawa nito

Hindi na niya hahangarin ang kung anumang kakayahan ng kanyang kapatid, dahil masaya na siya sa kung anuman na mayroon siya ngayon

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now