UTLD

790 86 140
                                    

An hour to spend with your loved ones and say your last goodbye.

Have you ever wondered why we celebrate?

Why is it so important that we celebrate occasions like birthdays and anniversaries?

Well for some people, they celebrate to honor an important detail in their life and can share that special moment with their loved ones.

Kagaya ni Selene Montenegro, na mahalaga sa kanya ang okasyon. Kahit na maliit na bagay o malaki man yan pinaghahandaan niya 'to.

Sa kanyang pamilya, si Selene ang itinuturing "the life of the party" dahil sa kanyang jolly side.

Sa munting bahay ng Montenegro, Maraming naka handang pagkain. Isang maliit na salo salo kasama ang mga kamag anak niya at malalapit sa kanyang puso.

Halos lahat ng nakahanda sa hapag kainan ay kanyang paborito. Pinaghandaan ng husto ng mag asawang Montenegro para sa kanilang Unica hija.

Dahil doon, nakatakam si Selene at sabik na sabik siyang kumain.

Kukuha na sana siyang nang pagkain. Ngunit natigilan siya at napa buntong hininga.

Bigla niya na-aalala na hindi na muli niya matitikman ang mga 'to.

Dahil ang kanilang pinaghandaan ay para sa ika-40 araw niyang kamatayan.

Dahil isa na siyang espirito.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan para sa pagdarasal at pagbibigay respeto sa kaluluwa niya.

Hindi pa'rin matanggap ng mag asawang Montenegro na wala na ang kanilang Unica hija. Bilang isang magulang masakit sa damdamin iyon dahil mas na-una pang nawala ang kanilang anak kaysa sa kanilang. Ang kaisa isang princesa nila na hindi na muli nila nakikita ang kanyang magandang ngiti at maligalig niyang tawa.

Sa mga taong malapit sa puso niya, hindi rin sila makapaniwala na wala na ang kanilang masayahin kaibigan, mabait na katrabaho, at mapagmahal na kamag anak.

Sa pagkakataon na iyun, hindi lahat ng okasyon ay masayang pagdiriwang. Masakit man pero kailangan tanggapin. Darating din ang panahon na may mawawala at magpapaalam.

Sa kabilang banda, masakit sa puso ni Selene na nakikita niya ang magulang at mga mahal sa buhay na nangungulila at nagluluksa ng dahil sa kanya.

Mga ilang saglit, nararamdaman niya na may tumabi sa kaniya. At alam na niya kung sino iyon. Pagtingin niya, alam na niya kung ano ang susunod na mangyayari.

Sariwa pa ang kaniyang alaala ang sinapit niyang aksidente.

Kakatapos lang ang kanyang shift sa trabaho niya. Nagtatrabaho bilang isang manager ng restaurant. Masipag at dedicated siya sa kanyang ginagawa. Kasama niyang umalis at pauwi ang mga ka-trabaho niya.

Habang naglalakad, nagkwekwentuhan sila tungkol sa mga bagay - bagay at mga nangyari sa kanilang araw sa trabaho. Hanggang sa naka abot sila sakayan ay nag paalam na sila sa isa't isa dahil iba na ang ruta ng iba. Habang siya ay kailangan niyang tumawid sa kabilang highway. Sa pagtawid niya, mabilis ang pangyayari hindi na niya napansin na may mabilis na humaharurot na sasakyan and suddenly everything went black.

Until the Last DropWhere stories live. Discover now