Chapter 1 ~Panaginip~

3 0 0
                                    

POV: ~LYNDCE~

Vince... Vince... Vinceeee...! sabay bangon ko sa kinahihigaan ko

Hoy lyndce lagi mo nalang napapanaginipan yang vince na yan sino bayan? Jowa mo noh..... Pagtutukso sakin ng kaboardmate ko na si riza.

Huh? Eh di ko alam e. Pagod lang talaga yata ako sa trabaho kaya kung sinu-sino napapanaginipan ko. Pasimpleng sagot ko sabay pasok ko sa banyo.

Na'ko beb anong sinu-sino? Eh yung vince lang naman lagi ko naririnig sayo. Pahabol niyang sagot sakin.

Napaisip ako kung bakit si vince na naman napapanaginipan ko simula ng umalis ako sa amin ay siya rin simula mapanaginipan ko siya at gusto ko ng kalimutan si vince ngunit ang puso ko ang di nakakalimot. Ano ba gagawin ko? Ayukong guluhin ang tao at wala narin akong balita sa kanya.

Beb riza ano shift mo ngayon? Tanong ko sa kanya upang hindi niya ko kulitin tungkol kay vince.

Graveyard. Sabay na tayong pumasok sa office. Daan muna tayo sa mall may bibilhin lang ako. Sagot niya sa akin.

Sige libre mo ko huh. Pabirong tugon ko.

Buraot ka talagang kaibigan ka hahahaha anyway di mo pa ginagamit VL (vacation leave) mo ah? Gamitin mo na para makapag pahinga ka naman. ani ni riza habang nagmimake up.

Pareho kaming hindi nakapagtapos ni riza sa kolehiyo ngunit sinubukan parin namin na mag apply bilang isang call center representative at pinalad naman, higit isang taon na ako sa trabahong ito.

Habang naglilibot na kami sa mall ay bigla naman tumunog ang cellphone ko at pag bukas ko ng notification ay tinag ako ng isa kong ka batchmate tungkol sa papalapit na reunion namin isasabay daw sa paparating na fiesta sa probinsya namin.
Sabay nagpop up ang isang bagong gc na wari'y lahat ng aking ka klase at kabatchmate namin nakasali narin

Hi guys so mukhang may idea na kayo bakit kayo nandito noh? Yung karamihan ay nagkumpirma na pupunta sa reunion madami narin ang nagsabi na uuwi ng fiesta. Yung iba nalang hinihintay ko ang sagot lalo na yung mga nasa malayo so sana update niyo ko kung makakadalo kayo. Thank you
Anunsyo ng Highschool valedictorian namin at ngayon ay engineer na. nakita ko pangalan na Vince Montemayor at bigla ako nakaramdam ng lakas ng tibok ng puso.
Agad kong tiningnan ang profile niya at isa narin palang itong architect bumakat sa aking labi ang saya para sa kanya natupad narin niya ang kanyang pangarap.
Ito na ba yung hinihintay kong pagkakataon? Masasabi ko na ba sa kanya ang nararamdaman ko?
Bakit naman kasi di naka public kung ano yung relationship status niya. Sila pa kaya ni Rayne o baka mag asawa na sila? Agad napalitan ng lungkot ang narararamdaman ko

Yan ba yung vince? Pogiiii mareeeee. Nagulat ako at di ko na pala namalayan ay pati si riza nakatitig na sa cellphone ko.

Huh?... Ahhhh.. Ehhhhh. halos wala ako maisagot sa kanya.

Ohhhh.. Uhhhh..?? Hay Nako lyndce nicole kahit di mo na sabihin halata na jan sa mukha mo. Mukhang alam ko na saan mo gagamitin VL mo. Go push mo na yan.
pagdidiin ni riza sa akin.

Di ko alam. iyon lang ang nasagot ko.

Huh? Anong di mo alam? Ilang taon ka ng di umuuwi sa inyo ah? Tsaka reunion niyo yan umawra ka balikan mo yung mga crush mo dati tapos sabihin mo "Ako pala ang sinayang mo" oh pak kabog ka don. Pagbibiro niya sa akin.

Di ko alam..mm.. Alam mo riza pakiramdam ko hindi ako nababagay na dumalo sa reunion e. Karamihan sa amin graduate na at may magagandang trabaho na mayayaman pa, yung iba naman kinasal na at may sarili ng pamilya... Samantalang ako di nakapagtapos tsaka ito subsob sa trabaho at puyat. I mean mahal ko yung trabaho ko at di ko yun ikinahihiya pero alam mo yun? Yung feeling na ngayon palang alam mong out of place ka na agad. Sagot ko sa kanya.

Alam mo din lyndce, sa mundong ito hindi naman dapat lahat pare pareho. Eh bakit kung mas successful sila sayo? At least successful ka sa paraan mo. Tsaka di lang naman reunion sadya mo diba? Fiesta narin sa inyo pagkakataon mo narin yan para makapag enjoy. Pagmomotivate ni riza sa akin.

Bumuntong hininga ako at nag isip sandali

Oh sge pag iisipan ko. Sagot ko.

Ayaaannn!! Bongga.... Total nandito narin tayo sa mall bumili narin tayo sa mga pasalubong at gagamitin mo pauwi sa inyo. Saad nya at sabay hila niya sa akin papuntang department store.

Habang namimili si riza ng damit napaisip ako
Tama bang desisyon kong uuwi na ako? Handa ko na bang kausapin si vince? Handa na ba ako sa mangyayari? Maraming gumugulo sa isip ko sa mga oras na rin yun tumunog ulit ang aking cellphone.

Lyndce kumusta? Aattend ka ba sa reunion?..Si jessica kaibigan ko nung highschool

Hinayaan ko muna at di ko muna nireplyan dahil di pa nga ako sigurado kinakabahan parin ako sa mangyayari.....

Hoy mamaya huh after ng shift natin. Baka naman handa ka ng e kwento ang tungkol kay mr. Architect vince na yan? Anong meron sa inyo huh? Yieeeeeeee... Pang aasar sakin ni riza.

Sa pagkakasabi niya na iyon ay biglang may bumalik sa akin mga ala-ala.

REWRITE THE STARSWhere stories live. Discover now