Four Chapter, Part

104 8 1
                                        

*Krrrriiiinnnngggg.krrrrriiiinnnggg*

"Bwiset na alarm clock yan!!"

Naiinis na ako kay Mario napakacold. Kung lesson. Lesson lang talaga!! Arrrgghhh di ko na siya gusto!!

Di na kelangan ng Flashback para doon kasi pagkauwi na pagkauwi ko siya ang nadatnan ko. At ang mata ni Celest kuminang nang makita ito. Ang galing lang diba. Sabunutan ko siya e.

Pumunta siya dito para ipadala ang uniform na gagamitin ko. At sinet ang alarm clock ko at may diniscuss na konti kung ano ang pinag-aaralan nila ngayon. At walang pumasok sa isip ko kasi siya ang tumatakbo dito!! Tapos...tapos... ARGGGGHHH sinasaktan niya na ako. Huhu OA. lagi nalang niya akong sinisigawan.. huhu susad.

4:00 AM PALANG HA!! Susunduin niya daw kasi ako. Pag hindi pa ako handa, iiwan niya ako dito.

Napaka lang diba!!!

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili.

Akala ko ba matitino ang mga estudyante doon pero yung uniform nila parang magcocosplay sa sobrang iksi. Buti nalang maganda ang legs ko. Ohaoha.. hihihi

Bumaba na ako para makakain pero naalala ko, wala palang pagkain dito maski tinapay kasi di ako bumili. Mga kaeschosan lang binili ko kahapon e.

Arggghhh tagal naman niya. 5:30 na!

*Toktoktok*

Binuksan ko at nakita ko ang pinakamasamang ugali sa balat ng LUPA!!

Tumalikod siya at pumasok sa kotse niya. Tsk Hindi man lang gentledog. Sumunod ako at sumakay sa passenger.

Ang tahimik niya, ok wala naman akong inaasahan na sasabihin niya.

"Sumunod ka lang sakin, huwag kang kung saan saan pumunta"

Nagsalita rin sa wakas... akala ko matutuyuan na ako ng laway dito.

"Osige poooooo!!"

Back to normal nanaman siya!!

Tssss

"Baba na!!"

Nandito na pala kami. Hihi naantok na kasi ako sa sobrang tahimik niya.

" ^Q^ Wow, school to?"

"Oo"

"Parang hindi a... hihi excited ako. Tara na!!"

Hinawakan ko siya sa braso at hinila papasok.

"Ang ganda naman!!" Manghang mangha talaga ako sa school na to.

Nakahawak pa rin ako sa braso niya. Hindi naman niya tinatanggal kaya ok lang.

Napansin ko nalang na maraming nakatitig saming dalawa, kaya napahinto kami sa paglalakad at may lumapit na dalawang babae at isang lalaki.

"Yo brow,"

Sabi ng isang babae at siniko pa siya at tumingin sakin.

Bumitiw naman agad ako kasi baka masabunutan ako nito.

"Ah H-hi, ahm sige mauna na ako"

Lumakad na ako pauna nang may humila sa braso ko.

"Hindi mo alam dito" bulong ni Mario sakin.

Oo nga pala, tanga naman ni Jem.

"Claire si Jem, Jem si Claire kapatid ko" pakilala ni Mario, magkapatid pala sila kaya pala may Hawig.

"Hello Jem this is my bestfriend Tiana and Kris" pakilala naman ni Claire sa kasama niya. Nagsmile sakin yung Tiana, tiningnan lang ako nung Kris.

O diba may kilala na agad ako!!!

UNCONDITIONALWhere stories live. Discover now