One Chapter, Part

245 10 8
                                        

Nandito ako ngayon sa likod ng school at nagmumuni-muni.

Naalala ko lang kung anong kahihiyan ang ginawa ko, kung saan ako kumuha ng lakas ng loob kung bakit ko ginawa yun.

Nagtapat lang naman ako sa harapan ng maraming estudyante at harap harapan akong tinanggihan ng taong gusto ko. Sabihin na nating, taong matagal ko ng minahal.

"Hahahaha nakakatawa" sigaw ko.

Ngayon alam ko na kung gaano kasakit ang tanggihan. Siguro karma ko na rin to dahil minsan narin akong may masaktan na taong lubos-lubusang minahal pala ako.

Inulit ulit ko sa sarili ko na manhid siya, napagtantuhan ko nalang na mas manhid ako dahil sa iisang tao lang ako nakatuon ng pansin at hindi ko naramdaman na may taong nagpapahalaga pa pala sakin.

Ulila na ako at naghahanap ako ng pagmamahal kaya siguro ganito ang nangyari sakin ngayon.

"Ang sakit!!! Ang sakit-sakit!!!"

Hindi ko kayang umiyak kahit na ang bigat bigat na ng loob ko.

Bakit ganun? Ganun na ba talaga ang pag-ibig ngayon. Magmamahal ka tapos hindi ka naman pala mahal at hindi mo napapansin na may nagmamahal pala sayo.

Hindi pa ako naniniwala sa mga napapanood kong telenovela, sinasabi ko pang kalokohan tapos mangyayari pala to sakin.

Nakakatawa.

Baliw na nga ako. Baliw na ako.

Ganun na nga siguro pag nagmamahal. Nababaliw.

It's time to move on. Hindi na dapat pinag aaksayahan ng oras ang mga ganong bagay.

Tumayo ako at muling sumigaw. Nalinawan na ako. Wala akong balak maghiganti. Ituturing ko iyon bilang experience. Isang beses lang yun, ayoko nang maulit pa.

Haaayyss ano kayang pweding gawin. Mag-aaral pala ako, test nanamin sa friday at ako lagi ang lowest, tinuringang section one pero dinaig pa ang last section sa baba ng grades ko.

Anyways, Ako nga pala si Jem Yee, half chinese. Ang may ari ng school na to. Oo ang angkan ng mga Yee pero paepal lang ako dito. Saling pusa kasi may favoritsm, section one pero laging fail.

Pumapag-ibig na ako niyan ah. At saka yung kadramahan ko may halong barbero. Letse ang korni ko pala kanina tangna niyan. Ulila daw at kulang sa pagmamahal? Kulang na nga lang lunurin ako sa pagmamahal ng mga magulang ko.

Only child ang kumag kaya gamaganern ako.

Bwisit magmomove on na ko.

"Jem Yee, late ka nanaman, saan ka ba nagsusuot at lagi kang late. Pinapatawag ka ng mommy mo sa office niya"

Sigaw sakin ng adviser namin, first subject kasi namin. Hindi nila kayang pagsungitan ako dahil mawawalan sila ng trabaho.

Nasa labas palang ako, naririnig ko na yung bulungan ng classmates ko, tabasan ko sila ng kilay diyan e.

Tinignan ko sila ng TITIG-PA-KICK-OUT-KAYO-GAGO.

Sorry for the word, habbit ko na talaga yan.

Tumungo nalang ako sa office ni mommy, baka nabalitaan niya na ang nangyaring kabalbalan na ginawa ko kanina lang.

"Jem, maupo ka't mag-uusap tayo"

Umupo naman ako, parang estudyante lang ang kausap niya.

"May nabalitaan ako tungkol sayo, na nagtapat ka ng nararamdaman mo." Mahinahon niyang tinugon sakin. Ito na nga ang sinasabi ko.

UNCONDITIONALWhere stories live. Discover now